Archive for March, 2006

Malasa Chapter 10

Thursday, March 16th, 2006

IKASAMPUNG
CHENES

Ikasampung
Yugto ng mga Diwatang May Amnesia

Paru-paro,
ang weird ng panaginip ko kagabeh. May taong nakaharap sa
akin, di ko sigurado kung babae o lalaki pero mukha siyang tao.
Siguro nga tao siya. Pero nakaamoy ako ng hindi maganda sa panaginip.
Hindi naman mabaho o malansa pero hindi ko gusto. Parang iyong
pabango mong tsap-tsap. Anyhooh, may sinasabi siya, di ko
maintindihan. Parang Aleman o Russian ang pinagsasasabe tapos
kinakausap akoh! Malay ko ba naman sa mga yinayawyaw niya, eh Tagalog
lang ang alam kong salita, ‘de hindi ko pinansin…”

Nakamaang
lang si Carlo sa akin habang kinukuwento ko ang panaginip ko at
habang naghihintay sa pagdating ng aming butihing guro sa English.
Iyon bang pagkakamalan mong mataman ang pakikinig at naiintindihan
ang mga katagang nagpa-fly over sa bunganga ko, gayung ako
mismo eh di ko rin naintindihan kung may logic bang nagaganap
sa story-telling ko.

Tapos,”
dugtong ko, may nalalaman pang konting twist sa kuwento ng
panaginip ko, “maya-maya, umiyak sa harap ko… en den, nag-iba ang
kapaligiran at napunta kami sa isang lugar na hindi ko maintindihan
kung ano. Andaming nakasabet na wall clock. Iyong iba,
talagang may arte pa ang pagkakasampay sa mga dingding. May mga
kakaibang hugis – may hugis paa, hugis na magaslaw, hugis na
malaswa, hugis na korteng kuwan… bastah, ang dame. Wala akong ibang
naririnig kungdi tik, tak, tik, tak, tik, tak… ako naman, sunod
lang doon sa taong naglalakad papunta sa kung saan. Tapos, nagsalita
na naman iyong tao… tiningnan ko nga ng masama, eh. Sinabihan ko
talaga siya ng, ‘Puwede bah! Alam mo namang di ako makaintindi ng
mga sinasabe mo diyan, usap ka pa rin ng usap! Ang haba-haba ng dila
mo, ba’t di mo pabawasan! Tatay ko, madaming labaha, tulungan ka
noon! Mukha kang manananggal! Ano ka ba, babae o lalake!? Naiirita
ako sa pagmumukha mo… May meryenda ba rito? Kakagutom ha! Talak ka
lang ng talak diyan. Hmph!’”

Ano’ng
sabi niya?” tanong naman ni Mariposa na akala mo, talagang
interesado. Nagpirat pa ito ng isang balot ng mani na akala mo,
nanonood ng telepantasya sa TV.

Eh di
malay ko!” sagot kong nagniningning, “Tanungin mo pa ako eh,
sinabi ko nga na hindi ko siya maintindihan. Hay nako, ang ginawa ko,
kumuha ako ng isang orasan at nilaklak ko. In fairness, lasang
tsokolate na may banilya sa loob. Napatitig sa akin iyong tao, tapos
kumuha rin ng sariling wall clock at nilaklak niya. Ayun, dun
natapos…”

Bakit di
mo ako pinagtira, masarap pala!?” may hinampo pa sa tono ng
hinayufak!

Di ko alam
kung susungkitin ko ang talukap ng mata nang kausap ko o dudutdutin
ko ang noo. Pinaliwanag ko nang panaginip iyon, hala, gusto pang
makihati sa ninamnam kong wall clock!?

Minsan
Carlo, palagay ko, nasosobrahan ka na sa pagkain ng gulaman.
Nakakaadik ba iyan at may tamang high ka ngayon?”
nangungulubot ang baba ko habang nakababa sideways ang
dalawang gilid ng bibig ko. Umay na umay ako sa arte ni Mariposa!

Bakit
naman pati inosenteng gulaman, kailangang madamay sa kuwento mo?”
ani Carlo, parang mali-mali na nagulantang ng isang rebelasyon.

Ne… ang
kuwento ko, panaginip… weird nga eh, di ba? Saan ka naman
nakakita ng tsokolateng orasan na nakasabet sa dingding at available
na lang sa lahat ng gustong pumitas dito sa totoong buhay?”
paliwanag ko sa kausap kong di ko alam kung bakit tigagal sa
pag-intindi ng kuwento ko.

Ay, akala ko, tapos na iyong
kuwento mo ng panaginip mo… Sabi mo kasi, nag-iba paligid. Akala
ko, nagising ka na… Ba’t di mo sinabe agad? Akala ko, totoo na
eh.”

Gusto kong
sumingasing sa inis. Nagsisikip ang dibdib ko sa aning na ito.
Kinakausap ako, pero pakiwari ko, lampas-lampasan ang tingin sa aken,
hindi naman siya banlag. Parang may tinititigan sa likod. Masuri nga.
Ops! Wait a minute…parang ang guwapo ni Paulino ngayon…
A-hah! Sinasabi ko na nga ba, at doon siya nakatitig sa sulok kung
saan nagmumukmok ang walang imik naming kaklase.

Nangiti ako
sa bilis ng isip ko. Naalala ko tuloy na dati silang magkaibigang
nagkahiwalay ng landas dahil sa pambubugbog ko kay Paulino. Bastos
kasi noon, sabagay mukhang nagbago na ito.

Hindi ko alam
na sa kabila pala ng kababawan nitong hitad na si Carlo eh may
namumuo na palang pagnanasa sa dating kaibigan. Hmmm….

Alam mo,
ineng… may plano ako…” nakangisi ako habang marahang ipinipihit
ang ulo ko na parang na-exorcise.

Ano iyon?”
hindi interesado si Mariposa sa pagkakatanong niya pero sure ako
na mandidilat ang mga mata nito pagkatapos.

Eksayted
kasi akong magkuwento ng napanaginipan ko kaya halos nalimutan ko
nang ipinagdala kita ng ginawa kong leche gulaman kagabi in
celebration
sa fighting spirit na ipinamalas mo kagabe,
dagdag pa doon na anniv nina peyrents… Gusto mong i-share sa
kaniya?” tinaas-taas ko ang dalawang kilay ko tapos, kinagat ko ang
lower lip ko na parang nagsasabing tigre ako! Grrrrrrr!

Talaga?!
Ipinagdala mo ako ng leche gulaman?” 100 per cent ang
nadagdag na excitement sa tono ni Carlo na parang tumama sa
lotto ang buwiset.

Dalawang
liyanera! Siyempre di kita malilimutan, bah!” wika ko sabay bukas
ng dala kong handbag na medyo oversized at mapagkakamalang bayong, kinuha ang naka-plastic na leche
gulaman at inabot sa naglalaway kong kaibigan na akala mo’y
king of the jungle na nakakita ng madugo-dugong laman.

O…” dagdag ko habang
tuwang-tuwa sa ipinapakitang kaignorantehan ng kaibigan, “kanina mo
pa tinitingnan si Paulino… bakit di mo lapitan at tanungin mo kung
gusto niya niyan? Sayang naman iyong isang liyanera, o…”

Ano ka ba?
Nagba-blush tuloy ako…” kerengkeng na dayalog ni diwata.

Heh… ang
itim-itim mo, blush! Halatang-halata!” dagdagan ko pa sana
ng, “nanggigitata ka sa banil, hindi ka na nahiya sa litanya mo!”
kaso baka ma-offend kahit na nagbibiro lang ako. Hindi
naman talaga siya maitim. Kulay tsokolate lang… iyong purong-puro
at walang halo.

Nahihiya ako, eh. Baka
sabihin niya, ano…” pangiwi-ngiwi pa ang bunganga ni Carlo habang
nagsasalita, hindi natatakot mahanginan!

Sige na,”
suno ko, “andami mo pang arte… Mag-aalok ka lang naman, ah. At
saka, kaibigan mo naman siya dati, ‘di ba? Ano namang sama kung
mag-aalok ka ng leche gulaman as peace offering matapos ang
kaganapan lampas dalawang taon na ang nakalilipas?!”

Baka
mapahiya ako, eh… at saka baka gulpihin ako. Lalo na’t guilty
pa rin ako hanggang ngayon sa nangyari matapos ko silang i-back
bite
para makalaya ako sa panggigipit nila…”

Ginigipit ka nila dati?”

Tumangu-tango
ang diwata. Parang high sa gamot. Shocked ako sa
revelation ni Carlo. Kung alam ko lang na ganoon pala ang
treatment nila sa naging kaibigan ko, hindi lang ganoon ang
inabot nila sa akin. Kaya pala bumalimbing sa akin noon. Gusto na
niyang lumigaya!

Alam mo,
palagay ko, nagbago na naman sina Paulino…” nagulat ako sa
lumabas sa bibig ko, para akong angel na kapupulutan ng mahahalagang
mensahe buhat sa hipapawid, “at saka, hindi mo ba sila nami-miss
kahit papaano. At saka, kanina ka pa titig ng titig diyan,
kunya-kunyari ka pang nakikinig e sablay din naman ang mga hirit mo.
At least, masubukan mo man lang iyong makapag-alok ka. Kung di
siya pumayag, eh di, huwag! Ipakain mo sa kaniya iyong liyanera!
Backup mo ako, huwag kang mag-alala!”

Ngumisi-ngisi si Carlo na parang
nahanginan ang utak.  Ewan ko, kung minsan, mga obserbasyon ko sa
tao, parang laging may sabit. Baka ako, may sabit din?

Ilang saglit
pa, lumabi ito ng “Thank you…” bago aktong tatayo nang
umentra naman sa bukana ng classroom ang kagandahan ni Ms.
Concia na parang gustong ibalibag ang sarili sa dingding. Nananakbo,
at… dala na naman niya iyong cassette recorder. Talagang
sing-along ang trip neto!

Kanta
kayo, ma’am?” bulong ko na naulinigan ni Carlo at nang mapatingin
kay Ma’am Concia ay nandilat ang mata na parang matatanggal sa
socket iyong eyeballs. Andaming puti, parang
na-overwhelm iyong itim ng mga mata niya. Tapos ngumanga para
magpalabas ng tawang walang sound.

Hay, Carlo! Kailan ka pa
magbabago?

Tomorrow,”
bungad ni Ms. Concia at ni hindi man lang magpasintabi kung bakit
late na naman siya, the next reporters will be
Ms. Galang and Mr. Trias. Today, I’m supposed to give you a quiz
regarding the reports done by Ms. Coles and Ms. Perez yesterday.”

Nag-ungulan
kaming mga estudyante, hindi pabor sa inaasal ni Ms. Concia.

But
unfortunately,
” sabad agad ng hindi nadidiskaril na guro, “I
have to go out for a meeting today. That’s why, I brought this with
me…”
Inilapag ni Ms. Concia ang cassette recorder sa
ibabaw ng mesa, “As you may have noticed, I brought this
yesterday as well. I made it to the point that the first report be
covered and taped. Luckily, the report yesterday was a success and I
want to congratulate the two reporters for a job well done. I urge
you to do the same performance, if not better. I admire the guts on
both of them. They earned special merits on this class and they both
received extra points for a well-prepared report and defense.

Para akong
malulusaw sa hiya ng magpalakpakan na naman ang mga kaklase ko na
pinangunahan ni Ma’am Concia na ayaw itigil ang pagmi-“Mez Kowlz”
sa akin! Buti na lang, ala akong cell phone kungdi, siguro,
punumpuno na ng pangalan ni Miss Concia ang history ng cell
phone
ko sa kami-“Mez Kowlz” niya sa aken.

Miss
Coles…

Napaangat ang
puwet ko sa pagkakatawag sa akin ni Miss Concia. Inikot ko ng konti
ang ulo ko sa leeg, para kasi akong biglang na-stress.
Naglagutukan iyong mga nahanginang lamad. Saka lang ako tumingin sa
nakangiting si Miss Concia.

Yes
madam
?” sagot ko habang pilit binabalanse ang dalawang balikat
na medyo napahiwi sa kaliwa.

I need
to speak with you. Come.

Iwinisawis ko
ang kanang kamay bago isinampay ang kaliwa sa kanang balikat. Parang
namimigat ang dalawa kong mga binti pero alam kong masyado pa akong
bata para manasin kaya lumakad ako papunta kay Ma’am Concia sa
pamamagitan ng will power. Tamad na tamad ang mga paa ko sa
paglapit sa kanya at halos mag-effort ako ng husto para lang
makalapit. Oblivious lang ang mahaderang guro. Walang pakialam
sa pinaggagagawa ko sa sarili ko.

Nang
makalapit ako makalipas ang maraming panahon, bumulong ito, “I
presented the recorded version of your defense yesterday to our
Department Head. She was convinced that I must encourage you to
represent our school in the upcoming Extemporaneous Speech Contest
next Monday.

Nagulantang ang himaymay ng
konsensiya ko sa sinasabi ng guro. Kahit sa bulungan, Ingles pa rin
ng Ingles, gustung-gustong nahihirapan ang mga kausap niya. Kapag
kaya natutulog ito, napapanaginipan niya, Ingles pa rin ang dayalog?

Ma’am,
di ba may contestant na tayo doon? Iyong fourth year na
kandidato sa pagiging valedictorian…

I’m
not at all impressed with her reasoning ability extemporaneously
speaking. She’s very good in English writing but she had difficulty
on explaining herself speaking impromptu. You may have not noticed
it, but I have been observing you, this year. There were quite a lot
of improvements and given the right support and stimuli, I believe
you would do better.”

Ba’t
naman ako pa, ma’am? Di ako sanay sa ganyang pasali-sali ng kontes.
Baka mapahiya ang eskuwelahan sa mga katwiran ko kapag tinanong ako
ng kung ano.” Totoo naman. Kahit naman kailan magbuhat pa noong
elementary ako, hindi ako nasali sa mga kontes na ganyan. Okay
na sa akin iyong walang palakol sa kard. Nakamata lang ako sa
nakakunot-noong gurong wari’y inaanalisa ang ekspresyon ng mukha
ko.

You
know better than that,
” sabi nito pagkuwa’y, “I can see
so much potential in you. Please, this a chance to prove to yourself
and that you’re not like everyone else. You’re going with me…

Iyon lang at yumukod si Ma’am
Concia, hinablot ang kaliwa kong kamay at hinila ako na parang batang
ayaw magpabunot ng ngipin. “Ma’am ano ba? Susunod ako… huwag
niyo na akong puwersahen, okay…”

Ngumiti ang
luka-lukang guro at saka lumakad na parang may sayad. Sumunod naman
ako.

Pumasok kami
sa isang kuwarto sa fourth floor. Kuma-kah-kah pa ako ng
pumasok at napagod ang beauty ko sa tarik ng staircases.
Andoon si Mr. Punzalan, adviser namin sa school organ,
si Mrs. Kat Delos Santos, Academics Department Head, at tatlo
pang English Teachers. Andoon si Marilyn, iyong fourth year
na sinasabi kong kandidato sa pagiging valedictorian,
kasama si Alex at David, Editor in Chief at Managing Editor
ng school organ. Andoon din iyong iba pang mga editors
at mga presidents ng kung anu-anong organization ng
school. Sa isip-isip ko, “Ano’ng ginagawa ng isang
pangkaraniwan at hamak na literary writer and contributor na
katulad ko sa paligid ng mga taong ito na tumitibuk-tibok ang mga
utak sa sobrang pintog?”

Pinatayo ako
sa hilera ng mga estudyante. Ako lang ang third year. Naaasar
ako dahil hindi ko alam kung ano’ng nangyayari. Gusto ko tuloy
magkamot ng singit at nangati dahil sa pamamawis ko. Hay nako, ‘pag
ako hinadhad, wala akong ibang sisisihin kungdi itong si Miss Concia!
Siya pabibilhin ko ng soothing cream.

Good
morning…
” bati ni Mrs. Delos Santos.

Good
morning, ma’am…
” bati naman ng lahat na sinabayan ko na
lang at di ako komportable sa sitwasyon.

Nangiti at
umiling-iling ito ng mapatingin sa akin. Nakanguso ako at dama ko ang
pagkakalukot ng kanan kong pisngi na pinandilatan agad ni Miss
Concia. Sinapad ko ang mukha ko sa pamamagitan ng palad. Kasalanan ko
ba kung disoriented pati ang mga muscles ng mukha ko sa
mga nangyayare?

As we
all know, the Extemporaneous Speech Contest is fast approaching and
we have yet to decide the two contestants to represent our school.
The Mayor is a big fan of extemporaneous speech and gladly guaranteed
generous prizes for the winners. The school of the frontrunners will
receive an ample amount of donation – P5,000.00 for the first
prize; P3,000.00 for the second; and P2,000.00 for the third; while
the winning students will receive P2,000.00, P1,000.00 and P500.00
each, for the first, second and third prizes respectively.”

Abah, di
naman pala masama! Kapag nanalo kameh, for sure, puwede nang
mapalitan iyong bell naming naghihingalo! Malaki-laki na rin
iyong perang matatanggap ng school, kahit third prize lang.

That’s
why; I have gathered all fifteen of you here for you were
pre-selected by your mentors to represent our school. But as I said,
we only need two representatives. Therefore, you need to contend with
one another for the slots. Are you ready for that?”

Yes,
ma’am!”
sagot naman ng mga hinayupak kong mga kasama na
mukhang nagagahaman na kaagad ng marinig ang laki ng ipamumudmod na
salapi.

Taas naman
ako ng kamay… “Ma’am, di po ba ako under qualified? Ako
lang po ang third year dito sa hilerang ito, eh…”

Nandilat na
naman ang mga mata ni Miss Concia at para ko nang nakikita sa
balintataw ko, “Warning: English Speaking Zone!

Nakita ko ang
pangkaraniwang amusement sa pagkakangiti ni Mr. Punzalan. Ewan
ko sa lalaking ito! Laging natatawa kapag nakatingin sa akin…
minsan natatawa na lang din ako kahit wala akong ideya kung ano’ng
nakakatawa sa sitwasyon. Ngumuso ako na bigla ko ring binanat ng sa
ikatlong pagkakatao’y nandilat na naman si Miss Concia.

Ngumiti lang
si Miss Delos Santos, tumingin ng hindi maganda kay Miss Concia na
ngayo’y tila napapahiya bago tumingin ulit sa akin, “The
contest is open for Juniors and Seniors of each high school in this
town… but if you’re willing to back out, you may leave this room
and come back to your class…”

Ang una kong
naisip gawin ay humalakhak at tumili ng “Owrayt!” pero nang
mapatingin ako sa pagmumukha ni Miss Concia, nanahimik na lang ako
pagkatapos kong bumulong ng “sowi po mam…”

Pumormal ang
mukha ni Miss Delos Santos bago muling nagsalita, “The rules are
simple. You will be asked a question, will be given one minute to
prepare, and then on with your speech. Ms. Portes will raise her hand
as a signal once your minute is up. You however may opt to cut the
time up when you feel ready, but once you start your speech, your
preparation time expires as well. You may speak as short or as long
as you want, provided that you give enough justification to your
answer. If you have questions, raise your hand as early as now…
anyone?”

Walang nagtaas ng kamay pero
ewan kung bakit tila biglang namagnet ang kanang kamay ko para kusang
wumasiwas pataas.

Napatingin ang lahat sa akin,
pero tumango lang si Miss Delos Santos.

Who’s
first?”
ang kumawala sa bibig ko. Wala naman akong ibang
naiisip, at sa totoo lang, kahit pakiramdam ko’y kabado ang iba,
ako naman… pakiramdam ko… uhm, wala… wala lang. Sana lang,
kabahan din ako para fair.

Okay…
dinig kong sabi ni Mr. Punzalan sabay labas ng isang box na
may mga nakarolyong papel, “these rolled papers have numbers
marked 1 to 15… it’s sort of a lottery. Pick one and your turn
depends on the number you picked.”

Ngayon ko lang narinig magsalita
ng Ingles itong si Mr. Punzalan. Nagmukha tuloy siyang disente gayong
haragan ang hitsura neto. Mas bagay sa kanya magpulis. Walang
kriminal na di matatakot sa kanya. Mas mukha pa siyang kriminal sa
mga iyon, eh.

Anyhooh,
nagbunutan kami… hindi ng uban, ano… ng papel! At whoah! Ang
lola mo, number 11. Lucky number ito! Baket kanyo? Eh,
parang dalawang turong nakatayo, eh, di ba naman lucky iyon?

Eto ang mga
summary ng mga sagot na tinandaan ko at naka-impress sa
akin kahit papano:

No. 1, Alex Camino, Editor in
Chief:

Question:
Is there life after death? Justify your answer.

Answer
after about 30 seconds: The bible clearly stated that there is life
after death. We are only passing into this world and eternal life
shall be granted for those who’s at peace and performed good deeds
whilst the others who’ve done harm and disorder shall be punished
in the lake of sulphur and fire for eternity. The bible also stated
that life on earth is shorter than eternal life – so we are only
given two options: perform good deeds and enjoy life in heaven or
execute wickedness and live eons in torment. Therefore, I choose to
believe there is life after death. The only reason for the presence
of equilibrium of earth’s good and bad within this lifetime is
because of the general belief that there is… Thank you.

No. 5, Marilyn Monero,
candidate for Valedictorian:

Question:
Do you agree in capital punishment? If so, why?

Answer after one minute: No.
Criminals are still human beings and they are entitled for life as we
are. They may have performed grave actions but human segregation –
say imprisonment of the offenders – for me is enough. Termination
of life is never the answer to peace. There’s no excuse to claim
other people’s life, criminal or no criminal. Only God has the
right to claim it from us. Thank you.

No. 9, David Belo, Managing
Editor:

Question:
Can terrorism be cured? Please defend your answer.

(Hmmm…
Parang natanong na sa akin ito, ah… pero di ako masyadong
na-impress sa sagot. Para kasing narinig ko si Charisse sa
kaniya, eh! Tsaka, palagay ko lang, hindi niya masyadong nasagot
iyong tanong… iba naman ang cure sa end, di ba?)

Answer after one minute: As a
matter of fact, yes. Terrorism is a human act, and since humans
perish, it is but conclusive that terrorism has its end. There are a
variety of means to cure terrorism. One such way is through education
– given the right way and means to educate people, terrorism could
be cured. Thank you.

Sige lang ang
pakikinig ko sa iba. Para naman kasing andaming sabit ng mga response
nila. Hinuhugot sa bangin. Kung anu-anong mga pinaglilitanya kahit
wala na sa topic, sige pa rin ng sige. Hindi na sila nahiya sa balat
nila. In fairness, sina David at Marilyn, mga Bisaya, pero mas
magagaling pang humabi ng sagot sa kanila. Klaro at mahusay ang
pronunciation, annunciation at diction. Iyong isa,
idinamay pa nanay niya. Ano ba? Tungkol sa Nuclear Power ang
tanong, ano’ng kuneksiyon ng nanay mo doon, ha? Lekat na ito!

Ms.
Coles…

HMeszh,
HKowlzh?” Wow… akala ko, wala nang mas aarte pa kay Ms. Concia
pagdating sa pagpo-pronounce ng apelyido ko… hala, sumobra
pa pala itong si Mr. Punzalan. Pakitang-tao masyado kay Ms. Delos
Santos! Hoy, ser! Di ba, di ka pa nakakalabas ng bansa? Ano’t
nagmamaarte ka na rin ng tawag sa akin? Hinihingahan ang una’t
huling letra ng sinasabe! Di naman siya nag-marathon para
hingalen! Kowh!

Eto na naman
at makahulugan na naman ang mga ngise. Parang lahat na lang ng
sasabihin ko sa kaniya, laging walang sense! Hmph!

Yes,
sir?
” Teka, turn ko na ba?

As you
can see, you are the only Junior student on the line. What do you
think are your qualities superior to others that qualify you to join
this contest and, in turn, make our school win?”

Natahimik ako
bigla… Eto na ba iyong tanong sa akin? Bakit parang kakaiba? Iyong
sa iba, mga pananaw sa kung saan o kung ano… bakit iyong para sa
akin, pananaw ko sa sarili ko? Ang ganda-ganda naman, para akong
binigyan ng bato at gustong ipalulon sa akin. Siguro naman hindi…
siguro may follow up question pa. Ano lang siguro ito… ahm…
pang-asar lang.

Napapanguso
na naman ako. Sarap humalukipkip. Pero sige na rin, makasagot na nga
lang. Lord, patulong po and thanks in advance.

I’m
sorry, sir… is that the question I’m supposed to answer and
justify? Because if it is not, I’ll just answer it with one simple
word - ‘nothing…’ and if it is, I have to defend my answer by
saying, ‘because we are all created equal.’”

Ititigil ko
na sana iyong sagot ko, pero may naramdaman akong kakaiba sa damdamin
ko. Medyo, weird, pero… kailangan kong ipagpatuloy ang buka
ng bibig ko.

I
consider myself fortunate enough that someone behind that table…

saka ko itinuro iyong mesa nila sa direksiyon ni Ms. Concia,
“…believes in my capability. But it had never been my thought
that I am superior to anybody just because I am a year younger than
any of them. What made me think I am special? I’ll bluntly say
none! I am just another regular student striving to get good grades
and make myself and my parents proud. No, sir… I definitely have no
qualities that would make me say, or even think, I am superior to any
of them… but, I can state my case of being different.

Frankly
speaking, Ms. Concia just dragged me over, and I mean that literally,
to come here. I am aware about the contest, I should know, because I
have been a member of the school organ for almost two years now and
information such as this shouldn’t go past our eyes and ears.

I have
never been in a contest before so I really don’t know how to put
myself on it. I don’t even think I am qualified enough. In my
honest opinion, Alex and Marilyn were the ones really qualified and
they proved themselves by expressing their viewpoints eloquently, and
without a doubt, intelligently. But, that is my opinion, least to
say.

When I
heard about the prizes… I said, ‘whoah! Wait a minute…’ I
tell you honestly, I was driven to vie for the spot. I know what
you’re thinking, but I will not deny that… Of course, who
wouldn’t want to be 2,000 pesos richer? Anybody?

Pause
muna ako at patingin-tingin sa paligid kung may sira-ulong magtataas
ng kamay. Wala naman, so far…
so bago pa may magtaas,
makapagpatuloy na!

But to
prove I am different, I’ll just ask one question: has anybody in
this room known or got acquainted to a sick old lady by the name of
Belle?

Sino siya? Tanong ko rin iyon sa
sarili ko, pero ako mismo nalilito na rin sa kung saan papatungo ang
sinasabi ko. Kinakabahan na rin ako dahil alam kong parang hindi na
ako ang nagsasalita… nararamdaman kong medyo naiipit ang dibdib ko
na parang dinaganan ng isang toneladang bato. Nahihirapan na nga ako
huminga, eh… hewww!

Nakita kong
nagbubulungan ang mga guro… pero wala naman akong pakialam, eh…
why bother?

I
didn’t think so… You may have not seen her, but Belle has always
been around diligently doing her job… classes after classes… time
after time. She calls us to fall in line before our flag for the
morning ceremonies; she always screams so that we won’t be late for
the next classes; she yells when it’s time for our morning or
afternoon breaks; she roars during lunch time; and finally, she cries
for us when it’s time to go home.

Recently,
I noticed her frequent hiccoughs… she wanted us to hear that she
needs to rest. But it had almost been a month of ordeal and everybody
just ignored her. Her hiccoughs had worsened and lately, her shouts
sounded extremely agonizing that every time she ends it… there were
hoarse coughs painful enough to disturb anyone’s senses.

You
see, I wanted to join the contest as a tribute to Belle and for all
the other school assets that have been a part of our school for very
long years now requiring either healing or permanent rest. After a
repair or so, they may be able to function again but if they can’t
anymore, we need to find a solution to let them rest and be replaced
by a new one.

I am
driven to win the contest… because I am driven enough to bring home
another Belle to take her place. I know I will win the contest
because I wanted to make sure the diligent old Belle we have right
now will find her way to a long peaceful rest. Ladies and gentlemen,
I will win the contest for her. It is high time we set our old Belle
free.

Thank
you…”

Malasa Chapter 9

Thursday, March 16th, 2006

IKASIYAM
PU EN KONDISHUNER

Ikasiyam na Yugto, kailangan mo
nang maligo

Alas onse na
ng dumating kami ni big browzer sa haws. Andaming reklamo!
Kesyo nananakit daw ang paa niya sa layo ng nilakad; kesyo nagugutom
daw siya at kailangang ipagprito ko raw ulit siya ng itlog; kesyo sa
kaniya raw dapat ang dalawang liyanera ng leche gulaman dahil
todo raw ang gutom niya; kesyo ako raw ang ipangsasangga niya sa mga
hataw ni Tatay kapag nagalet; kesyo binabanil na raw siya at ang kati
daw ng likod niya dahil di raw siya naligo kahapon at ngayon.

Hah-nep!
Gawin ba akong diary? Bakit kaya di na lang siya magsuplong sa
pulis?

Saan kayo
nanggaling mga hinayupak kayo? Wala kayong paa-paalam, ah…” si
Tatay at medyo galit lang. Nakita ko kaagad na may nakayukayok na
lalaki sa harap ng PC desk at may hinahalungkat pero
napatingin ulit ako sa mga magulang ko dahil kailangan nila ang aming
full attention.

Oo nga
naman mga kids… kanina pa namin kayo hinihintay dito…”
ani Nanay na nakakapagtaka ang pagkamalambing. May pa-kids-kids
pa. Wo-how! Parang nakakain ng prawns at in-allergic
ang ngala-ngala. Di kaya nilagnat ang masamang mood ni
Nanay?

Kadarating
lang natin, dear, ah,” nagtataka at inosenteng sabad ni
Tatay na di na lang nakiayon para sana mas kapani-paniwala ang
galit-pakiyeme event nila.

Nag-iwan
po kami ng note sa ref, mga parents ko. Di kami
nakapagpaalam kasi on an anniversary date kayo. Pinanood lang
po namin iyong kontes ni Carlo sa Hala-Hala…” malumanay kong
sagot. Ni hindi man ako nakaramdam ng kaba. Sa hitsura nila, parang
gusto lang nilang magpapansin sa lalaking nakaupo at may kinakalikot
– pakitang-tao lang na kunwari eh authority figure sila sa
pamamahay na ito pero walang linaw kung talagang concerned ba
talaga sila sa pagkawala namen, ‘koh!

Nakow,
kontes na walang kakuwenta-kuwenta, ‘Tay. Magaling ka pang kumanta
sa mga kontestan doon ‘Nay!” sabad agad ni Kuya na aywan kung
saan nahagilap iyong kornik na nilalaklak ngayon. Walang sabit kung
lumaklak… Di kailangan ng tubeg?

Ano namang
nangyari doon sa kontes? Nanalo ba si badikla?” magkasunod na
tanong ni Nanay sabay angkla sa braso ni Tatay, iyong tonong hindi
naman talaga interesado pero kailangang lang talagang sagutin dahil
ina siya. Limot agad na kunwari’y galit sila sa pagkawala namin.

Mananalo? Ututan ko pa mukha
ni Carlo! Ang tigas ng mukha Nay! Mangani-ngani kong dukutin ang
lalamunan at ibenta ng piso santumpok sa talipapa… Walang
karespe-respeto sa sarili. Hindi man lang bigyan ng dignidad ang
pangalan niya. Sarap tsinelasin ang kilay eh…” muling sabad ni
Kuya, na nang lingunin ko’y nagtaktak ng kornik sa palad at saka
nginabngab na parang baboy.

Napangiwi na
lang ako. Ano ba’ng ugali netong kabalasubasan? Eeewww!

Magtigil
ka nga Makmak,” saway ni Tatay, pasinghal kay Kuya, “akala mo
kung sino kang kagaling manlait. Ilampaso ko iyang mukha mo sa sahig,
eh. Hala, andiyan iyong technician ni Cardo at dala na
iyong… ano na nga iyon?”

Na-excite
ako nang malamang may technician. Ibig sabihin, magagawa
na ang computer namin.

Video
card
?” patanong kong sagot.

Hinde…
may ano iyon, eh parang net yata umpisa noong pangalan…
ahm… ano na nga kasi iyon, dear…” baling ni Tatay kay
Nanay.

Malay ko
sa inyo! Problema niyo iyan… Gagalisin pa ang pisngi ko sa
kakaisip!” sagot ni Nanay, lumabi sabay tingin sa mga kamay na
ipinilantik, tila inaanalisa kung kikislap ba sa ilaw iyong bato sa
suot na singsing.

Nay,”
pansin ko, “parang na-in love kayo sa singsing niyo, ah.
Bakit di kayo pakasal?”

Hoy
Kulasa, kung gusto mong huwag mamusarga bunganga mo, magtigil ka sa
mga litanyang ganyan ha! Ganitong ang ganda-ganda ng mood ko,
baka bigla na lang umigkas ang paa ko, masipa ko mukha mo diyan!”
birada ni Nanay, hindi pa masyadong nakakatakot.

Bah, si
Nanay! Kick-Boxer! Sige nga ‘nay sampol. Tingnan lang natin
kung kaya niyo nga bang manipa ng ganoon kataas,” tatawa-tawang
pang-aasar ni Kuya.

Iyong lapit ni Tatay sa kaniya,
hindi napansin ni Kuya ang bilis ng kamay nito ng makonyatan siya.
Para tuloy natagtag ang utak. Kawawa naman.

Kesa kung
anu-ano’ng sinasabi mo diyan lekat ka, kanina ko pa tinatanong
iyong panggawa sa computer, di ka nag-iisip, kulugo!”
napikong birada ni Tatay.

Video
card
nga po…” sagot ko ulit, parang gusto ko nang mawalan ng
pasensiya. May kakulitan din kasi itong si Tatay, eh. Kahit na
sigurado na ako sa tono ko, ayaw pa ring makinig.

Bakit ba
marunong ka pa sa aken…” angil nito. At wow – nanininghal!
Ready ka na mag-amok itay?!!! Naaaaapakabagsik ng mukha,
“hindi nga iyon! Tungkabin ko mga ngipin mo, eh! Inilalagay iyon sa
loob nung bakal na karton…”

Ngek! Me bakal bang karton…
hello! Hello, ‘tay? Bakit di ka na lang magbakal?

Sandali
tawagin ko si Tonton. Tonton!” pasigaw na tawag ni Tatay na akala
mo’y milya-milya ang layo ng tinatawag gayong wala pang limang
metro ang layo sa kaniya noong technician.

Mang
Otis,” sagot naman ng nagulantang na technician. Kitang-kita
ang pagpisig ng katawan nito na parang pinuslitan ng kaluluwa.

Ano na nga
kase iyang dala-dala mo?” tanong ni Tatay, kunot-noo at parang
namimiga ng lemon juice ang pagitan ng dalawang kilay.

Video
card
po,” sagot ni Tonton.

Ayown,
video card!” ani Tatay at pailing-iling pa na parang Bumbay.

Hay, buhay!
Ang kuleht! Tsanein ko na lang kaya ang uban nito ng manahimik na
lang sa isang tabe. Di pa naniwala sa aken. Napapatirik ang mga mata
ko sa ugali ni Tatay. Lagi na lang iyang ganyan. Gamarmol sa tigas
ang ulo. Haaayyyy!!!

Huwag na nga lang akong kikibo.

Ginagabi
ka na Tonton, ah,” pahayag ni Nanay, para lang may masabe, at
nahagilap kaagad ang isang liyanera ng leche gulaman.
Nanginginain na.

Okay lang
po Aling Kobang… Bayad naman ako ni Kuya Cardo sa serbis dito,”
tatawa-tawang ani Tonton, magalang na parang di lumaki sa Maynila
gayong isa ito sa mga namumuno ng basag-ulo noon sa Kalye Silencio
Por Favor
, katabi ng Kalye Let’s Get Loud. Dati itong
adik-adik, eh. Na-rehab at doon natutong magkukutingting ng kung
anu-ano, siguro dahil walang magawa sa buhay. Nang makalabas,
nag-aral ng six-month computer technician course sa AVA
Computer Training Center. Kaya ngayon, alila siya ni Mang Cardo,
may-ari ng Gagambang Ligaw Internet Center. May improvement
sa buhay!

Pagtingin ko
sa banda ni Nanay, lekat si Kuya, nagawang makapunta agad doon at
nangangalahati na agad ang liyanerang hawak-hawak nang hindi ko
namamalayan. At si nanay, napakahinhin sumibasib, talagang ninanamnam
ang bawat butil ng nginunguya niya…

Nay gawa
ko iyang leche gulaman. Pasalamatan niyo naman ako,” pahayag
ko.

Hinarap ako
ni Nanay, akala ko magpapasalamat, pero nang kumunot ang noo at
nagsabing, “Andami mo namang sinayang na gatas! Masyadong
malinamnam! Magtipid ka naman sa sangkap sa susunod Kulasa! Hindi
naman ikaw ang gumagastos dito,” para akong pinagsasasampal ng upo
sa mukha!

Koh, kung
di ko pa alam… nasasarapan kayo diyan! Special na araw ito,
kaya dapat lang na special ang pagkakagawa. Kayo naman…
gusto niyo bang tipirin ko ang sangkap ng iluluto para sa anniversary
ninyo!” sagot ko, sabay nguso, muling tiningnan ang mga kuko ko
na kung bakit ngayo’y tila nagkayod ako ng lusak. Hindi naman ako
naghuhukay ng lupa pero bakit napakadumi ng mga dulo ng kuko ko,
lekat!

Oo nga
naman dear,” sagot ni Tatay at hah-nep, may sarili ding
liyanera! Helow, dessert iyon! Gawin bang main course! Sila
itong hindi nagtitipid, eh! “Masarap naman di ba. Pasalamat ka na
lang. Bigyan mo na rin iyang si Tonton at nang makalimutan niya ang
mga nakaraan niya.”

Eh Tay,
nakakaumay na sa sobrang dami ng sangkap,” sabad naman ni Kuya,
gayung punumpuno ang bibig at ni hindi pa lumulunok.

Heh,
balasubas ka! Lunukin mo muna iyang nginangasab mo bago ka magsalita
kung ayaw mong ipangasab ko rin iyang liyanera sa iyong buwisit ka!
Pangalawang liyanera mo na iyan, ah! Akala mo hindi ko binibilang!
Ikaw nga Makmak, bago ka magsalita diyan, mag-reduce ka muna.
Ikaw ang nakakaumay tingnan, para kang higanteng gulaman!” maangas
na pagtatanggol ni Tatay.

Dinilaan ko tuloy si Kuya.

Tay…”
banat agad ni Kuya, pambawe, “magbubukas ba kayo ng barberya bukas
or what? Gabi nah, hinahanap na kayo ng kama niyo! Kayo Nay,
mabibilasa ang mga isda sa palengke kapag tanghali na kayo nagiseng!
What are you waiting for? Matulog na kayo!” pag-iiba ng
usapan ni Kuya.

Hoy,
Makmak, bukas na bukas, gumising ka ng maaga’t nang
makapag-ehersisyo ka! Masyado ka nang mataba! Lagi ka na lang
naka-buddha diyan sa tapat at wala kang ginagawa kungdi
magngangata ng kung anu-ano. Kaya ka nagsasabi-sabe diyan eh. Di na
dumadaloy ng maayos ang dugo mo sa diyan sa utak mo!” singhal ni
Tatay.

Napakamot ng
ulo si Kuya, pero di pa rin papigil sa pagngasab.

Napansin kong
kanina pa hagikgik ng hagikgik si Tonton habang nagtatrabaho at
hanggang ngayong patapos na siya sa ginagawa niya, halah, siging
hagikgik. Iumpog ko kaya ulo neto sa pader? May sariling mundo itoh!
Hala, di naman namin kinakausap, basta na lang siya tawa ng tawa sa
tabe.

Ilang sandali
lang, natapos na ng mga parents ko ang kani-kaniyang liyanera.
Ipinagbalot ko si Tonton ng isang liyanera ng leche gulaman
bago siya umalis saka nagpasalamat.

Ganito ba
talaga kagulo sa bahay niyo araw-araw?” tanong ni Tonton nang nasa
bukana na siya ng pinto.

Baket, may angal ka?” sagot
ko, parang iritadong bakla.

Wala, ah!
Totoo niyan, nakakatuwa nga, eh… Ang saya-saya,” sagot nito, todo
pagkakangiti – parang mapipirat mga pisngi.

Hoy! Huwag
mong gawing telebisyon ang buong bahay namin! Mukha ba kaming mga
tagabigay ng alew? Humayo ka na nga Tonton, naaalibadbaran ako sa
iyo! Namimilog pa naman ang buwan at mukhang inaatake ka na naman ng
sapi mo. Hala sige sibat na…” sagot ko saka ko ipinagtulakan
palabas ng pinto ang aywan kung bakit tawa pa rin ng tawang
technician. May tiwang na siguro ito, o baka humitit na naman.
Lakas ng trip.

-ooOoo-

Gusto kong
humingi ng payo para matulungan ko si Carlo. Pero kanino naman ako
hihingi ng payo? Hindi ko naman puwedeng asahan mga magulang ko dahil
hindi sila type ng musika. Makasulat na nga lang kay Michael V
kahit hindi naman niya ako sinusulatan pabalik… magkamag-anak kaya
sila nina Gary V at ni Regine V?

Wait…
Regine V! Tama, isang napakagaling na singer! Siguradong
maraming mga proverbs iyon. Kaya lang, for sure, hindi
ako mabibigyan ng oras noon dahil lagi siyang busy, tulad ni
Michael V. Well, di bale, at least, masubukan ko man
lang kung ano’ng feeling ng nagpapadala ng correspondence
sa sobrang sikat na katulad niya!

Dear
Ms. Regine V.
,

I’m not
a big fan, that’s for sure, and I also know that you may not be
able to respond to this letter because you are one dynamic lady who
performs all your obligations and responsibilities not only to
yourself, but also to your family and to your loving fans. But I’m
not about to sit down and watch you singing without praising your
prowess, anoh!?  At siyempre, I wanted to tell you how you inspire
lives not just by singing, but also by humbly living your life
without any trace of pretension. Sabi nga nila, nakadaster ka lang
daw sa bahay. Ang galing mo naman! Hindi lumolobo ang utak mo! Di
tulad ng ibang mga sikat na halos hindi na maabot ng mga maralitang
mamamayan ng Pilipinas ng walang bayad. Ang sarap nilang
pagkukukurutin sa singit!

Dinig ko
ikaw raw namimili ng mga designs ng mga gowns mo. Bongga ka talaga!
Kahit na minsan, angwi-weird ng mga designs at medyo
disproportionate, para lang sa ngalan ng kagandahan, nadadala mo ng
maayos iyong mga gown. Right on, sister! Suportado ka ng mamamayan
dahil wala kang hangin sa utak.

Alam mo,
minsan, habang pinapanood kita sa isang mall tour sa Makati,
nabuwisit ako sa isang mama, ni hindi man lang makapag-react.
Nakapangalumbaba pa habang nanonood sa iyo at walang
kaekspre-ekspresyon sa mukha habang kumakanta ka, samantalang ako’y
halos mapaangat ang puwit habang parang winawasiwas mo lang ang bawat
nota sa hangin. Nang matapos mo’ng kumanta, nagulat na lang ako
dahil hinampas nito ng malakas iyong tabla – hindi nakayanan ang
sobrang paghanga sa iyo, idinaan na lang sa pagpapapansin! Dami ring
mga taong hindi maintindihan ang reaksiyon, ano?! Akala ko noong una
tinatamad, iyon pala dinadama masyado mga kinakanta mo. Mangani-ngani
ko ngang batukan! Wala sa ayos, mukhang abnormal.

I remember
one time noong nag-birthday concert ka sa UP sunken garden. Bata pa
ako noon, pero tandang-tanda ko iyon dahil isa ako sa mga batang
nakakawit sa mga bakal-bakal na plataporma habang nanonood sa iyo.
Type ko iyong drama mo na nakipag-duet ka pa kay Barbra Streisand –
ikaw live, siya on-screen! Nangilabot talaga ako noon! Paano ba
naman, habang todo ang kanta mo, may umutot ba naman sa crowd, at
take note, ang lakas! Kung napansin mo iyong biglang nabakanteng spot
sa crowd, nandoon ako… Ang mga utaw, talagang nagkarambola dahil sa
lakas at antot ng pasabog. I can’t blame him though, siguro di
nakayanan ang intensity ng pinaggagagawa mo, kaya hayun, kinabag! But
it wasn’t me! Promise!

And of
course, who wouldn’t remember the song, “Follow the Sun…”na
kinakanta mo habang umaambon… ay di pa natatapos ang kanta, tumodo
ang ulan! Di ko lang talaga type iyong over ang pagkabasa ko sa ulan
sa ending ng show! Wala pa naman akong dalang payong. Sinipon ako
noon.

Eniweys,
gusto ko sanang humingi ng advice, kahit hindi ka syndicated
columnist. Hindi naman para sa akin, para sa kaibigan kong trying
hard kumanta. Sabi ko sa kaniya, mas may pag-asa siya kung magkukulot
na lang siya sa mga parlor kasi ang hilig niyang magkulot ng nota,
hindi naman siya negro. Tsaka hindi naman siguro tama iyong lahat na
lang ng kanta kukulutin niya. Kahit kundiman at mga kantang Bisaya,
kinukulot! Nakikini-kinita ko nang marami kang masasabing kailangang
i-off-the-record kapag narinig mo na siyang kumanta… hindi pa naman
siya nakikinig sa mga payo ko. Matigas ang ulo niya, Regine! Wish ko
lang, makaya mo!.

Well, keep
up the good work. Huwag kang masyadong magkakain ng mani,
nakaka-pimples daw iyon. Kumakain ka ba noon? Tsaka salamat sa
inspirasyon mo sa sambayanan!

Walang takot mong
tagahanga,,

Malasa Coles

Hay, sa
wakas… nakatapos din ako. Kaya lang parang may nakalimutan akoh!
Hmmm… Ay shet! Ke-haba-haba ng tinype ko, ni hindi ko nga pala alam
ang address kung saan puwedeng matanggap ni Regine V. itong
sulat ko! O, huwag mo nang sabihin at alam ko na ang sasabihin ko sa
sarili ko – ang tanga-tanga ko! Masaya ka na?

Mai-save
na nga lang at gabing-gabi na! Bukas na lang ako mag-iisip kung
paano ko maipapadala ang sulat ko. Sino kayang puwedeng pagtanungan?
Alam kaya ni Carlo?

Makakain na nga lang ng leche
gulaman!

-ooOoo-

Nagising
akong humihingal. Nag-isip lang ako ng konti, tapos, ipinagpatuloy ko
ang paghingal. Nyemes na panaginip iyan, mukhang papagurin pa yata
ako! Ni hindi naman ako tumatakbo sa panaginip ko! Kakainis ha!
Namamawis tuloy mga kili-kili ko.

Well,
kasi naman, hindi katulad ng iba kong mga panaginip, this time
malinaw ang bawat senaryo. Noong mga nakaraan, sige, dream
lang kung dream… tapos pag nagising na ako limot ko na. Why
now,
pakiwari ko, ang bawat lugar o mga napapansin kong
kapansin-pansin e natatandaan ko pagkatapos kong magising? Hindi ko
talaga maintindihan kung bakit na lang ganoon. Hindi ko talaga
ma-gets kung bakit. Ayoko nang mag-isip!

Napatingin ako sa mga daliri ko
sa paa, kumikibut-kibot. Parang eksayted na di mawari.

-ooOoo-

Nakatulog
ulit ako… pero parang ipinagpatuloy lang iyong panaginip ko.
Bibihira iyong ganoon sa akin, ah. Narinig ko pa nga sa mga pagpapayo
ni Ernie Baron, bibihira raw iyong mga pagkakataong matatandaan mo
ang panaginip paggising… Kalimitan pa nga raw ng mga panaginip, in
black and white
. Pero I swear, colorful ang panaginip ko
kagabeh… at tandang-tanda ko pa ang lasa. May kinain kasi akong di
ko halos malimutan. Delicious! Hmmm…

Tapos pagkagising mo, heto naman
at tinapang galunggong ang ulam na hindi pa maigi pagkakaluto!

Si nanay
kaseh, mas tinitingnan ang singsing niya kesa doon sa niluluto niya…
Aba tuloy, hindi pa binubuksan ang kalan, nagsaboy na ng tinapa sa
kawali. At take note, after mga five minutes or
so
, may drama pa siyang pabali-baliktad ng mga isda! Ni hindi man
lang siya nagtataka kung bakit walang usok o init na nararamdaman sa
paligid… Basta lang makapagluto kahit walang apoy – sige banat,
mother!

Neng, ang inihain ni mudra –
tinapang binabad lang sa mantika! Malamig pa sa bangkay!!! Hay,
nanay… dakila kang tunay! Di lang masabihan ni Tatay dahil baka
mawala sa mood!

Inulam ko
tuloy, toyo na lang at suka. Binayaan ko na lang sila tatay kumain
nung tinapa… hirap na hirap tuloy lumunok – well, except for
kuya – wala namang mahirap lunukin para sa kaniya. Wala na siyang
gag reflex ano! At saka for sure, kaya nang tunawin ng
sikmura niya ang ganoong klaseng pagkain. ‘Di na namin siya
inaalala pagdating sa mga dramang sakit-sakitan sa tiyan. Di uso sa
kanya ang ganoon!

Naalala ko
tuloy ng kumain siya ng manggang hilaw na binudburan ng Milo! Di pa
nasiyahan, pinarisan ng Sky Flakes. At ang inumin, isang
litrong sopdrinks. Kulang na lang magtimpla pa ng kapeng may
margarine. Ang hirap imadyinin ng mga trip ni big browzer.
Daig pa ang naglilihi.

Sabi sa iyo,
kung normal kang tao, dapat magkulaps ka na eh. E si Kuya ko pa!

Makaalis na
nga ng maaga at nang makapagkuwento kay Carlo mamaya. Siya lang naman
ang umiintindi sa kabaliwan ko eh. Hmph!

Malasa Chapter 8

Thursday, March 16th, 2006

IKAWALONG
and Winding Road

Ikawalong Yugto para sa mga taong
mahilig magpahaba ng usapan

Kakagutom
din basa ng basa. Minsan, hindi masamang kumain habang nagbabasa.

Huwag niyo lang kalimutang
lumunok.

When will our eyes meet?

When can I touch you?

When will this strong
yearning end?

And when will I hold you…
again?

Gusto kong maiyak sa pagkakanta
ni Carlo. Parang binubuhay niya ang lahat ng sama ng loob na
nananalaytay sa mga ugat-ugat ko.

  • May pananakot – ibang klaseng
    humalukay ng mababang tono itong si diwata, parang nagkakawkaw ng
    tubig sa dalampasigan;

  • May paninindak – hanep sa
    panunungkit ng mataas na tono, parang nang-uumit ng tindang bayabas
    sa talipapa;

  • At
    ang phrasing niya, napakalinaw… napakalinaw na hindi kami
    mananalo kahit consolation prize man lang mamaya sa kontes.

Ano’ng
gagawin ko? Si kuya nga, nang marinig ang boses ni diwata, natameme.
Lumabas na lang at isinara ang pinto dahil nahabag. Ayoko namang
magsalita ulit ng hindi maganda dahil baka mamaya, magtampo na naman
ang kumag na ito na kasing-sensitive ng balat ni Ma’am
Torres.

So,
what can you say?
” tanong ni Carlo, nakangiti’t wari’y
nandidilat ang mga mata. May spark pa ng kasiyahan sa sariling
performance.Tinatanong ako sa reaksyon ko sa pagkakakanta
niya.

Well,
ikako, nagdadalawang-isip… di ko alam kung paano ko isu-sugar
coat
ang mga sasabihin ko sa kanya para hindi siya masaktan, “I
just want you to be happy.
Kung ano ang gusto mong gawin, gawin
mo. Sasamahan kita doon bilang kaibigan, at kung ano mang sabihin ng
mga tao o ng mga hurado, para sa akin, panalo ka pa rin.”

Halos hindi ako makalunok sa
pinagsasasabi ko. Hindi kasi iyon ang gusto kong sabihin, dangan nga
lamang at talagang kailangang kong mamili ng sasabihin dahil ayokong
magtampo itong kasmot na ito.

Nawala ang pagkakangiti ni
Carlo. Nalungkot na naman. Tumalikod at saka tumingin sa labas ng
bintana.

Ano ba naman
ito? Daanin mo sa tapatan, magtatampo. Daanin mo sa matamis na
pananalita, magtatampo pa rin. Saan ba ako lulugar? Sana tinapat ko
na lang, hindi na sana ako nahirapan pa mag-isip ng sasabihen.
Nakakapanginig ng Pringles!

Napatingin ako sa mga kuko ko…
yak! Ang dumi! Ano ba’ng mga kinadkad ko ngayong araw na ito’t
ganito kadumi ang mga kuko ko?

Sa gilid ng
paningin ko’y napansin ko ang bahagyang paggalaw ng kahoy na
jalousy. Napadako tuloy doon ang tingin ko at nakita ko si
Kuya, may nalalaman pang pasilip-silip! Hoy! Magkakuliti kah!

You
know what?
” tanong ko, pero di ko alam kung ano’ng idadagdag…
kiyeme lang na may idea ako pero wala naman. Napalingon si
Carlo sa akin, di maipinta ang mukha… di ko alam kung nagtatanong o
trip lang niya talagang lamukusin ng ganoon ang pagmumukha
niya.

Tatapatin
na kita, siguro… di ko lang talaga type iyong uri ng
pagkukulot mo ng nota. Masyadong magulo at nawawala ka na sa tono.
Palagay ko, dapat lang ilagay mo sa ayos ang mga kulot, hindi iyong
basta na lang may pagsasabakan ka ng kulot, kahit kailangang i-hold,
ikukulot mo. Iayos mo lang ang vocal dynamics mo. Iyon naman e
opinion ko lang…”

Oo nga!”
dinig naming sabad ni Kuya… at napakalakas ng boses. “Disintunado
ka na eh. Nakakahiya sa mga kapitbahay! May alam ka pang
pakontes-kontes, di ka na lang magkulot diyan sa parlor ni
Fifi! Huwag ka nang mag-mike! Nalulumbay mga taga-baranggay sa
boses mo, eh!” Makialam ba?

Tahimik pero
nagmamadaling lumapit si Carlo sa player at in-eject ang
CD. Alam ko na ang ibig sabihin, magwo-walk out na naman ito.
Napakahilig mag-walk out! Saan kaya niya natutunan iyon?

Nanlatak ako.
Sa asar sa ikinikilos ni diwata, gayundin sa pagka-asar dahil hindi
ko magawang tumawa sa kumento ni big browzer.

Siguro
naman Carlo, alam mong walang patutunguhan iyang pagwo-walk out
mo. Hindi naman ganiyan ang solusyon sa problema, eh!” wika ko,
medyo diplomatiko.

Magkapatid nga kayo… pareho
kayo ng likaw ng bituka!” sagot ni Carlo, maluha-luha na, saka
tuluyang lumabas.

Carlo…”
tawag ko hanggang makalabas na siya ng gate, hindi ko alam
kung maaawa ako sa kaniya o maiinis.

Tumigil ito
saglit, akala ko pinakinggan ang tawag ko. Bumuwelta lang pala ito
dahil nakalimutan niya ang costume niya.

Sukbit sa
balikat ang mga naka-hanger na costume nang muling
lumabas ng bahay. Nang mapatapat siya sa akin, nagsalita siya,
“Sasali ako sa kontes na iyon at ipinangangako ko sa iyo, mananalo
ako! I know what I can and can not do, Malasa… I don’t
care what you think of me.
Ang mga tao ang huhusga sa akin, hindi
ikaw… o iyang tabatsoy na iyan! Hindi ko nga alam why I wasted
my time
dito. Thanks for nothing!

Mamula-mula
na ang mukha nito marahil sa galit at tumulo na ng bahagya ang luha
hanggang sa eyebags niyang medyo prominente. Gusto kong maawa
pero ano ang dapat kong sabihin?

Dapat ba
akong masaktan sa mga sinabi niya? Wala namang impact eh. Kung
ang plano niya ay pasakitan ako sa mga sinasabi niya sa akin, sorry,
hindi ako naapektuhan ng mga ganoong klase ng drama.

Tatawagin ko pa sana ulit kaso
narinig ko si Kuya.

Huwag mo nang tawagin,
nagrereklamo na mga kapitbahay at hindi sila naaaliw sa boses niya,”
saway ni Kuya at saka nagtaktak ng kornik sa bunganga.

Liningon ko si Kuya… “akala
mo naman, kung sino ka ring napakaganda ang boses eh…”

Bakeyt?
Kailan ba ako gumamit ng mike kapag kumanta ako?” sagot ni
Kuya, kaswal na kaswal.

Kuya… sa
built-in mong amplifier, kahit walang mike,
buong baranggay dinig ang bunganga mo. Ito naman, ni hindi mo naman
inisip na masasaktan ang loob noong tao sa mga sinabi mo,” litanya
ko.

Bakeyt?
Inisip ba niyang nasasaktan din ang loob ko noong kumakanta siya?
Buong baranggay napaiyak niya sa kanta niya sa pagmamakaawa! Bago
siya mag-aaarte ng ganiyan, lumugar muna siya!” singhal ni kuya,
nandidilat… bago naningkit ang mga mata at saka malanding pumikit,
muling nagtaktak ng kornik sa bunganga.

Kaya nga andito siya, eh.
Para magpraktis,” katwiran ko.

Nakinig ba
siya sa mga kumento mo? Nakita mo naman ako, lumabas ako para di na
ako mag-react. Naririnig ko siya, at feeling niya yata
e ang galing galing na niyang kumanta. Sa uri niya, pakiramdam ko,
ang gusto niya lang, mapuri, eh! Ayaw nasasabihan ang lintek!”
litanya ni Kuya.

Parang
naririnig ko ang sarili ko kay Kuya. Sabagay, may katwiran naman
siya, eh. Medyo may katigasan ang bungo nitong diwatang ito. Pero
kaibigan ko pa rin siya, kaya whether he likes it or not, pupunta
ako sa baranggay Hala-Hala at panonoorin ko ang performance niya
doon!

Pumasok ako
sa loob at hinugasan ang mga pinagkainang ni hindi man lang magawang
hugasan ng magaling kong kapatid. Gustong-gusto ko itong paghuhugas
ng pinggan, eh. Bukod sa nakagawa ka na ng biyen sa buhay mo,
nakapaglinis ka pa ng kamay mo! Kaya tuloy ang mga dumi-dumi sa kuko
ko, instant tanggal!

Iyan na ba
dinner mo?” tanong ko kay kuya matapos kong maghugas. Kanina
ko pa kasi napapansing ginagawa na niyang kanin halos iyong kornik.
Nakakailang balot na siya, helow!

Bakeyt?
May plano kang magluto?” tanong niya saka nag-inat-inat na wari
ba’y na-stress sa buong araw niyang pagtatambay sa
balkonahe.

Wala
naman. Naaalarma lang ako sa dami ng nakain mong balitog. Baka
mag-ite ka diyan, porke walang sumasaway sa iyo,” sagot ko saka ko
ipinahid sa suot na apron ang kamay medyo basa pa.

Pagprito mo nga ako ng
itlog…” utos nito pagdaka.

Eh, kung
i-prito ko kaya itlog mo diyan? Ikaw ang kakain, bakit ako ang
magluluto?” wika ko, in my angry face.

Sige na,” asik nito, may
lambing, “tinatamad akong magluto eh.”

Sarap
pasingawin ng mga hangin neto sa katawan! Kailan ba siya nagluto? Sa
buong buhay ko, hindi ko pa nakitang nagbuhat ito ng kawali o
kaldero… kahit na sandok man lang o siyanse. Ang pangarap yata niya
sa buhay ay maging isang guwardiya. Wish ko lang, nagtatrabaho
na lang siya kaysa nagtatatambay dito sa harap ng bahay na walang
kinikita. Isang taon na siyang di pumapasok sa kolehiyo eh.

Hmmm… baka
naman late bloomer lang. Hala, let’s not judge the book
na nga lang. My brother is not a pig… kahit na ganiyang
parang bulldozer ang katawan!

Sige na nga… pero ihatid mo
ako mamaya sa Brgy. Hala-Hala. Panonoorin ko ang kontes ni diwata…”

Panonoorin mo pa iyon?”
sabad kaagad nito kahit alam niyang hindi pa tapos ang sinasabi ko,
“Bigyan mo naman ng kahihiyan ang sarili mo… Malaman pa ng mga
taong kaibigan mo iyon, pagplanuhan kung paano ka tegehin!”

Which
is why
kailangan ko ng backup… Ipagluluto kita pero
sasamahan mo ako mamaya… deal?

Nag-isip-isip
pa ito… mga five seconds bago sumagot… “Deal!

-ooOoo-

Habang
kumakain ang masiba kong kapatid, para naman sa anniv nina mader at
pader, gagawa ako ng leche gulaman – ang matamis na di mo
malaman kung gulaman, leche flan o naimbento lang para
magkandaletse-letse ang buhay mo. Sa dami ng sangkap – sigurado ang
paghihirap! Hmph.

-ooOoo-

Makapag-iwan
na nga lang ng note sa ref. Alas nuwebe na, hindi pa
nagdaratingan ang mga kamagulangan ko! Baka di ko na abutan si diwata
sa performance niya… kahit naman papaano, gusto kong
suportahan siya sa paraang alam ko kahit alam kong wiz na siya win.

-ooOoo-

Hanep sa mga
utaw… pagkarami-rami. Tawsan-hanred. Di ko mabilang. At ang
tatangkad ng mga bakulaw… hindi ko na makita iyong stage.
Andami namang upuan, bakit kaya hindi sila maupo? Kung
makapag-standing ovation itong mga ito, akala mo, concert
ni Whitney Houston at Michael Jackson.

Kung ako ang
judge, siguradong mahihirapan ako sa pagpili ng mananalo. Di
ko malagok ang mga hitsura ng mga contestant, parang sambasong
ihe.

Iyong isa,
ang ganda ng banat sa umpisa… at ang kanta, pangkontes: You’ll
Never Walk Alone
! Hala, ng kalagitnaan na, kung anu-ano na’ng
pinagsasabeh. Di kabisado lyrics. May alam pa siyang
paikot-ikot sa stage. Sarap sabuyan ng spaghetti sauce!

Iyong isa
naman, mas maganda pa iyong kapitbahay naming may down syndrome.
Kainis! Feeling niya, napaka-powerful ng boses niya at
pagkalayu-layo ng mike. Parang diring-diri. Siguro mabaho na
dahil sa samu’t saring mga laway na pumagkit. Ang ganda pa naman ng
kinakanta niya, Blue Bayou!

Hay nako, may
guwapong contestant. Sows! Bumirada ng Tom Jones. Sige banat,
Green, Green Grass of Home… Lekat at may dalang damo,
bermuda grass! At nasa palad, inilalahad sa madlang pipol!
Pulis! Hulihin niyo iyan! Nagkakalat ng damo sa Hala-Hala!

Eto namang
isa, may choreography pa! Sumasayaw ng wala sa lugar. Sayaw ng
sayaw… sige… go for mommy! Kailangan ba iyon? Singing
contest
ito, noh! Buti sana kung kaindak-indak iyong kinanta
niyang Born Free. Wala sa hulog iyong pagkamagaslaw niya.

Kung ganito
lahat ng mga makakalaban ni Carlo, for sure, mananalo na siya.

And
now, ladies and gentlemen, to sing a Barry Manilow song
,” shet,
ipinakikilala na ng emcee si Carlo. Kinakabahan ako. Di naman
sa dahil inaasahan kong maligwak si mokong… pero dahil nagkaroon
ako ng pag-asang manalo siya sa linya ng mga contestant na
ipinakilala.

Ano’ng
kanta ito? Weekend in… something-something? Ano ba ito, di
ko mabasa… May ganito bang kanta?”

Hala patay…
sinasabi ko na nga ba. Pagpapakilala pa lang ligwak na! Nyeta, andami
kasing drama nitong chenes na ito. Pati tuloy iyong title nung
kanta, di alam.

Weekend
in New England
!” sigaw ko. As if naman narinig noong
emcee eh nasa likuran kameh! Minsan talaga, di ko rin
maintindihan ang sarili ko, eh. Basta na lang kikilos ng hindi
nag-iisip! Tseh na lang para sa akin!

Hindi ka
maririnig dito, tanga!” dinig kong singhal ni big browzer.

Na-realize
ko na iyon, di mo pa man sinasabeh!” mataray kong sagot!
Makialam ba sa trip ko?

Tanga! Mas
dapat na na-realize mo iyon bago ka nagsisisigaw diyan! May
alam ka pang pasagot-sagot, eh. Kung gusto mong marinig ka nung emcee
na mukhang may tiwang, makisiksikan ka sa mga kautawan para makapunta
ka doon sa harap. Balyahin mo iyong ayaw magparaan! Balungusin mo
iyong mga magtataray. Sipain mo iyong mga laseng. Andaming mga lasing
dito! Naglalasing na lang kaysa makinig sa mga kumakanta!” angil ni
Kuya.

Eh magsisimula na siyang
kumanta, eh,” wika ko, nakasimangot.

Hindi pa,
tanga… kita mong kinakausap pa siya noong emcee o. Ganyan
naman parati iyang mga emcee na iyan, eh. Hilig
magpatagal-tagal. Ayaw na lang basta pakantahin iyong mga gustong
kumanta. Laging kailangang kasali sila sa limelight. Mga
kulang sa pansin ang mga letseng iyan! Pagsisipain ko mga mukha
niyang mga iyan, eh,” ani kuya, nagpaparamdam ng pagkadisgusto.

Kuya ano ba? Nakakailang
tanga ka ba sa isang araw? Nakakatatlo ka na sa akin, ha…” angil
ko sabay labi.

Ewan ko,
di ko naman binibilang, eh…” sagot naman niya at habit na
siguro nito ang magpakaswal. Magkaroon ka nga naman ng nakatatandang
kapatid na ganito, oo.

Huwag kang
aalis dito kuya, ha? Babalik din ako kaagad pagkatapos ng kanta ni
Carlo… Please?” pakiusap ko.

Oo… di
naman ako aalis dito. Alangan namang pabayaan kitang umuwi mag-isa!
Gusto mong gilitan ako ni Tatay sa leeg ng mga mapupurol niyang mga
labaha?” sagot ni Kuya, mukhang praning. Pailing-iling pa!
Nakakaumay ang mukha. I-consider kaya niya ang face lift?

Nagmamadali akong nakiraan sa
karamihan ng mga utaw. Iyong iba, ayaw magparaan, kaya humanap ako ng
mga gap at doon ako nagpapasok. Nagsisimula ng kumanta si diwata nang
makarating ako sa harapan.

Sigaw agad
ako, “Right on, sister!” saka iwinagayway ang mga kamay na
parang mental patient. Ni hindi ko na inalintana kung nakikita
ba niya ako… siguro hindi kasi parang naghahanap ang mga mata niya
habang kumakanta. After a while, na-realize ko rin na
pinagtitinginan ako ng mga utaw – at saka ko lang naalala na in
front of the public,
hindi nila mauunawaan kung bakit tinatawag
kong sister ang diwatang ngayo’y tila nagkakayod ng niyog sa
pagkanta. Barakung-barako, eh.

At aminin mo,
nasa mismong harap ko lang ang mga judges. Hay naku, Malasa!
Wala ka talagang delikadesa, hmph!

Kiber! Ah,
basta, wave ulet at sigaw, ng , “right on!!! Wooo-hooo!
Inumit ko na iyong “sister.” Nakakadismaya.

Kaya lang,
ang performance ni diwata… walang pagbabago. Ganoon pa rin.
Ayaw itigil ang mga kulot. Nakita ko tuloy iyong isang judge na
parang biglang nahilo. Siguro ini-imagine kung paanong
nagro-rollercoaster sa ere ang mga notang pinoprodyus ni
Carlo. Andaming mga loops… sabay splash. Hala, nasaan
ba ako?

Iyong isa
namang judge, simisingasing ang ilong… wait, baka
talaga lang ugali na niyang sumingasing. Ang laki ng butas ng ilong,
eh! Dalawang daliri siguro ginagamit kapag nangungulangot! Puwede
ring iyong hinlalaki ng paa ang gamet…  hmph!

Nahiya tuloy
akong magsisigaw ulet. Ako lang ang nagchi-cheer eh. Mukhang
kahit mga magulang niya, hindi siya sinuportahan sa pagve-venture
niya sa direksiyon ng pagkanta. Kawawa naman… Kaya
siguro ganoon na lang ang expectation niyang suportahan ko
siya, akala niya, mauunawaan ko siya sa ginagawa niya… ang kaso
hindi eh… hmph!

-ooOoo-

I feel the change coming,

I feel the wind blows…

I feel brave and daring,

I feel my blood flows…

Nasa bridge
na si Carlo, kaya lang parang di naapektuhan ang mga tao. Iyong
iba, nagsiupuan at nagkuwentuhan na lang sa tabeh. Para tuloy gusto
kong makisali sa kuwentuhan nila. Sino na naman kayang prospect ni
Mahal? Ano kayang balita sa US at Iraq?

-ooOoo-

Sa dami ng
pumapasok sa utak ko, hindi ko mahusgahan kung maganda ba ang
pagkakakanta ni Carlo. Parang wala siyang kahatak-hatak sa mga
judges. Siguro ang mananalo, iyong guwapong kumanta ng Green,
Green Grass of Home.
Ikaw ba naman magpamudmod ng damo sa
Hala-Hala, kung di ka manalo.

-ooOoo-

Pagkatapos ni
Carlo, marami pang mga nagsipagkantahan. Mayroon isang magaling,
kinanta iyong Dakilang Lahi… at naka-magbubukid attire. Kaya
lang parang ginawa niyang R&B iyong kanta. May sariling style…
kaso di bagay sa attire niya. Eh kung naka-Master
Rapper
attire siya… win!

-ooOoo-

Carlo…” tawag ko sa
kaibigan ko nang mamataan ko siya sa likuran at nagmumukmok mag-isa.

Nag-angat ito
ng tingin at nang makita ako’y nakita ko ang tuwa sa mga mata nito.
Sorry, pero di siya pwedeng magkailang di siya natutuwa.
Obvious sa kilos niyang excited siyang makakita ng
kakampi. Lumapit ako sa kaniya. Nilampasan ko iyong lalaking may
dalang damo, iyong babaing kumanta ng Blue Bayou, at iyong isang
kontestant na nagsasabi-sabe!

Akala ko,
iniwan mo na ako, eh…” sabi nito, mukhang lumipas na ang tampo.

Anong
pinagsasasabi nito… Iniwan? Di naman kami magkasama, paano ko siya
iiwan?

Paano kita
iiwan diyan, eh…”

I
sucked…
kita mo naman iyong performance ko…
nakakahiya, kakaunti lang ang pumalakpak… parang napipilitan pa…”
sabi ni Carlo, hindi pa ako pinatatapos sa sinasabi ko.

Nakaramdam tuloy ako ng habag sa
kaibigan.

Nagpalinga-linga
muna ako, at nang makitang malayo ang ibang mga nakikipagkumpetisyon,
binulungan ko ito, “Ako hindi ako napipilitan nang pumalakpak.
Tsaka, mas mabuti na iyon, at least, experience para sa iyo.
Sa susunod, may idea ka na kung ano ang dapat at hindi dapat
na gagawin. Sabi nga nila, ‘what doesn’t kill you only makes
you stronger.
Besides, mas maraming malalala ang
performance sa iyo. Kungdi sila naghakot ng mga kaibigan, wala
namang magchi-cheer sa kanila.”

Nakita kong
ngumiti si Carlo, tumayo at saka umangkla sa braso ko. Inaya na akong
umuwi. Pinuntahan namin si Kuya at saka magkakasabay na naming
tinahak ang daan pauwi. Hindi na namin hinintay ang announcement
ng winners. Magsasayang lang naman kami ng oras… and
I think,
alam na niya iyon! Sana, maging lesson na sa
kaniya na walang mabuting naidudulot ang sobrang pride at
habit na pagwo-walk out – gayundin, na mayroong
limitasyon sa pagkukulot ng kanta!

Malasa Chapter 7

Thursday, March 16th, 2006

IKAPITONG BAGWIS

Tired
na ako kakahanap ng version. Para lang maiba, for once.

Taggutom ako
ngayon! Lunch break, pero tipong hindi ako makakakain!
Andami-daming malilimutan, iyon pang baon ang nalimutan ko. Sana
panty ko na lang nalimutan ko. Nakakaasar! Buti na lang,
nakakain ako ng cake kanina… pero sasapat ba iyon hanggang
mamayang hapon? Anglayo pa naman ng lalakarin ko pauwi, lampas isang
dangkal.

Saan kaya ako magtatago para
walang makakita sa akin. Machismis na naman ako na naghihirap kami!
Kawawa naman ang tatay ko, kandahirap sa pagtatrabaho sa barberya
para sa amin, tapos isang chismis lang, sisirain nila kredibilidad.
Subukan ko lang makarinig uli ng ganyang mga chismis… Pipitikin ko
talukap ng mga mata nila!

Ay! Biglang dumilim… lekat,
may nagtakip ng mga mata ko…

Sino
kah?!” tanong ko habang nagpupumilit tanggalin ang kamay ng kung
sinong… teka, amoy mumurahing cologne na nabibili sa
bangketa. Put a li’l mohr! “Mariposa ikaw ba iyan?”

Tawa ng tawa
si diwata… “Paano mo naman nahulaan agad? Minsan, nagdududa na
ako sa iyo. Siguro, mutant ka. May mata ka ba sa batok?”

Eh kung
batukan kita diyan? Huwag mo akong paglaruan at taggutom ako ngayon…
Na-forget ko pa’ng baon ko kakamadali papasok kanina dahil
sa kaiisip ko sa report. At saka ang amoy mo, ikaw lang ang
may lakas ng loob na maligo ng ganyang uri ng cologne.

Bakeht,
mabango naman, ah! Isang level lang naman ang iniangat ng
cologne mo sa cologne ko. Sa akin, from the
bangketa, sa iyo, from the sari-sari store. Kung
makalait ka, akala mo, sa mall mo binibili iyang pabango mo…
tseh!” anito na um-over ang pagtataray.

Pero come
to think of it,
totoo naman ang sinasabi niya so why bother?

Sarap balian ng tadyang netoh,
hmph!

Ay!
Nagre-revolution na ang bituka ko… narinig pa yata ni
diwata.

Ay grave
dinig na dinig ng buong eskuwelahan ang kalam ng sikmura mo…”
tili ni Carlo.

Carlo…
ano ba? Napapahiya akoh…” pa-demure kong angil.

Halah,
tara… ililibre kita sa kantina… bilis… pero one time
lang ito, ha?” aya ni Carlo. Ibang klase talaga’ng kaibigan ang
mga diwata, oo. Alagang ina! Para kang may second mother.

Uy, salamat, ha… makakabawi
din ako sa iyo.”

Tatandaan ko iyan.”

-ooOoo-

Walang
masyadong nangyaring maganda sa Geometry. Nagbigay ng quiz si
Ma’am Belle. May mali akong dalawa. Nakakaasar. Sayang, hindi ko
naperpek!

Ilan nga ba
ang question? Dalawa! Laban ka? Entonses, zero
ang lola moh! Hay! Pagdating talaga sa mga surprise quizzes, libak
ang beauty ko. Lalo na kapag Geometry na pinag-uusapan…
mas masarap pa maglaba!

Ilang zero
na ba ako sa Geometry? Apat na this year… naykupo. Nakakahiya! Pero, kasalanan ko ba kung mahina ako sa mga figures?
Tseh na lang kayong lahat!

-ooOoo-

Type
na type ko talaga ang name ng Values Education
teacher
namin. Pang Ms. Universe! Parang nag-emerge
siya galing sa Malta o kaya sa Tunisia o kung saang lugar na exotic!
Puwede ring galing Puerto Rico or Argentina! Hooray! And the 2090
Ms. Universe title goes
tofrom Kota Kinabalu,
Ms. Kirina Landifa-Co!

Ang tapang-tapang ni ma’am!
Kayang-kaya niyang bigyan ng dignidad ang pangalan niya. Yiiiah!
Bilib ako. Saludo ako sa mga babaeng katulad niya! Walang
kalandi-landi sa katawan. Napakahinhin at talagang seryoso sa
ginagawa niya.

Kaya lang ampayat na niya
masyado… parang kulang sa nutrisyon. Wala ba silang pagkain sa
kanila? Para kasing hindi na tama sa edad niya iyong ganoong kapayat.
Madali siyang kapitan ng osteoporosis. Hanging amihan lang ang
katapat ni Ms. Landifa-Co, ay, tumba agad sa kalye!

Ambait pa
naman… tsaka marunong gumawa ng lesson plan. Kitang-kita nga
pagiging pasmado ng kamay niya eh, siguro kasusulat ng lesson
plan
. Minsan nga ng ituro niya ako, para tawagin at mag-recite,
akala ko lumilindol. Natakot talaga ako! Iyon pala talaga lang
matindi ang pagkapasmado niya. Nginig… lekat… nginiiiiggg!

Parang may
sapi rin si ma’am kung minsan. Nagsasalita na mag-isa sa harap.
Sabagay, propesyon niya iyon, kaya kahit walang nakikinig sa mga
yawyaw niya, go sa talk!

-ooOoo-

BREAK
Huwag nang itanong kung ano’ng nangyari at isang malaking
kuwentuhan lang ng mga kahiwagaan ng gulaman. Bakit kaya hindi na
lang magtinda ng gulaman itong si Carlo nang matigil na’ng
pagkukuwento niya? For 2 years na nakasama ko ito, wala akong
masyadong natutunan sa kaniya kungdi ang tamang sarap at linamnam ng
gulaman. Sabagay, masarap iyon kasabay ng pagnguya ng turon… hmph!

-ooOoo-

Klase na
naman ni Horsie. Nyahahaha! May anthurium na nakalagay sa vase
niya! Shet! Naunahan ako sa pag-aalay… kainis naman. Paano na
ang mga plano ko? Na-realize na kaya niyang wala sa Table
of Elements
ang anthurium na pinagtatatanong niya sa
akin?!

Sino kayang
hampas-lupa ang adelantado’t pakialamerong naghandog ng anthurium
sa kaniya? Salamat naman… hi-hi-hi. Kaya lang, baka ngabngabin
ni ma’am iyon, akala damo.

O, bakit
tahimik kaya itong si ma’am? May problema ba tayo? Uy! Mukhang
bagong footspa, sabi ko na na-insecure, eh! Super
high heels! At sulat ng sulat… wala yata sa mood
mag-i-Ingles. Naubusan siguro ng malalalim na mga words.
Ah, alam ko na, para nga naman nakatalikod siya sa amin at ang
gusto niyang ipamukha sa lahat na mamula-mula ang sakong niyang
binabad sa isang galong merthiolate.

Buti naman
tahimik siya ngayon. At least, for once, naging matahimik ang
mundo ko sa klase niya. Kakapanibago… wait, mukhang bago rin
ang uniporme niya… hmmm, siguro napansin niya na ang pagninisnis.
Ipinagpaliban muna siguro ang pagbili ng lotion… he-he-he.

Pero, hindi rin. May isang
botelya sa mesa niya, eh. Di kaya niya alam na lahat ng sobra,
nakakasama?

Nangangawit na kamay ko
kasusulat, ha! Ma’am, ano ba? Tama na muna iyan. Uubusin pa yata
ang oras sa kasusulat.

Ba’t ba ang dami kong reklamo
sa buhay? Magtigil nga ako! Puros na lang ako reklamo… Tseh!

-ooOoo-

Pasikat ng
pasikat si Charisse sa cartweel niya. Iyon lang naman ata ang
alam niyang gawin. Si Sir Gamoso naman sa P.E. namin, hangang-hanga!
Hangang-hanga sa kapal ng mukha ni Charisse. Cartwheel ng
cartwheel eh mas bagay sa kaniyang ihampas sa pader.

Gymnastics
kami ngayon at pinapunta kami sa school ground kung saan
ako nagtatatambling kanina. Angsakit sa balakang. Inat-inat
muna ako.

Iyong limang
kaklase kong members ng cheerleading team, may sariling
mga routine. Ang galing ng pagkaka-choreograph ng
stunts nila. Wala akong masabi except, well,
ahmm… wala akong maisip eh.

Next,
Maria Nicolasa…”

Sir?”

Ms. Coles,
please lang, walang kalokohan ngayon, or else,
mapipilitan akong ibagsak ka sa klase ko. I want you to give me
your best routine. Mind you,
hindi ako natuwa sa hoola dance
mo last quarter, at lalong hindi ako na-appease sa
pagti-tinikling mo mag-isa mo noong isa pang quarter. Fourth
quarter
na Ms. Coles… please, tapusin mo naman ang klase
ko nang maganda.”

Kuh! Ito
talagang si Sir, walang ka-humor-humor sa katawan. Hindi na
lang siya natuwa na nag-perform ako sa kaniya noong mga
nakaraang mga quarters. Hindi naman niya ako binagsak.

Bah, at ang
mga lekat kong mga kaklase, nagtatawanan sa mga narinig na binanggit
ni Sir!!! At si Charisse… nakakapaningkit ng mata… wala naman
siyang ginagawa, ni hindi nga siya nakatingin sa akin. Pero
nanggigigil ako sa kaniya dahil lang sa nanggigigil akoh sa cartwheel
niyang walang pinatutunguhan.

Makabuntung-hinga nga muna…

Yes,
sir… promise…
eto po ang routine ko…” ibinigay ko
sa kaniya ang papel kung saan isinulat ko ang routine ko.

Aba si Ser,
kung makahalakhak, grabe! Sa anggulo kong medyo nakatingala sa
kaniya, halos mabilang ko na yata ang valleys at humps ng
upper palate niya! Nabasa lang ang routine ko, laughter
in the rain
? Bakeht? Ano namang nakakatawa diyan, ha ser?

Ser…?
Bakit po kayo tumatawa? Share niyo naman para matawa rin ako…”
ikako sa kaniya, medyo nasusuya na hindi sigurado.

Hay, naku
Nicolasa…” nang humupa-hupa ang ligaya sa buhay, sabay
buntung-hinga, “wala na talaga akong magagawa sa iyo.
Cartwheel-handspring-somersault? Sigurado ka ba sa mga
pinagsususulat mo?”

Oo naman, sir,” ika ko…
seryoso at nagtatanong ang mukha.

Aba’y todo
sa hagikgik si Sir Gamoso. Ayaw paawat. Hoy!!! Hindi ko ma-gets
kung ano pinagtatatawa mo!

Makapaghubad na nga ng palda.
Shet, naka-takong pa ako…

Sige na nga, gawin mo na kung
ano ang gusto mong gawin! Kungdi mo lang talaga ako lagi pinasasaya,
ewan ko na lang. Sige na, maski ano na lang gawin mo…” parang
sumusuko na si Sir. Baket? Sarap sungkitin ng ilong neto!

Ser…” tawag ko ulit at
nakangiti niya akong tiningnan, “tanong ko lang po kung pwede po ba
mag-paa?”

Gawin mo kung ano’ng gusto
mo. Ingat ka lang at baka mabalian ka sa mga plano mong gawin, ha?”

Thank
you
sa support ser… para sa inyo ito.”

Huminga ako ng malalim… sabay
buga ng mababaw.

Ready, get set…

Malasa…”

Sino naman
itong pamatay-suspense?

Ano ba…?” sabay lingon sa
tumawag… walang iba kungdi si… si Carlo lang naman pala!

Tumakbo ito
palapit sa akin sabay bulong, “Nanonood si Sir Benitez sa third
floor…
galingan mo, ha?”

Baket? For
what?
” tanong ko. 

Tumingin ako
sa third floor ng building, si Sir Benitez, nakadukwang
sa itaas at pinanonood kaming nagpi-P.E.

Puwede ba, hindi ko na siya
kras. Nagbago na ang isip ko,” wika ko pero nakalayo na pala si
Carlo.

Huminga ako
ng malalim… focus Malasa… focus…

Ready…
set…
takbo!

Ayay!”

Napakasaket naman ng biro ng
tadhana! Ang saket ng lagabog ko! Andaming oras na puwede akong
pumlakda sa damuhan, bakit ngayon pa? Ampanget ng eksena… hindi
maganda… siyempre pangit eh… ‘de di maganda!

Aba’t ang
mga lekat kong mga classmates, pinagtawanan pa ako imbes na
tulungan akong bumangon. At ang nakakapanggigil na si Charisse,
patakip-takip pa ng bibig. Si Sir Gamoso’t si Carlo lang ang
lumapit sa akin.

Okay ka
lang Nicolasa?” tanong ni Sir Gamoso, halatang pinipigilan lang ang
sariling matawa. Kahit naman ang hudas na si Carlo, eh, pakagat-kagat
pa ng labi, eh kasalanan niya lahat ito. Pokus na pokus ako kanina eh
bigla niyang pinigilan ang momentum ko… humanda siya mamaya.

Ngumiwi ako… saka tumango.

Sorry,
Nicolasa… Next!” Sigaw ni Mr. Gamoso na ikinakaba ko.
Kapag nilampasan niya ako, it only means bagsak ako sa
performance ko sa kaniya.

Sir,
wait! One last chance
and this time, I mean it. Please sir…
Nakikiusap po ako,” maganda ang timing ng mga salita ko.
Parang aral sa drama school. Lalo iyong pangilid-ngilid ng
luha, kering keri.

Bumuntung-hinga si Sir Gamoso.

Okay, pero
one last chance na ito, Nicolasa. Limitado ang oras natin.
Kahit ano na lang gawin mo. Kahit hindi mo sundin ang routine
na isinulat mo, basta may maipakita ka lang sa aking performance.
I’ll give you one minute to perform.

Thank
you, sir
…”

Tumayo ako’t
inisnab ko ang mga nagtatatawa sa akin! Tseh! Nahawa na kayong lahat
kay amag! Makapikit na nga lang at nang makagawa ng bagong routine
na kakasya sa isang minuto.

Ready,
Nicolasa?” dinig kong tanong ni Sir Gamoso.

Tumango ako… kahit hindi naman
talaga. Hindi ko pa nga naaanalisa kung saan ako dapat babagsak, eh.

 

Get
set… Go!
” sigaw ni Sir Gamoso.

Three slow
paces… handspring… cartwheel… back handspring… back
handspring… cartwheel and hold… full-twist by hand then feet to
the ground… cartwheel to the left… back handspring… cartwheel
to the right… handspring… cartwheel… triple consecutive turn…
forward roll… back handspring… double somersault!!!

Taas-noo
akong lumapag, nakataas pa ang mga kamay, at even ang
pagkakabagsak ng mga paa ko sa lupa, in fairness.

Hingal!
Hingal! Hingal! Todo hingal ako at talagang feeling ko eh isa
akong bayani! Pero ilang saglit lang iyon… dahil after that,
sinuka ko lahat ng kabayanihan ko sa damuhan! “Ghwark!!!” Ang
asim! Ampaet! Anlupet! Kasi naman, bigyan ba ako ng isang minutong
routine!

Isa pa ngang,
“Ghwark!!!” O d’vah, spelling pa lang, sosyal na sosyal
ang event ko, parang galing Norway!

Pinilit kong
ngumiti kay Sir Gamoso pagkatapos ng event ko, papunas-punas
pa ng remnants sa labi’t mahilu-hilo akong lumakad palapit
sa kaniya. Hindi ko na alam kung ano’ng hitsura niya, nahihilo ako,
eh! Kahit nga sarili ko, hindi ko na inalintana kung okay ba or
what
!

Ser, sori…
di koh… keri… tahpusin ang one minute…” humihingal
kong paghingi ng paumanhin kay teacher saka ko tinawag si
diwata.

Car-lowh, tuhlohng!”

Lizbeth,
next…” narinig kong sigaw ni Sir Gamoso sa likod.

-ooOoo-

Maluha-luha
ako sa hiya. Sumuka ako in front of the public! Ano na lang
sasabihin nila sa akin? At ano naman ang pakialam ko sa sasabihin
nila sa akin? Kutsarain ko pa mga kulangot nila, eh!

Bongga ang
event mo, ineng! Nalowka ah-kes! Ako nga, dalawang tabinging
cartwheel lang okay na kay sir… ikaw full
performance! Insecure
tuloy iyong mga cheerleaders sa iyo,
oh, pinagchi-chismisan ka. Look, titingin-tingin pa…”

Bongga ba?
E kung binobongga-bongga ko iyang fez mo! Kita mo naman ang
ending, super-suka ako! Dangan kasi si sir, ang sabi, one
minute
daw na routine, eh.”

OA naman
si Sir… wala rin sa hulog. Siya kaya, kaya niya kayang one
minute
na routine na puros sirko-sirko! Ehwahn ko na
lang!”

Ang sarap
naman ng hangin dito sa ilalim ng mango tree. Nakakatanggal ng
hiya. Dumidiretso pa paningin ko! Sarap sabayan ng pagsamyo, kaso
pabango lang ni Carlo ang nasasagap ko lalo’t maya’t maya siya
nag-i-spray. Paano, napaka-volatile ng pabango. Isang
minuto lang yata nagtatagal tapos, over na.

Okay ka na ba, Ms. Coles?”
narinig naming tanong, boses ni Mr. Gamoso.

Synchronized
kaming tumingin ni Carlo sa pinanggalingan ng boses.

Okay na, sir…”

Nang makitang
nakangiti ako, saka ito nag-chuckle… Your performance
out there…it deserves a perfect 10. You didn’t just outdo
yourself; you’ve also outdone the others.
Hindi ko alam na sa
likod pala niyang mga kalokohan mo, may natatago ring special
talent.
I was, and I guess, still am… flabbergasted!

Nagkitinginan
kami ni Carlo saka ako napangiti ng nanghihina, hindi ko alam
i-handle ang sitwasyon kasi ngayon lang may pumuri sa aken…
bibihira ang ganito at hindi ako sanay.

Pero…”

Bakit naman
may ‘pero’ pa si ser? Sana wala na lang… ilang segundo ko lang
na-savour iyong papuri, eh! Huwag niyo na ituloy ser… huwag
na, fleas!

“… hindi
ko sinabing kumpletuhin mo ang isang minutong pasirku-sirko… ang
natatandaan kong sinabi ko, I’ll give you one minute… pero
to prepare!

Pagkatapos ng
litanya’y biglang tumalikod at lumayo. Tatawa-tawa pa. Parang
nakakaloko. Naumay tuloy ako sa ugali niya. Tseh! Ni hindi man lang
hinintay ang thank you ko. Ito’ng si Ser, oo. Basta lang may
masabeh!

Eh, sa hindi klaro ang
instruksiyon niyang lekat siya, kasalanan ko ba iyon?

Sabi sa
iyo, eh…” pahabol na sabi ni Carlo sa eksena. Gustong
makapagsalita ng last words sa isang Chapter. Eh, sori,
hindi pa tapos ang chapter na ito ‘no.

Pero sigi na
nga, alang-alang sa friendship namin, siya na nga may huling
say sa chapter na ito! Tutal wala namang nangyaring
kagandahan sa huling klase naming Computer kase lagi namang
absent ang guro naming si Mr. Potenciano!

Malasa Chapter 6

Thursday, March 16th, 2006

IKINAANING NA FUGTO

Ikaanim
na Yugto, baklang praning version

Mid-story Reminder:

Pakitandaan
lang po na sa pagbabasa natin, pakigamit po natin ang ating mga
imahinasyon at lagyan po natin ng attitude. Huwag iyong  basta na
lang makabasa na parang prep. Kung wala tayo sa mood, huwag po tayo
magbasa, kasi mawawalan lang po ng saysay ang pagbabasa natin.
Ityempo natin sa mood natin ang pagbabasa. Hindi po ako galet. Iyon
lang po. Maraming, maraming salamat.

Ano ka ba naman, hanggang
ngayon, siniseryoso mo pa rin ang mga sinasabi koh…” bati ko kay
Carlo na mag-isang nagmumukmok sa ilalim ng puno, katabi ng isang
malaki at nag-uumapaw na basurahan.

Ibig mong sabihin, hindi ka
seryoso sa sinasabi mo kanina?” malungkot nitong tanong sa akin,
saka nag-angat ng tingin, mga mata’y may panglaw, pasimpleng
itinataboy ang mga langaw.

Natahimik ako saglit… para
lang magkaroon ng pagkakataong lumunok ng laway, bago sumagot,
“Pasensiya ka na, pero ayokong mas masaktan ka kapag narinig mo
iyon sa ibang tao. Kaibigan mo ako. Kung mayroon akong dapat sabihin,
iyon siyempreng totoo.”

Nangaligkig
ako sa narinig kong pinagsasabi koh! Nangaligkig din ako sa hitsura
niyah! Nangaligkig ako sa smell ng basurahan! Pati na ang
pagkakataong ito, nakakapangaligkig.

Nakakaasar
kasi ang mga banat mo. Ikaw pa naman ang inaasahan kong magbibigay sa
akin ng fighting spirit, ikaw pa ang nagda-down sa
akin…” muli itong yumuko at saka bumuntong-hinga. Malungkot…
habang ang amoy ng paligid, napakabantot.

Mas
gugustuhin mo pa bang marinig sa ibang tao ang comment na iyon
kaysa manggaling sa bibig ko? Kaibigan kita, at kapag narinig ko’ng
ibang tao na nagkumento ng hindi maganda tungkol sa iyo, mapapasabak
ako sa away. Gusto mo ba’ng umabot pa tayo sa ganoon?” wika ko,
seryoso. Dangan nga lamang at hindi rin ako nakatiis kalaunan at
nakihawi-hawi na rin ako sa ere kung saan nagtipon-tipon ang mga
kadiring langaws. Parang gusto na kaming kuyugin. Trespassing
nga naman kami sa teritoryo nila!

Talaga,
gagawin mo iyon? Makikipag-away ka para sa akin?” magkasunod nitong
tanong sabay baling sa akin. Ang hirap idrowing ng mukha. Masahol pa
siya sa cartoon.

Nakita mo
itong ginagawa ko ngayon?” sagot ko, umiiri-iri pah,
“nakikipaghamok na ako sa mga langaw at tinitiis ko ang bantot ng
basurahan para lang maipakita kong kahit nasaan ka, nandoon ako…
puwera lang kapag eebak ka… o maiihi… o kaya makikipag-sex.
Pero kita mo naman, kahit na kung minsan, talagang napakakapal ng
mukha mo at napakatigas ng ulo mo’t ayaw mong nasasabihan, wala
akong ibang choice kungdi maging back-up dancer mo.
Kasi, kaibigan mo ako.”

Umismayl si
fyutah. Pero makikita mo pa ring malungkot ang mga mata nito. Kaya
kesa tingnan ko ang mga mata niya, sa labi na lang ako tumingin para
hindi ako ma-depress.

Honestly…
sabihin mo nga sa akin… iyong tapat… sa palagay mo ba…
talagang… wala nang… pag-asa ang… pangarap kong… maging
isang… singer?”

Hanep sa
pagkakatanong – andaming paputol-putol! Kakapanood ng mga
low-budgeted local movie. Iyong tipo bang katulad ng mga
litanya ng mga bold stars na ang daming mga hinga sa pagitan
ng mga salitah! Payoneta! Nahirapan akong pagtagni-tagniin ang mga
parts ng sentence niya… mas madali pa yatang
pagkabit-kabitin ang kadena ng aso.

Okay ka
lang? Siyempre meron. Kaya lang, hindi ka puwedeng mag-ala-Regine
Velasquez
na lahat na lang ng kanta, keri. Walang pili-pili… na
sabihin lang niya, ‘gusto kong kantahin itoh,’ tapos record na
kaagad na wala man lang practice-practice…”

Alam ko naman iyon, eh. Kaya
nga sinikap kong maghanap ng kantang bagay sa akin para lang sa
gabing ito,” sabad nito kahit hindi pa tapos ang mga sinasabi ko.

Gustong
kumulo ng dugo ko sa pinagsasagot ng sibaktong na itoh! Namileh ba
ika moh? Eh kung ikadena kita diyan ng aso? Namileh, Turn Around,
Bright Eyes!
Sarap hiluhin ang mental na ‘to!

Pinilit kong magpakalumanay
kahit na nag-iinit na ang ulo ko sa kahahawi sa mga buwisit na
langaw. Ambaho talaga ng eksena namin.

Ineng,
meron naman sigurong kantang kaya mong kantahin at bagay sa boses mo.
Pero I am positive na hindi iyon iyong kantang Turn Around,
Bright Eyes
na pinagsasasabi moh diyan… oo nga pala, Total
Eclipse of the Heart,
tandaan mo iyong title, huwag kang
mag-imbento ng sarili mong title.”

Saglit siya nag-isip, pero
pakiwari ko, hindi naman niya talaga pinag-isipan. Paimbabaw lang na
para makitang kunwari nag-isip siya.

Kung di puwede iyon… Eh,
ano?” tanong ng diwata.

Nag-isip ako…
paimbabaw lang din. Para lang makita niyang kunwari’y nag-iisip
akoh. Nagpalinga-linga ako, ang nasa isip ay kung saan kami puwedeng
mag-transfer dahil hindi ko gusto ang location ng
shooting namehn!

Gusto kong
sagutin iyan, pero puwedeng mag-change muna tayo ng venue?
Parang hindi maganda ang atmosphere dito at nakaka-dry
na ng utak ang amoy ng basurahan. Kumakapit na sa balat ko ang
antot! Lekat ka… nakatagal ka sa amoy dito?”

Tumawa lang
ng tumawa ang diwata. Sa laki ng bunganga nito, halos malunok niya’ng
langaw na pumasok sa bibig niya. Eeeww!!! Kadiri… fast forward
na… ano bah! Bileeeeehs!!!

-ooOoo-

Sigurado
kang bagay sa akin iyang kantang iyan?” nakasimangot na tanong ng
diwata habang nguya ng nguya ng cake, sabay higop ng gulaman.
Nagpahayag kaagad ng pagkadisgusto sa kantang ‘Dakilang Lahi.’

Ganyan ang
mga kantang pang-contest, gaglesh. Malakas ang impact
niyan lalo’t sasabakan mo ng dramang may putik-putik ang paa
mo’t nakapambukid attire kah! At saka, sa timbre ng boses
mo, pasok na pasok iyang kantang iyan… hindi gaanong kataasan,
hindi rin gaanong kababaan. Pero andoon ang emosyon at sinseridad…
parang makabansa ka kapag kinakanta mo iyan, kahit hindi naman talaga
akma sa totoong buhay,” paliwanag ko.

Bakit
hindi mo muna kasi pakinggan iyong Turn… I mean, ano na nga
kaseh title nun?” maktol ni Carlo.

Ayahn! Proof
na hindi talaga niya iniisip ang mga pinagsasabi ko. Ang tigas ng
ngala-ngala netoh. Parang gusto ko tuloy ng isang round house, pag
nabigyan ako ng pagkakataon.

Pang-girl
iyon, ano ka ba? Una’ng hinahanap na karakter ng mga judges
sa mga manganganta, portrayal. Paano mo ipo-portray ang
kantang pambabae kung lalaki kah… Unless, gusto mo’ng
magpakababae sa stage…” ika ko, pataas-taas pa ang balikat
para lang ipakitang mayroon akong balikat pares niya.

Ang
problema, wala akong tape niyan o kahit cd. Ikalawa,
hindi ko alam ang kantang iyan, paano ko kakantahin iyan mamayang
gabeh! Ayoko ngang kumanta ng rush…at saka, iyon na ang
kantang nakalagay sa programa…” maktol pa uli nito’ng
dinagdagan ng maingay na paghigop ng gulaman!

May point
siya doon. Gusto ko tuloy maireh sa inis. Ano ba talaga dafaht?

Wala ka
bang mga tape o cd na panglalaki? I mean, iyong
puwedeng maisabuhay?” nakatingala ako sa mga ulap habang
nagtatanong, ang kinakausap ko, mga anghel sa langit! Kung puwede
lang magpadala sila ng habag dahil hindi ko alam kung paano ko
babaguhin ang paniniwala neto…

Meron
naman… mga Barry Manilow, Frank Sinatra, Ricky Martin, Limp
Bizkit, Metallica, Westlife
at saka Yoyoy Villame…
sagot naman ng diwata na akala siguro’y siya ang kinakausap ko! At
hanep sa linya ng mga manganganta… rambulan nah!!! Hindi ko alam
kung puwede pang tawaging eclectic ang kumag na itoh! Kaya
kaya niyang kumanta ng Butsikik, Metallica version in a Latino
beat
?

Hmm…
Weekend in New England kaya? Me version si Martin
Nievera noon, eh, pero sobra taas. Baka di kayanin ng lungs mo
ang required oxygen level na kailangan mong higupin para gawin
ang version niya. Mas babagay sa boses mo iyong version ni
Barry Manilow…”

Nakakita ako ng malaking
tandang-pananong sa fez ng mariposa.

Ano ka ba? Ang ganda noon,
hindi mo alam? Akala ko ba meron kayong mga kanta ni Barry Manilow?”
ika ko, nagtataka.

Ano namang
pinagsasabi mong kanta? Hindi ko alam iyan… ah, basta, doon pa rin
ako sa napraktis ko na… ano na nga kaseh ulet title noon?
Whatever na nga lang… Turn around whatever…
anito, walang kapase-pasensiya sa tono at napakatigas ng ulo.
Mangani-ngani ko nang isalaksak sa ilong niya iyong plastic bag
ng cake na bigay sa akin ni… fafa Fatrick! Hi-hi-hi!

When
will our eyes meet? When can I touch you? When will this strong
yearning end?
” kanta ko, pinipilit na gayahin ang tono pero
bigo.

Eh, When
Will I Hold You Again
iyang kinakanta mo d’vah? But of
course, dahlin’ I know…
” anito, napakataray ng mukha, buti
sana kung bagay sa kaniya, eh hinde.

Nasampal ko
tuloy ng napakalakas ang lukaluka sa guniguni ko. Adik sa paglikha ng
sariling title. May nalalaman pang pa “d’vah, d’vah”
ang lekat. Eh kung dinidib-d’vahn ko kaya ‘toh!

Wait…
Kung tuluyan ko nga kaya ang pag-dibdib ko sa kanya ulet! Baka
nga iyon ang solusyon, di kaya? Bakit ba hindi ko naisip agad iyon?
Ay alam ko na, kaseh, masaket… masaket sa part ko dahil
kailangang mag-exert pa ako ng effort para banatin ang
mga litid at buhatin ang paa ko para matadyakan ko lang siya. He’s
not worth it!
Wala akong pakialam sa part niya kung
masaktan siya o hindeh, lekat siya. Pero next time na lang pag
hindi ako pagod, katatapos ko lang halos magtatambling, eh.

For the
nth time,
Carlo, and I hope I am making myself clear, huwag
kang lumikha ng sarili mong title… kites mong leeg ko…”
saka ko dinutdot ang leeg ko, “nanggagalaiti iyan dahil sa iyo!
Umayos ka kung ayaw mong samain!”

Eh kung
Weekend something something ang title noon, bakit wala
naman akong nakitang maski na isang salitang weekend sa kanta?
Ikaw yata ang nag-iimbento, eh?”

Hmmm… may
point siya doon. Bakit nga ba may mga kantang ang hirap
ispelengin ng title? Vincent, akala ko dati, Starry,
Starry Night
; Simply Jessie, akala ko dati, I love You
Honey…
at kung anu-ano pa? Wa-hay? Para pasakitin ang mga ulo ng
mga simpleng taong katulad namehn? Sarap kausapin ng mga kompositor…
para lang ba may magawa ako sa buhay kong puwedeng ikonsiderang
importante. Kaso, tinatamad pa ako. Baka bukas na nga lang, o kaya sa
susunod na taon. Kapag may time.

Pero iyon
ang nabasa ko sa CD label ng album ni Martin, eh? Ano
bang magagawa koh? Bakit hindi ka mag-rally sa Luneta?
Ipagpilitan mo iyang title moh, lekat ka…”

Natahimik ang diwata.

-ooOoo-

Mga siguro
five minutes kaming di kumikibo.

-ooOoo-

Dagdagan mo
pa ng mga thirty seconds. Sige’ng lagok ng gulaman ni Carlo,
eh, parang ayaw ng huminga.

-ooOoo-

Aaangh…
aaannnnnngggghhhhhh… aaannnggghhhh… igh… ighhhhh”

Nagkatinginan
pa kami ni Carlo sabay bunghalit ng tawa… Poochie naman! Hindi ba
sila naaawa sa bell? Sarap mag-donate kung may pera
lang talaga.

-ooOoo-

You
know,
” paunang salita ni Carlo, habang naglalakad kami
patungong susunod na klase “palagay ko, tama ka… mas mabibigyan
ko ng justice iyong Weekend chorva chorva na iyon!
Pag-uwi mamaya, diretso tayo sa bahay, kunin ko lang iyong CD tapos,
practice ako sa inyo… ikaw ang magiging choreographer at
critic ko, okay?”

May
isusuot ka na ba? Dalhin mo na rin iyong isusuot mo, doon ka na
maghapunan sa bahay. Anniv nila fader at mader, kaya wala sila…
super kain sa labas. Ayaw mag-share!”

Tumango-tango
lang ito, as usual, para na namang laseng, saka ngumiti na
parang pagod sa maghapong-paggawa, bago kami naghiwalay ng landas.

-ooOoo-

Klase namin
sa Home Economics, at ang topic, Fish Preservation.
Diskas si Ma’am Juatco tungkol sa paggawa ng daing. Abala ako
sa kasusulat ———– ng mga narinig kong pinagsasabi ni Patrick
kanina. Sakit na ulo ko pero kailangan kong i-decode dahil
gusto kong maintindihan kung bakit ang ending ng usapan namin
ay bigayan ng cake.

Itlet…
gims… tambol… krubatek… serkuh Baka athlete,
games, tumble, acrobatic at
sirkopero nasaan iyong
cake? Mali yata ang decoding ko, eh. Pero
nagtata-tumbling ako kanina kaya for sure, may
kune-kuneksyon sa mga haka-haka ko iyong mga yawyaw niya… kaya
lang, paano nauwi sa pagtanggap ko ng cake? Haaaaw?

May sinabi pa
siyang pinramis… Ano kaya ibig niyang sabihin? Kung pinangako,
hindi naman kami masyadong nagkausap noong Linggo, paano niya ako
mapapangakuan? There has to be some meaning to it... pero
wa-hat?

Ah, lintek…
nangangati na kilikili koh. Tumutubo’ng mga kilikili hairs
ko sa kakaisip! Naalala ko tuloy si Charisse at ang mahiwaga niyang
mga buhok sa kilikili na singkapal ng rainforest. Ayokong
matulad kay pinya!

Makapaghalukipkip
na nga lang, kunwari nilalamig akoh, pasimpleng kamot para maibsan
ang kate. Kaso, men, sikat na sikat ang araw at di bagay ang dramang
halu-halukipkip tapos ang topic niyo ay tungkol lang naman sa
daing! Sarap mag-jacket!

Sana baguhin
ni Ma’am Juatco pamamaraan niya ng pagsasalita ng fish… pis
siya ng pis eh. Finagfafalit niya ang fronunciation ng ep at chaka
fi. Hiraf na hiraf tuloy ako makinig.

O, babanat pa
ng “pis freserbeyshen”! Wow! Ma’am, you’re the vest!

May kulani
siguro sa dila. May valak fa yatang i-share kulani niya sa mga
eardrums ng vuong klazeh!

I wonder
kung magkamag-anak sila ni Tonya… they’re both so maraming
kumpas, eh! Gusto ko tuloy humanap ng base guitar… wala
lang, para lang may hawak akong musical instrument just in case
handa na ang orchestra na pinagkukukumpasan ni Ma’am.
Ako tagahataw ng gitara sa stage sa ending ng
tugtog… tweeeennhhnggg!!! O d’vah? Gawin bang battle of the
bands
!?

Ba’t kaya
sea creatures lang ang dinadaing? Di ba puwedeng magdaing ng
gulay? Like say, sitaw o kaya sigarilyas… para lang may
mai-suggest.

Puwede kayang
idaing ang anchovies? Bakit kaya ang tuyo, di na puwedeng
idaing? Di ba puwedeng magdaing ng gulaman? Basa ka naman ng basa,
lekat ka… kahit walang kuwentang mga sulat, binabasa mo, eh!

May quiz
sa Wednesday tungkol sa tamang paghiwa ng bangus at
pagtatanggal ng tinik… Noted! Assignment: magbigay ng iba
pang pamamaraan ng pagpe-preserve ng isda… Noted! Si
ma’am may kakapalan ang mga balahibo sa binti… Noted! At
nahilo ako sa dami ng kumpas ni ma’am… Noted!

Wait a minute…

Hindi ko
natatandaang gumawa ako ng assignment para sa klase ni Mr.
Benitez noong Sabado at Linggo. Ni hindi ko nga alam na may
assignment dahil… umuwi ako ng maaga noong Biyernes!
Paanong nangyari’ng nagkaroon ako ng assignment? Ugali ko na
ang mag-take down ng notes kaya sure ako na
hindi ako gumawa ng assignment para sa klase niya. Well,
oo, nabasa ko na ang tungkol sa 7 wonders noong bata pa
ako kaya madali na para sa akin mag-recite pero…

Matingnan nga
ang notes ko ulit…

Kinuha ko sa
bag at binuklat ang notes. Nagkamot ako ng ulo, siguro
binubungang-araw na ako sa tindi ng init sa Pilipinas kong mahal.
Nakaamoy ako ng mahinhing utot. Put a li’l mohr, sino kaya
iyon? Mahiyain ang utot… siguro si Lizbeth, mahiyain iyon, eh.

Sulat ni
diwata ang mga questions ng assignment. Naiwan ko nga
pala mga gamit ko nang umuwi ako. Sabagay, sabi pa nga niya, feel
niyang i-carry around ang bag ko, eh. Feeling niya
talaga, girl siya. Hi-hi-hi.

Pero sino’ng
nagsulat ng mga sagot? Hindi ko sulat ito, ‘noh! Kaya pala sablay
ang mga pinagsasagot ni Carlo kanina. Eh parang balak lang
mag-drowing netong nakialam dito, tapos, siguro naumay sa mga
papuso-puso at mga sulat-sulat na “Sir Benitez # 1 ka sa puso ko,”
“Paolo at Malasa – Magiging Isa,” “Malasa Itez,”
“Ma-Ni-Co-Itez,” (shortcuts ng Maria Nicolasa Coles
Benitez) at kung anu-ano pang kababawan sa buhay sa bawat pages
kaya instead, pinagsasagut-sagutan na lang mga questions..

Sinez kaya
siya? At bakez super helping hand?

Pasalamat na
nga lang akoh! Gagamitin ko na naman ang utak ko kapag nag-isip-isip
pa ako. Kailangan ko pang mag-analyze kung saan kailangan kong
gamitin ang left hemisphere ng aking brain at saka
siyempre kailangang ko rin ng intuition na nasa sa right
hemisphere
naman. Di baleh na lang. Kapagod anoh! Whoever
you are, thanks for your doodles!

I don’t
know if it’s just me,
pero nalalaswaan ako sa word na
doodles. Tunog noodles, eh…. tapos ang
noodles, kulut-kulot na parang pubic hair… ang pubic
hair,
kung saan-saan tumutubo. Naiintindihan mo ba akoh, ha?

Makapagdaing
na nga lang ng bangus bukas. Hmmm…application of knowledge.
Masubukan nga! Noted!

Malasa Chapter 5

Thursday, March 16th, 2006

IKALIBANG JUGTO

Ilong
may bara-bara version ng Ikalimang Yugto

Lungkot na
lungkot ako. Absent si Ma’am Gomez! Di raw makalakad at
naimpeksiyon iyong hinlalaki ng paa niyang may in-grown.
Ansarap tuloy maglulunok na lang ng laway para may mapaglibangan.

Boring ang
buhay kapag wala ka Gng. Gomez… saan pa ako makakukuha ng mga
malulutong na pang-alipusta sa kapwa ko nilalang? Ikaw lang naman ang
may kakayahang lumait ng sangkatauhan and they still feel good
about it!
Wala kang kaparis!

-ooOoo-

Nagdadalamhati
pa ako… pwedeng maya-maya na lang ng kaunti ako magpapatuloy?
Nawala ako sa mood, eh.

-ooOoo-

Ineng!”
dinig kong tawag ni mariposa…

Carlo! Ano’ng atin?”

Nakalimutan
kong sabihin sa iyo,” eksayted si fyutah, “may kontes dun sa
baranggay Hala-Hala. Ju-moin ako. Nood ka, ha? Suportahan mo naman
akoh… Ipakita mong proud ka sa akin!”

Nangulubot ang noo ko. Ano’ng
kontes?

Ano namang
napasok sa kukote mo? Hindi ka na lang nakuntentong mukha kang lalaki
diyan… kailangang ipagladlaran mo pa ang pagiging butterfly mo!
Kamaton-maton mong kumilos, sasali ka sa Ms. Gay!”

Gagah,
hindi Ms. Gay na kontes. Singing kontes!!!” eksayted
pa rin. Tumatangu-tango pa. Parang lasing! Ilang gramo kaya tineyk
neto?

Wait…
uhm…
Hindi ko maintindihan… ikaw? ‘kamo? sasali? Singing
contest
ba kamo? Ba’t di na lang natin pasalihin Kuya ko at
bayaan nating hakutin niya ang lahat ng kahihiyan! Di ka rin minsan
na-iisip eh.”

Tseh!
Insecure ka kasi, di ka marunong kumantah!”

Ano namang kakantahin mo?”

Turn
Around, Bright Eyes!
” anito, may glow pa ang mga mata!

Aywan ko na
lang! Sawa na ako sa kasasabi sa lekat na ito eh. Ipagpaubaya ko na
lang kay Bathala ang hopeless case na ‘toh!

Sumasali ka ba para manalo, o
para lang magpapansin?” tanong ko, nakasimangot – iyung uri ng
simangot na hindi maintindihan kung masaya, malungkot, maligalig o
naiinitan lang sa sikat ng araw.

Ano fa, e
di para mag-win! Wala ka ring bilib sa akin, eh! Wait ‘til
you hear me sing…
” sagot naman ng diwata. Naka-smile
iyung tipo ng smile na alanganing masaya, malungkot, maligalig
o nagnanais lang umebak.

Narinig ko
na. Matagal na. At kung nakasali ka, mas may karapatang sumali sa iyo
ang Nanay ko ‘no. Ang nanay ko, magaling mag-rap! Wagi siya
kay Eminem… lalo kung puno ng pagmumura ang pinagsasasabi, hindi
nabubulol ang Nanay ko! Walang kasabit-sabit… kahit paos, go!
Kahit nga noong tinadtad ng singaw ang mga gilagid niya, halah sige
pa rin… yawyaw lekat, yawyaw. Kandadugo na nga bibig niya, pero
naisalba niya ang bawat titik ng kaniyang mga sinasabeh,” halos
na-in trance na naman ako sa mga pinagsasasabi ko. Nakatingin
pa ako sa mga ulap habang nagsasalita, keri mo?

Ano ba?
Susuportahan mo ba ako, o hindi? Para ka namang hindi friend, eh!
Mas marami pa akong lait na narinig kaysa constructive criticisms
sa iyo, eh,” tila naghihinampo na si Carlo.

Dangan kasi’t
narinig ko na itong kumanta noong Christmas party, hindi man
ako na-amaze. Kahit sana natuwa man lang. Pangkaraniwan
lang ang boses, andami pang sabit.

Napakahilig
bumiret! Hindi naman pambirit iyong kinakanta… babanatan ng birit
iyong portion na “Pa-ra-pa-pam-pam, ra-pa-pam-pam,
ra-pa-pam-pam…” May mga kulot-kulot pa. Sarap paluin sa ulo.

Maiintindihan
ko pa sana iyong mga papiyok-piyok niya kung O Holy Night ang
kinanta niya. Simpleng Little Drummer Boy lang naman, ginawa
pang masalimuot ang buhay niya. Nahpahkahrahmihng kuhloht!
Samantalang, kahit yata mga biik ng kapitbahay namin, makakanta iyon
ng di na kailangan pang nasisintunado, eh.

Kailan ba iyang kontes na
iyan?” tanong ko, para lang may masabeh.

Tonight…
first time
ko ito kaya don’t expect so much from me, ha?”

Nagpasubali
pa ang lintek. Para namang hindi ko ini-expect na Luz Valdez ang drama niya sa kontes na iyon. Sarap itatwang kaibigan mo, eh!
Damay ka sa kahihiyan niyang lekat siya!

Sigurado
kang kailangan mo pa ang presence ko doon? Don’t take it
personally
, kaya lang, hindi rin naman pangkontes ang boses moh.
Not suitable for general audience… Nanay mo lang yata
nakakaunawa sa nais mong iparating sa madla kapag kumakanta ka, eh!
Hindi pa handa ang mamamayan sa vision mo tungkol sa bagong
henerasyon ng pag-awit…”

Lekat at tinalikuran ako ng
nakamangot. “Hoy! Hindi pa ako tapos. Marami pa akong sasabihin!”
tawag ko pero di na ako nilingon, dumadambang lumayo.

Ano naman
kayang gusto niyang gawin koh? Magpanggap na giliw na giliw kahit na
nagrerebolusyon na ang loob-loob ko? Buti nga, narinig niya sa akin
first hand, hindi kung kani-kanino pa. Kung magagalit siya sa
katotohanan, bahala siya!

Makapagkuyakoy
na nga lang! Kaka-depress!

Napatitig
tuloy ako sa madamong kaluwangan ng school ground. Masarap pa
naman sanang magtatambling pampalipas-oras. Kaso nakapalda ako, eh.
Sabagay, may short naman ako pangloob at saka wala namang
nakakakita. Gusto ko lang marinig ulit mga tunog ng buto-buto ko. Ano
kayang routine ang gagawin ko? Mayroon pa akong 35 minutes.
Hah! Ang hirap naman mag-isip.

Sige na nga…
Okay.

Handspring
– cartwheel – handspring – handspring – cartwheel – back
handspring – back handspring – cartwheel – back handspring –
double backward somersault…
yami! Magandang routine
iyon, ah. Tapos ang pampinale, hahablutin ko ng puwersahan ang
lahat ng suot kong damit kasama underwear in just one full second
full frontal nudity with attitude! Iiiih-nahm!

Luminga-linga
muna ako at nang makita kong walang masyadong tao ay sinimulan kong
i-memorize ang routine ko. Shempre, dinisregard ko na
iyong pinale. Para lang kay Patrick iyon, hi-hi-hi! Anglandi ko
talaga.

Ready… get set… go!

Handspring – cartwheel –
handspring – handspring – cartwheel – back handspring – back
handspring – cartwheel – back handspring – double backward
somersault!

Masusuka yata
ako… Kandahilo ako na para bang nakasinghot ng chloroform. Turn
around, bright eyes!
ang paligid ko. Ano ba’ng pumasok sa
kukote ko’t bigla na lang akong nagtatambling? Nabanat na naman ang
tiyan ko. Hindi muna kasi mag-warm up bago gumawa ng mga
acrobatic stunts.

Hindi ko pa
nagustuhan iyong last na cartwheel ko. Medyo tabingi.
Kasi naman, magtatambling ba ng naka-takong! Feeling ko? Ako
si Cynthia Luster?

Klap! Klap! Klap! Klap! Klap!

Ano namang dramang
papalapalakpak na iyon?

Shet, si Patrick…

Sa
dinami-dami naman ng pagkakataon na aabutan niya ako sa school,
bakit ngayon pang wala akong ka-poise-poise?! O tadhanang
malupet, wa-hay?

Wait,
ba’t nasa loob ng school? At ano namang bisnes niya rito?

Ano’ng… ginagawa mo
rito?” nagtataka kong tanong, habang papalapit sa kaniya. Pinipilit
kong idiretso ang lakad ko, pero kusang nagkukrus ang mga paa ko…
lekat, nahihilo pa ako. Nasaan ba talaga siya, iyong nasa kanan o
iyong nasa kaliwa? May kakambal ba siya?

Hinawi ko tuloy ang buhok ko at
huminga ng malalim. Saka ako bumuga ng mababaw. Pagtingin ko muli sa
kaniya ay tila nagsasanib na unti-unti ang dalawa niyang katawan!

He-he-he!
Wa-haw! Nakangiti pa sa akin, talagang proud na proud siya
sa mga ngipin niyang binabad sa liquid fluoride. May alam pa
siyang pamu-pamulsa. Ang guwapo talaga niya. Para tuloy nalimutan ko
ang pangalan ko. Sino na nga uli akoh?

Ang g’leng
naman. Itlet ka?” tanong ni fogi.

Diretso pala
magsalita, may mga kaunting humps nga lang dahil sa punto
niya, pero keri na.

Pero ano daw?  Hindi ko
naintindihan iyong tanong… Napapahiwi pa tuloy ang ulo ko pakanan,
bumibigat ang utak ko sa kaniya… anong pinagtatatanong neto? Ano’ng
itlet?

Kita niya
siguro ang malaking question mark sa mukha ko, “Itlet bah,
mga nagsaleh sa mga gims na magpatambol-tambol, mga krubatek nga
magpasehrku-sehrku.”

Eh kung tsanein ko kaya mga
kuyukot mo diyan? Hindi kita maintindihan, lekat ka! Tambol?
Krubatek? Sehrku?

Makatango na
nga lang sabay smile na kunwari naintindihan ko siya!

Isip-isip ko, “Sarap mo lang
tingnan, pero kapag bumuka na ang bibig mo – lahat ng pangarap ko’y
biglang naglalaho!”

Nakahelo din iyang tambling
ano? Pag de ka sanay bah…” tanong ulet ni Patrick…

Tango na lang ulet. Kailangan ko
munang magpainin. Hindi pa ako handa sa mga pinagsasabi nito. Sige,
lahat ng sasabihin mo, tatanguan ko na lang.

Ang ganda
pala ng mata niya lalo kapag ganitong sikat na sikat ang araw. Kulay
mahinhing asul pa naman ang suot niyang T-shirt na todo sa
pagpapatingkad ng kulay ng mga mata niya. Sarap higupin, saka ko
isasalaksak sa eye sockets koh. Ang linis ng mukha niya,
minu-minuto siguro ito maghilamos. Gusto ko tuloy dumila! Sarap
tikman… ng dala niyang cake. Bakit naman may dala pang cake
dito sa school? Napatingin tuloy ako doon.

Ay, u nga
pala, kini na kadtung kek nga pinramis ko nimo. Gostu ka pa?”

Pinramis?
Hala, tango ulet! Sige banat lang ng tango. Maski na anong sabihin,
tango. Lekat… nagtatanong ba ito sa akin o may sinasabi lang?

Hay Patrick…
kung lahat ng Ilonggo, kasing-guwapo mo, sarap sigurong manirahan sa
inyo. Libre sight-seeing… pero kailangang mag-maintain ng
distance para di madismaya sa accent. Ang sarap
maghubad sa harap niya… ng pulseras. Kinakati ang kamay ko sa
pawis. Allergic kasi ako sa 21K na gold (oo na… oo
na… fake na kung fake. Dami niyong satsat!)

O… bakit
inaabot niya sa akin iyong cake? Ano ba’ng sinabi ko?

O… bakit
inaabot ko naman iyong cake? Ano ba’ng sinabi niya?

Sige,
magponta lang ako sa opis. Magdalaw lang ko sa tiyu ko. Sarap
iyang kek, obosin mo ha?”

Wa-hat?
Napapatingin tuloy ako sa dila niyang tila kumikiwal-kiwal… Hay
Fafa… Makatango na nga lang ulet! Halah, sabi sa iyo, maski na
ano’ng sabihin mo… basta ikaw, Patrick… wala akong ibang
gagawin kungdi tumango ng tumango.

O… bakit mo ako tinalikuran?
May sinabi ba akong masama?

O… bakit lilingun-lingon ka?
Lalaban ka?

O… bakit
naman tinitingnan ko lang itong cake? Ano pa’ng hinihintay
ko? Lamunan nah… yehey!

Ganda palang
magtatambling ng ganitong araw. Nakita ko na si fogi, may libre pang
cake. Gulaman na lang ang kulang… Speaking of which,
nasan na ba si kulantrong diwata? Ay oo nga pala, nagtatampo
dahil napagsabihan. Ayaw nasasabihan ang lintek. Makabalik na nga sa
puwesto ko kanina.

Pero bago ang
lahat, ilapag muna itong cake sa damuhan, saka isa pa uling –
handspring – cartwheel – handspring – handspring –
cartwheel – back handspring – back handspring – cartwheel –
back handspring – double backward somersault!

Shet,
nasusuka na talaga akoh. Ano ba Malasa, wala ka talagang kadala-dala!
Di bale, may cake naman akoh! Saka at least, dumiretso
sa wakas ang huli kong cartwheel!

Malasa Chapter 4

Thursday, March 16th, 2006

IKAAMAT NA MUGTO

Ikaapat na Yugto, ayon sa
pagkakabigkas ng kapitbahay naming ngongo

Minsan, natutulala na lang ako
sa mga pangyayari sa mundo. Minsan, tinatanong ko ang sarili ko:
Bakit may sari-saring mga lengguwahe sa iba’t ibang lugar? Bakit
may kahirapan sa buhay, gayung mayroon namang kayamanan? Bakit
kailangang may muta tayo paggising? At higit sa lahat, bakit
kailangang may kulangot, tutuli at libag?

Are you
ready for your report, Ms. Coles, Ms. Perez?

Si Ma’am
Concia naman, nakaka-ansiya. Hindi ba niya napapansing mahalaga ang
mga iniisip ko na naghahanap ng kasagutan? May dala-dala pang
cassette … Mukhang may balak mag-sing-along. Kakanta
ka ma’am?

Yes,
ma’am
,” sagot naman agad itong si bakulaw. Mangani-ngani kong
dagukan. Siguraduhin lang niya na talagang redi na siya dahil kung
hindi… teka… nasaan ba iyong packing tape ko? Madala ko
nga sa harap para pag lumalabis na ang pagkumpas nitong si binalake,
gapos agad!

Binalaaan ko na siya pagpasok pa
lang na kung puwede’y bawas-bawasan ang pagkumpas dahil hindi ako
natutuwa. Pinagtaasan ako ng kilay. Ang sarap saktan. Ahitin ko mga
buhok-buhok nito maya-maya, kita niya.

-ooOoo-

Kung makabasa
itong si Tonya, akala mo talagang may participation siya sa
report namin! Inako lahat! Ayaw mag-share…
Basa-lekat-basa! Payoneta!

Kamuntikan ko
na talagang igapos. Tawa na ng tawa ang mga kaklase namin, hindi pa
rin makahalata na pinagtatawanan na siya sa napakaraming kumpas niya.
Sarap i-wrist lock.

-ooOoo-

Ms.
Perez, what can you say about the terrorism in the Philippines?

Tanong iyon
ni Ms. Concia. Ano nama’ng tingin niya kay Tonya, beauty queen?
Kung bakit naman kasi ang topic namin eh tungkol sa
terorismo in general. I-terrorize ko kaya itong mga
ito!

Terrorism
in the Philippines… I say… uhm… it’s actually,
ano…
uhm… it’s like parang… medyo difficult to make
comments
kaseh… uhm…

Ms.
Perez, our class is supposed to be English… So I would really
appreciate it if you keep yourself speaking in just one language.

May katarayan
din itong si Ms. Concia. Sabagay, kahit naman siguro ako ang naging
titser, hindi ko tatantanan itong si bakulaw. Sana, saniban ulit ako
ni Princess Di, and this time, sana samahan siya ni Hitler
para malaman ko ang point of view niya tungkol sa terrorism.

Walang
tumatawa. Seryoso lahat. Paano, hindi rin nila maintindihan kung
bakit hindi kami naka-bikini habang tinatanong ng pam-pageant
na tanong. Feel ko pa namang rumampa na suot ang panty
ng nanay kong burdado ng mga flowers na may ruffles-ruffles.

Ms.
Coles…
” Nag-clog yata bigla ang mga arteries ko!
Kakagulat naman si ma’am. Hindi pa nga nakakasagot si Tonya, eh,
babanatan agad ako.

Yes,
ma’am…”
sagot ko. Kung bakit napatingin pa ako sa mukha ni
Charisse. Nanggigil tuloy ako bigla.

According
to your report, which is, I have to admit, very well-written…
‘terrorism is a malady…a disease that afflicts everyone -  young
and old, the rich and the poor.’ Ms. Coles, could you please
enlighten me and clear my doubts that you and Ms. Perez were the ones
who’ve written this report by answering this question… if you
think terrorism is a disease, can it be cured?

Gusto kong
tumambling sa tanong ni ma’am! Kamukha ko ba si Sushmita Sen o si
Dayanara Torres… gusto ko tuloy siyang sagutin ng, “high tide
or low tide.
” Pinaghihinalaan pa kaming hindi kami ang gumawa
ng report namin! Wala sa ayos! Bukas, makabili nga ng Domex,
maialay kay ma’am, sabay litanyang, “ma’am o, pakilagok lang
para alis ang tamang-duda…”

No…”
sagot ko, tumataginting pero blangko ang expression. Yes
and no
lang naman ang dapat isagot doon, eh, kaya ang pinili ko
iyong pinakamaiksi. Kapag yes kasi, three letters pa,
ang no, dalawa lang… sa no na ako.

10 secs… 20 secs… 1 min…

Ano pa’ng
hinihintay mo ma’am? Wala na! Iyon lang ang sagot ko. Kung inaakala
mong daragdagan ko pa iyon, nagkakamali ka. Iyon lang ang sagot na
kailangan mo, iyon lang ang ibibigay ko sa iyoh! Besides, wala
na akong alam na idagdag, eh. Nag-iisip nga ako kung tama ba’ng
isinagot ko o mali.

Who
among the class disagrees with Ms. Coles?
finally ay
tanong ni ma’am nang ma-realize niyang close-ended ang
tanong niya sa akin. Tumayo pa para maghanap ng magtataas ng kamay.

Wala po sana…
wala po sana… wala po sana… ay shet!

Punyemes, nagtaas-taas ng kamay
si Charisse. Pasikat ang hidhid! At yak, bakit parang may buhok siya
sa kili-kili? Tsane! Kailangan ko ng tsane!!!

Ms.
Malupig…
 tawag nito kay pinya na excited pang
tumayo, “please state your case…

Nadinig kong
bumulong si Tonya, “Why you make sagot ng no. You should
have
sagot, yes. You’re kaka talaga.”

Eh, sa iyon ang unang pumasok
sa isip ko, eh. Kasalanan ko ba iyon? Ikaw nga diyan, hindi ka
makasagut-sagot sa mga tanong niya… tasahin ko kayang tutuli mo?”
gagad kong sagot.

I agree
that, you know, uhm… well… about Ms. Coles, uhm… saying that…
uhm… terrorism is like a disease. But, uhm, I don’t agree that,
uhm… it’s … uhm… it can not be cured…
kasi… uhm
sorry… uhm… because… uhm well uhm… through proper education,
uhm… and goodwill among men… well… uhm… we can achieve world
peace. Thank you.”

Nakakailang
uhm ka kaya sa isang araw? Ito talagang si Charisse… gusto
yatang maging beauty titlist ng gagah! Goodwill? World
peace?
May pahabol pang thank you! Mahubad nga
itong sandals ko at tatakungin ko lang sa noo!

Teka …
World Peace Turon Stand… hindi masamang pangalan ng bisnes!

What
can you say, Ms. Coles?”
tingin sa akin si Ma’am Concio. Type
na type ko talaga itong mag-pronounce ng apelyido
ko. Talaga naman ang tawag sa akin, Mez Kowlz! Am-girl ba akoh?
Koh-les!!! Kowlz ka diyan! Wala naman akong lahing banyaga, Kowlz!

Pormal lang
si Ms. Concio. Parang di man siya na-impress sa sinabi ni
pinya. Kinati pa nga yata esophagus niya.

In as
much as I want to agree with her, I can’t…
Lord,
tulungan niyo po ako, dalangin ko lang po, kayo na lang po mag-supply
ng mga sasabihin ko… Please po Lord. 

Saying
yes to that question is like dreaming to go beyond the universe.
Positive… but it’s a very long, tiring run. People tend to think
positively about negative situations. But no matter how big the
efforts contributed to find solutions to this problem, it wouldn’t
end. Why? Well, because we can’t.”

Parang gusto
kong suminga sa pinagsasabi koh! Para lang makasagot, halah, siging
yawyaw! Hindi ko nga alam kung kunektado ba sa isip ko bibig ko eh.
Parang hindi, eh. Basta lang makabuka, ayos na! Mas naririnig ko pa
iyong paglunok ko ng laway, at mga gasgas-gasgas sa lalamunan ko,
kaysa sa mga pinagsasasabi ko, eh! Hmph! Makapag-continue na
nga!

Terrorism didn’t just
start now. Reading through the annals of history, even from the very
pages of the bible, terrorism started from way back. People have
already died, and will continue to die because of man’s greed; lust
for power; desire for wealth; thirst for vengeance… these things
are in the very core of human beings’ nature. And because of this
nature, we cannot deny the fact that wherever there are people, there
is oppression… there is competition. And when people can’t find
ways to overrule those who are on top of them, or find solutions to
get what they want, they resort to terrorism.”

Bah, may kumukunut-kunot pa ang
noo! Ke tama, ke hindi ang pinagsasasabi ko, wala kayong lahat
pakialam! Mga letse kayo! Akala niyo matitigatig ako sa mga
pinagsasabi ko kapag nagpakita kayo ng pagkadisgusto? Eh kung igapos
ko kaya kayong lahat, hah!

Pero di naman ako galit…
Madamay nga itong si pinya!

Ms. Malupig said that
through proper education, world peace is achieavable. I agree to some
point, but people’s minds are different. I see education as a
stepping stone to reach what I want to reach, but what is it that I
want to reach? People have different plans in their lives; people
have different agenda. And no matter what we say or do, in a count of
100 sheep, there would always be one who would turn out to be black.”

Kawawa naman
ang mga tupa, pati sila nadamay sa litanya. Hey, alam niyo ba
iyong mga tupa, kapag nakaramdam na papatayin sila, lumuluha? Kaya
naniniwala akong may damdamin din ang mga hayop, eh.

At ikaw,
pinya, kungdi dahil sa iyo, hindi ako magsasalita ng napakarameh!
Andami mo kasing satsat, hindi mo naman bertdey. Pag nag-report
ka, mag-agree ka o mag-disagree ka sa sarili mong
report, go ahead. Nangingialam ka na, eh. Sobra ka na
Charisse!

Those people in the slum
area, do you think they even care on what’s happening in our
country or the rest of the world? They’re too pre-occupied with
their own problems to even show interest.”

Iyan! Pati tuloy mga inosenteng
tao nadamay sa kawalanghiyaan mo Charisse! Hindi ko alam kung bakit
kailangang idamay ko ang mga tao sa mga sinasabi ko. Hindi ko nga
alam kung anu-ano’ng mga kune-kuneksiyon ng mga pinagsasabi koh. Si
ma’am, ayaw akong awatin!

Ma’am,
ano’ng time ka ba kakanta at ng itigil ko na itong yawyaw
koh?

During the Spanish
occupation, who were the ones terrorizing us to submit to the King of
Spain? They’re educated men!

During the Martial Law in
the Philippines, who controlled the rest of the country, and in the
process, terrorized the mass? An educated man!

People that build weapons
of destruction… these are not dumb people. They are educated, and
very well educated for that matter. But why did they resort to this?”

Damay-damay
na ito! Sigih, ibanat na natin lahat-lahat! Si ma’am kasi, ayaw
pang simulan iyong intermission number niya. Ayaw ko na tuloy
magpapigil. Dami ko pa dapat idamay, eh!

Para tuloy
natutuyot na lalamunan ko. Nakakauhaw pala ang salita ng salita!
Nakaka-discourage maging titser… Babayaran ka ng kakarampot,
hindi ka man bigyan ng extra pang-mineral water man
lang! Bah, di biro itong litanya ka ng litanya dito sa harap, ah!
Nakakasira ng pharynx kasi laging nagagasgas.

Like earthquakes,
typhoons, tsunamis, avalanches, flood, other sorts of calamities,
terrorism is an act of God… He uses human beings to go against
other human beings because people have long forgotten Him… people
started not to care. God is infuriated because of man’s negligence
of their duties to Him. They forgotten Him and started to worship a
different kind of God… themselves!

As long as there are
people out there who worship the wrong God, who believe that no God
ever exists, or who believe that they themselves are God…
terrorism, like any other calamity, will reach no end. And this is
what I see as reality.”

Sa totoo
lang, ang tanging natatandaan ko sa lahat ng mga pinagsasabi ko ay
ang words na God at reality. Hindi ko na alam
kung saan ko hinugot iyong ibang mga salitang lumalabas sa bibig ko,
and I swear, nahihintakutan na ako. Nakapangingilabot ang
eksena… dahil ampapangit ng hitsura ng mga nasa harap ko! May
nakanganga pah. Eh kung pagsasalaksakan ko kaya ng papel ang mga
bunganga niyo, hah!

And worst…
Pati yata si ma’am, natigagal. Naka-pout. Model ka
ma’am? Hindi ko na yata gusto ang mga nangyayari. Mukhang
nagkakatotoo na yata iyong pa-possess-possess na drama ko
sa sarili ko, ah. Oh, Lord, huwag naman po sana…… Pero
kung si Princess Di po iyon, okay lang po ulet… feeling ko
tuloy, isa akong royalty! Tabeh kayong lahat diyan… Tabeh!

Thank you,
Lord
.

Napatingin
ako kay Carlo, na mukhang siya lang ang natutuwa at nagsimulang
pumalakpak… nakisabay-sabay naman si Ma’am… tapos,
nagpalakpakan na rin the rest of the class. Bakit naman kaya
sila pumapalakpak? Kumanta ba ako? Nag-perform ba ako ng dance
number
? Hindi naman sana ako nagpakita ng mga kagila-gilalas kong
mga action stunts?

Itong mga
ito, basta makapag-applause lang, hala sige, gawen! Ano naman
kayang kahanga-hanga sa pinagyayayawyaw ko? Sana lang ano, dahil
nabanggit ko si God, mag-change na sila ng way of
life
at hindi na kung anu-anong mga kabulastugan ang ginagawa sa
buhay!

Makapagsuklay nga dito sa harap.

O,
titingin-tingin ka diyan bakulaw! Gusto mong samain, ha? Lintek ka,
kaya andami kong sinabeh dahil sa iyo, eh. I-packing tape ko
bunganga mo diyan, gusto moh!? Tseh!

Aaaangh…
aaannnnnnggggghhhhhh… aaannnggghhhh… aaaangghh.”

-ooOoo-

Kaya pala
super takong ka ngayon, talagang gusto mong magpaka-Gloria
Diaz! Ineng, nanginig ang Pringles ko sa iyo kanina… Hindi
ako makapaniwalang makakapag-monologue ka ng ganoon kahaba!
Ilang araw mong minemorize iyong pinagsasabi mo? Pati tuloy si ma’am,
naturete. Todo-applause ang buong kalse sa iyo kanina! Sana
ako rin, pag na-schedule mag-report, ganoon din ang
applause na marinig ko… Kahit ano gagawin ko, basta
mapantayan ko man lang ang pagka-daring ng sagot mo!”

Minsan itong si Carlo, ang laman
ng bibig puros inggit! Bakit kaya di siya mamuhay ng sarili niyang
buhay? Iyon bang pagkaduhapang niya sa gulaman, kinainggitan koh?
Hindi ako nagagalit… nag-iisip lang.

Marami pang
pinagsasabi itong si Carlo pero di ko na inintindi. Hindi ko kasi
alam kung paano magre-react, kung matutuwa ba ako, o magiging
proud. Matuwa na nga lang ako! Ngumisi ako kay Carlo at
hinampas ako sa balikat. Silent laugh! Masukat nga ang
bunganga. Bah! Puwede palang gawing locker.
Kasya buong bag ko, kasama binder.

Kung bakit naman biglang sumagi
sa isip ko si Patrick…

Mabagsik na
bulong ng angel ko, “Ano ba, Malasa? Kinse anyos ka pa lang,
ang pangarap mo kaagad, boyfriend. Diyan nagsisimula ang mga
kalandiang ganyan ang mga early motherhood, single parenthood…
hanggang magkahila-hilahood! Itigil mo na iyang
pagkahaliparot mo! Kaya nagkakandaletse-letse ang araw-araw mong
pamumuhay dahil sa kakirian mo, eh!”

Depensa naman
ng devil ko, mahinahon, “Hindi naman siguro ganoon katanga
si Maria. Alam niya kung ilang taon na siya. And FYI, hindi
naman siya lumalandi… type lang niya si Patrick, pero di
naman ibig sabihin noon, kiri na ang alaga natin. Napaka-advance
naman ng utak moh… bago ang lahat ng mga hood na iyan,
premarital sex munah! Masyado pang maaga para kay Malasa ang
ganyang topic… wala pa nga siyang boyfriend, eh.

May punto
naman ang devil ko.

Hoy demonyo
ka, lubayan mo ako! Hindi porke umayon sa gusto ko iyang pinagsasabi
mo, kakampihan na kita! May pa-reverse-reverse psychology ka
pang nalalaman diyan. Kung di ko pa alam, iyan ang way mo para
ipasok sa kukote ko ang boyfriend at ang premarital sex.
Pagbuhulin ko sungay mo, eh.

Napatungo
tuloy ang devil ko, maluha-luha. Napahiya, eh. Parang nakita
ko pa sa guni-guni kong lulugo-lugong lumakad ito palayo bago
nag-exit sa pamamagitan ng isang “Pop!”

Maria,” dinig kong tawag ni
Mr. Benitez.

Kakapasok
lang namin sa klase ni Mr. Benitez, pero, wa-hay naman? Parang di
yata ako tuliro ngayon? At parang di na yata ako eksayted. Nawala na
ba ang magic spell ni Mr. Benitez sa akin? Abah… Wait a
minute, wait a minute
. Kras ko siya nang matagal na panahon, well
until
noong Biyernes, pero bakit biglang nawala? Unfair ito
kay Mr. Benitez! Hindi ko man lang siya napasubalian na crush
ko siya tapos bigla na lang hindi na pala.

O, kuntel, natawag kah?

Yes,
sir?”
sagot ko.

Pilit kong
kinakapa ang damdamin ko, pero wala na talagah, eh. Ambilis naman.
Parang whirlwind na walang romance.

Kumusta na pakiramdam mo?
Okay ka na ba?” tanong nito sa akin.

Tseh! Sisigaw-sigaw ka noong
Biyernes sa akin, tapos ngayon, kukumu-kumusta kah? Tigilan mo nga
ako niyang kaplastikan moh, hindi ako natutuwa.

Ayos, kuntel!
Never better! Ikaw kumusta na kuntil mo? Mukhang lumalaki ah!
Bat di mo patanggal?

Parang sarap
dyuminggel ditoh! Sweet sensation! Oh, yes!

Okay na
sir, binigyan ako ng gamot nung nurse sa clinic,” ika
ko.

Ibinigay
nga ang excuse slip mo. I’m sorry medyo nasigawan
kita.”

Uy nag-sorry.
Mapatawad na nga. Kawawa naman eh. At saka, wala naman talaga
siyang kasalanan sa akin, anoh! Pero bago ang lahat, sabihan ko kaya
ito ng, “ser, hindi niyo ba ikinokonsider mag-vitamins?
Humuhumpak na fez niyo. Taggutom ba?” 

Pero di na
rin dapat. I’ll rest my case na nga.

No
problem, sir…

Anang angel
ko, “Eh talaga namang walang problema, tungak! Dahil talagang wala
kang sakit.” Nakakapagduda rin itong angel ko, minsan, eh.
Parang walang kabanalang lumalabas sa bibig kahit maganda ang
intensiyon!

Ngayon ko
lang na-realize na medyo lubog pala ang mga mata ni sir.
At kaya pala tabingi’ng salamin niya’y mas makapal ang kaliwa
kaysa kanan.

Teka, mukha
yatang repeat performance ang medyas ni Sir Benitez? Iyon din
ang medyas niya noong Friday if I’m not mistaken. ‘Koh
sir, baka mangamoy ka diyan, hoy! Wala ka ring takot minsan, eh.

-ooOoo-

Si Paulino,
ngayon ko lang napansing bumait three years matapos ko siyang
binugbog. Para kasing hindi naman siya nag-e-exist. Walang
excitement ang buhay. Kahit na ano’ng extra-curricular di
sinalihan. Parang gusto ko tuloy ma-depress for five minutes para
sa kaniya. 

O, bagong gupit pa! Kitang-kita
tuloy ang konyat sa anit.

-ooOoo-

Malakeh
ipinayat ni Marko, hooray! Epekto siguro ng pagkaka-dislocate
ng mga buto-buto niya.

-ooOoo-

Lekat, si Carlo, may baong
gulaman sa loob ng klase? Pasimpleng humihigop. Ngingiti pa sa akin!
Putsa, kailan kaya siya magsasawa doon? Nginunguya pa kaya niya iyong
mga sago? Parang balewala lang sa kaniya, eh! Di man lang mabilaukan.
Sabagay, holen nga nilulunok niya, sago pah!

-ooOoo-

Ay oo nga
pala, anniv nina Tatay at Nanay! Ano kayang pedeng iregalo? Ay! Ala
rin naman pala akong pera. Regaluhan ko na lang ng tig-isang
perdible, iyong kulay gold. Iyon lang kasya sa badyet koh.

-ooOoo-

Ano kayang
article i-a-assign sa akin ni Mr. Punzalan, ang
hukluban naming adviser sa school organ? Uy, rhyming!
Punzalan, hukluban, school organ… sex organ! Ano ba iyan?!

-ooOoo-

Kuh,
sumasagot na naman si pinya. Mali-mali naman! Seven wonders of the
world
niya… abah… Leaning Tower of Pisa, Great Walls of
China,
Uhm…Aahh… Err… Ahmat saka Ay!

Tusukin ko kaya mata nito?!

O sige,
paisa-isa na lang! Arthur?” surrender na si ser. Nagtawag na
lang ng iba pang estudyante.

Eiffel
Tower?
” sagot ni Arthur. Natutuwa ako sa hitsura nitong
lalaking ito. Laging naka-pomada. Pati kilay, may pomada! Haahnep!

Come
on, guys! Assignment
niyo ito, kaya dapat, alam niyo… Lizbeth?”

Eksakto namang si Carlo’y
nangalabeht. Bakeht?

Neng, baka naman alam mo?
Nakakahiya kay ser. Baka tawagin ako,” pakiusap ni Diwata.

Hayan!
Kakagulaman mo iyan, pati utak mo unti-unti nang nagiging gulaman!
O…” sabay abot ng notebook ko sa kaniya, “shompalin ko
fez mo eh…” pahabol koh.

Tarantang
binuklat nito ang notebook saka kinopya ng mabilisan ang
assignment namin sa notebook niya. Kung makapag-madali,
todo-madali! Maintindihan pa kaya niya sinulat niya?

Nang maisoli
sa akin ang notebook, abah… super-taas ng kamay ang
bruha! Akala mo, alam na alam!

Yes, Carlo…” tawag ni
kuntil sa kaniya.

Ser, try
lang po… uhm… Greek Fyramids of Jiza?

Halah,
sablay! Ginawang Griyego ang mga Pyramids? Fyutah toh!

Very
good,
Carlo… sino pa?kumento naman ng titser na
mahina rin pala ang taynga. Tseh!

Great
Pyramids at Giza
,” asar kong bulong ko kay Carlo, “kokopya ka
na nga lang, mali pah…”

Keri na
iyon… may tutuli yata si ser kaya di masyado narinig, hi-hi-hi!”
malanding sagot pabulong ng diwatah. 

Maria Nicolasa,” bakit
parang malutong ang pagkakatawag sa pangalan koh? Tsitsaron ba akoh?

Kuwentuhan
kayo ng kuwentuhan niyang si Carlo. Can you share your stories
with us
? Makikinig kami…”

Mukhang galit, whatchamacallit.

Sir,
we’re just talking about the Great Pyramids at Giza, Hanging
Gardens of Babylon, Statue of Zeus at Olympia, Palace of Athena at
Halicarnassus, Temple of Diana at Ephesus, Colossus of Rhodes, and
Pharos of Alexandria.
Iyon pong Seven Wonders of the World.
Pinagdidiskusyunan lang po namin kung ano po ba talaga ang dapat
mauna… ”

Mabilis at
painosente ang sagot ko, bago muling binalingan ang namumulagat ang
matang si Carlo. Bakeht? Eh talaga namang iyon ang dini-diskas namin.
Itong si Carlo, basta makapag-react lang.

Ito kasing
diwatang ito, dinadamay ako sa kameslengan niya, eh. Iyan tuloy,
after 50 minutes na pagtatanong ni ser sa kung kani-kanino,
saka isang bagsakan ko lang ibinulagsak ang mga sagot. Sabagay, ayos
lang, pa-time na naman. Para di na siya magpa-quiz. Hilig
pa naman niyang magpa-quiz. Sarap tuloy magwiswis! Hmmnnn.

Eto namang si Charisse, mukhang
guyabano ang fyutah!

Aaangh…
aaannnnnngggghhhhhh… aaannnggghhhh… aaaangghh… igh!”

Nakakalumbay
naman! Palala na ng palala ang bell namin! Naghihingalo nah!
May final words na, eh! Buti nga nang mapalitan na.

Makapag-touch
up
nga muna habang break bago mag-Filipino! Uy, may
nade-develop na dimple sa kanang pisngi ko. Hmmm… ang
ganda ko talaga!

Sino na naman
kayang mapag-iinitan ng ulo ni Gng. Gomez? Idol ko iyon, eh!
Parang di titser kung umasta. Ang laman ng bokabularyo, lahat ng
klase ng pang-iinsulto sa kapuwa. Galing nitong magpapalit-palit ng
version ng isang uri lang ng degrading words.
Ginagawang mani ang magpasalit-salit ng lengguwahe kahit ang totoo’y
isang word lang ang sinasabi niya. Pati yata Afrikaans ng
salitang “bull’s shit,” alam niya eh. Bilib akoh!

Makapagmadali
na nga… Linsyak na high heels ito! Nakakapulikat ah.

Malasa Chapter 3

Thursday, March 16th, 2006

IKAPLOG LUGTO

Hungry
version
ng Ikatlong Yugto

Nagbe-belly
dancing
ako sa loob ng banyo sa saliw ng kantang May Isa na
namang Kumagat sa Alikabok,
ni Michael V. Isa ito sa mga birit
singers ng makabagong panahon na talaga namang buong puso kong
hinahangaan dahil sa pagka-poetic ng mga nililikhang songs.
Moved
na moved nga ako doon sa MTV niya noong kantang, may
chorus na “Pangit ka, baluga ako…” Relate na
relate ako. Ang galing ng pagkakahabi ng mga linya, parang
yari sa kapok.

Kulasa!”

Naman, eh!
Nag-ba-bonding pa kami Michael V. dito eh! Kung makatawag
naman itong si Kuya, akala mo, nadibdiban ni Tatay.

Yes,
browzer
(maarteng version ng “brother”)!”
sagot ko, ayaw ko pa ring itigil ang mga pa-bending-bending ko
in tune sa kanta habang papalabas ng banyo.

Nakita mo ba ang mga CD ko?”
dinig kong tanong niya sa labas ng pinto.

Nope,”
sagot ko, sabay back handspring nang hindi umaalis sa
posisyon.

Saan na kaya napunta’ng mga
iyon?” dinig kong tanong nito muli, pero mas malamang, para sa
kaniyang sarili.

Mangani-ngani
kong sagutin ng “Hay, nakoh! Itanong mo kay Captain Hook dahil
pare-pareho silang mga pirata!!! Nakakapag-init ka ng gilagid, tseh!”

Kaso, ayaw
kong mawala sa mood lalo’t malapit na ako portion ng
kanta na alam kong nababagay ang step na pinangalanan kong
“brotsa” kung saan walang ibang gagalaw kung di ang leeg ko –
pakaliwa’t kanan.

Natahimik…
lumayas na siguro. Dedma na nga lang ako. Hindi naman makabubuti sa
kagandahan ko ang sumimangot! Buti nga’t nagawa ko pang matapos ang
dance routine ko kahit medyo naapektuhan ang attitude ko
dahil sa istorbong si big browzer.

Harap ako sa
salamin, gandang-ganda sa sarili habang ineeksamin ko kung bagay ba
sa akin ang may bangs. Nag-shorts ako, at pag sinabi
kong shorts, lampas tuhod iyon dahil si Tatay, may
pagka-mapamahiin. Baka raw umulan pag nagsuot ako ng micro-mini
o ng fukki shorts dahil may pagkapaang-manok daw ako! Zeus!
Ala naman akong galis!!! Insecure din si Tatay minsan, eh.
Baka gusto magsuot ng mga ganun kaso di niya keri? Buti pa si Teri
Onor, keri.

Makababa na nga!

Nasa
kalagitnaan ako ng hagdan ng ako’y mapapatda. Who’s he? Sino
ang napakaguwapong lalaking iyon na kausap ni browzer dear?
Naglaway ako sa pangitaing nakikita ko. Totoo ba siya o bunga lang ng
hallucination? Baka naman epekto lang siguro ng belly
dancing.

Ay, shet, napatingin sa akin!
Nakitang nakatingin ako sa kaniyah!

What should I do?

Smile ba
ako? Huwag naman, baka sabihin niya, napaka-pamilyar ko naman agad
hindi ko naman siya kilala. Akalain pa niyang pokpokin ang beauty
koh!

What if,
titigan ko siya at saka ko kaswal na didilaan ang mga labi ko? Over
naman. Ano ba siya, kare-kareng malinamnam?

Makapagpanggap na nga lang na si
Kuya ang tinitingnan ko, at matawag na rin, “Kuya…”

Nahalak pa yata ako. May sabet!

O, Kulasa… ano problema
mo?”

Natigilan ako. Nag-isip-isip.
Ano nga ba’t tinawag-tawag ko si Kuya wala naman talaga akong
sasabihin sa kaniya? Wa-hay ko siya kinol? Wa-hay?!

Ayan, basta kakirian, lagi na
lang akong nawawala sa ayos.

N-nakita
mo na mga CD mo?” Payonetang pakiyeme! Pasalamat na lang talaga
ako’t kahit paano’y may katiting akong utak. Paano pa kapag
nawala na ito, saang carabao farm ako pupulutin?

Hindi nga,
eh… baka naman naitago mo lang. Hiniram ko lang kay Patrick iyong
isa doon, eh… iyong War of the Worlds na games.”

Patrick ba daw… Hmmm…
Patrick. Ang sarap naman ng pangalan. Lutong! Tunog-litson. Yami.
Parang sarap isawsaw sa sukang paombong!

O-oki lang, tsong, de naman
aku nagmadaleh, eh…” dinig kong ika ni fogi.

Ay! Kadismaya
naman! Anlakas ng accent, galing yata sa Visayas region.
Wish
ko lang may dala siyang tuba o kaya bahalina! Inuman na lang
kameh!

Pero talaga
naman ang boses, wa-haw! Sabakan mo ng tubig na maligamgam, yehs!!!
Tapos na’ng dinner, mommy!

Umupo ako sa sala at keme-kemeng
nanood ng TV habang sila nama’y nag-uusap pa rin sa pinto. Pero sa
gilid ng mga mata ko, pinagmamasdan ko si pogi.

Bandang huli, nairita na akoh…
Nangangawit na leeg ko kasi di ko alam kung paanong anggulo ang
gagawin ko para mapagkamalan akong nanonood ng TV habang tinitingnan
ko si fogi. Sarap pagsisigawan, eh! Ayaw umayos!

Ano ka ba
naman Kuya, wala ka talagang ka-hospi-hospitality sa katawan.
Papasukin mo naman ang bisita mo. Hindi naman siya kolektor ng
kuryente, diyan kayo sa pinto nag-uusap…” angil ko… mabangis.

Sus!
Pagkadalahira ko talaga, minsan di ko rin mapigilan, eh. Tuloy, sa
pagnanais kong mapapasok si fafa, nginginig-nginig pa ang kuwan ko…
fingers, sa pagpindot ng channels kahit na anong drama
kong padedma sa kanila.

Ay, sori ‘tol, oo nga pala.
Pasok ka muna, subukan kong hanapin sa itaas.”

Sa isip-isip
ko, “Oo nga pasok ka, Patrick. Taga-saan ka? Ano’ng apelyido mo?
Ano’ng mas type mo ham o bacon? Coke in can
o Coke in bottle? Puti ba brief mo? Ayoko ng colored!
Kasi, pulos colored ang mga brief nilalabhan ko.
Nakakasawa na! Lalo na iyong mga may design pa – checkered,
stripes, polka dots…
Yak! Para nga naman kahit tatlong araw
isuot, hindi halata! Puwede pa ibaligtad for another three days.
Parang cassette tape, may side A at side B. Isang
brief para sa anim na araw! Linggo lang ang pahinga! Saan ka
pa?”

Bakit naman
kailangang magulat pa ako ng umupo sa harap ko si Patrick. Wo-ho,
sarap naman ng view. Parang naeengganyo akong mag-somersault
sa harap niya sabay hawi ng buhok… kaso, nakalimutan kong
mag-conditioner eh. Naninigas pa mga strands ng hair
ko. Saka na lang, kapag may panahon.

Ganda naman
ng pagkakangiti nito sa akin, bah! Pantay-pantay ang mga ngipin.
Parang minu-minuto kung magsepilyo, amputi-puti. Ilang galong
chlorine kaya ang nilaklak neto? Parang ikinula ang mga
ngipin, nakakasilaw.

At ang mga
labi, hanep, manipis na pinkish. At, hindi tuyot na gaya ng
labi ni Kuya. Kay Patrick, mamasa-masa… parang nag-lipistik na may
halong mantikilya. Ang ilong, parang nagsisinungaling,,. ang tangos.
May blackheads kaya gilid-gilid ng nose niya? Mukhang
wala… Ang cute ng cleft chin niya.

Ang mga mata
niya, bakit parang light grey o blue yata ang kulay o
namamalikmata lang ako?

Contact
lens
ba iyang nasa mga mata mo?”

Hindi ko
napigilan magtanong. Kakaduda kung totoong kulay ng mata niya iyon,
eh. Sabagay, tisoy siya. Pero parang over na iyong pati mata
niya kailangang light colored pa. Baka naman may katarata? O,
papikit-pikit pa!

Makati ba
mata moh? May Visine ako, roll-on, baka makatulong,”
alok ko, pabulong, mapang-akit.

H-ha?” tanong ng kausap ko.
Nagulat yata sa bilis ng bibig ko.

Pakiwari ko’y
kumikiwal-kiwal pa ang dila niya palabas ng bibig niya gayung isang
word lang naman ang pinakawalan niya. Hmmmm… deeh-lah!

Wala lang.
Sabi ko, kung contact lens ba iyang nasa mga mata mo? Iba kasi
ang kulay. Sigurado ka bang Pilipino ka?”

Nyemes
naman my mouth naman naman. Huwag namang ganyan. Nakakahiya
kay Fafa Patrick… Sarap pa namang ulit-ulitin… Patrick! Isa pa…
Patrick… Hay!!!

Iyan tuloy,
parang sinilihan sa puwit si mokong. Dangan kasi my mouth eh.
Ayaw paawat. Kawawa naman si baby Patrick, di tuloy makakibo.

Uh-hurm…
uhm…” kinati yata ang lalamunan. Feeling ko tuloy, ako’y
isang pesteng ahem na dakila. At namawis pa, bakeht? Di naman mainit.
Makulimlim nga sa labas eh. Baka gusto, itutok ko sa kaniya ang
bentilador? Makatayo nga at itututok kong bentilador sa kaniya.

Ah-eh… o-oki lang ako…
s-salamat…”

Nautal.
Halah! Ka-turn-off.

Gayunpaman,
hindi pa rin nababawasan ang kaniyang pogi points. Hay,
Patrick! Sarap ulit-ulitin… Patrick! Patrick! Patrick!
Paatttrrriiiccckk!(full stop)

“’Tol kita ko na…”

Aray! Ang
eardrums koh!

Langya naman
itong si Kuya, oo. Tanggal lahat ng tutuli ko. Pati ang takot sa
katawan ko, nagpulasan. Kulang na lang lumundag ang mga internal
organs
ko palabas sa katawan ko sa lakas ng bunganga. Bakit kaya
di na lang siya pina-ampon nina Tatay sa mga iskandalosong mamamayan
doon sa Kalye Let’s Get Loud? Doon siya nababagay, eh.

H-ha…” dinig kong wika
nito.

Kuh,
nagdududa na ako sa lalaking ito ha. Diretso ang dila nito kanina,
pero ngayon, simpleng “ha” lang, kailangang maging dalawang
syllables. Baka naman may speech disorder? Sayang
naman. Ang guwapo-guwapo pa naman niya. Hmph.

Ni hindi pa
sinasagot ang tanong ko kung naka-contact lens ba siya.
Makatayo ng nga muna’t makapagluto na lang ng turon.

-ooOoo-

Asan na ba
iyong tabak ni Tatay. Ako na lang ang tatabas ng saba sa likod-bahay.
May lumpia wrap pa ba akong natitira? Gaano kaya katagal ang
travel patungong buwan? Sino ba ako?

-ooOoo-

Enjoy
namang bumisaklat dito sa katawan neto. May thrill iyong
halos di mo maabot ang dulo. Mangungunyapit ka sa katawan, tapos
andun ka na sa rurok bigla kang dudulas pababa… muli’y
dahan-dahan kang aangat sa pinakapuno, humihingal, pawisan, sabay
hahayaan mong mabilis uling dudulas pababa. Hi-hi-hi! Ewan ko ba,
kahit na napuno na ako ng dagta, wala akong pakialam! Kapag napagod
na ako kakapadulas sa puno ng saba, saka na lang ako gagamit ng
scaffolding. Angdulas. Hi-hi-hi! Parang malaking ano… iyong
padulasan ng bumbero.

-ooOoo-

Sarap ibalot
ng secret turon mix ko sa lumpia wrap habang
iniisip ko si Patrick. Hindi ko na namalayang umalis. Tigasan kaya
siya? I mean, from where is he? Ano kayang apelyido niya? Type
kaya niya ang pangalan kong Malasa?

Ayokong tawagin niya akong Mari
Col, parang gamot sa sakit ng ulo… tsaka tawag sa akin iyun ni
Ma’am Torres… Baka kada tinatawag ako ni Patrick ng “Mari Col”
sumakit ang ulo ko dahil ang iniisip ko kaagad, kabayo.

Type ko
sanang screen name, Ma Nico. Ang kaso, na-engri si Nanay. Ewan
ko ba sa kaniya! Ang sagwa daw, para daw akong di Kristiyano. Ano’ng
kuneksiyon, inay? At ano namang masagwa? Bibigay-bigay kayo ng
pangalang Maria Nicolasa tapos ayaw niyong ipagamit ang
pagkaganda-gandang nickname na Ma Nico?

Kung Maria
naman, napakasimple… kung Nicole naman, di naman bagay dahil
pangalan ko tunog lokal, tapos biglang tunog Tate ang nickname.
Pangit!

Samantalang kapag Malasa,
siyempre ang mga tao, itatanong sa akin kung seryoso ba ako. Sasagot
naman ako… Oo, seryoso ako, bakit ba? Kung may reklamo kayo, punta
kayo sa barangay! Magharap-harap na lang tayo doon!

Ewan ko ba
kung bakit engri pa rin si Nanay sa nickname kong Malasa? Para
daw akong babaing kaladkarin sa nickname ko… Eh, bakit siya,
nickname niya Kobang? Pinakialaman ko ba? Pasaway din si Nanay
minsan, eh.

Hay, Patrick… kailan kaya uli
tayo magkikitang muli?

Kulasa, bilis-bilisan mo na
diyan at nagugutom na ako.”

Aba si Kuya, ngayon ko lang
nalaman na may amo pala ako rito. Palibhasa, di ka marunong gumawa ng
sarili mong turon kaya ka ganiyan eh. Eh, kung tumutulong-tulong ka
diyan eh di mas napapadali ang pagluluto ko. Hindi ko naman
responsibilidad ang igawa kita ng turon mo. Turonin ko ilong mo, eh.

Siya na…
siya na… eto na po, Master…” buti’t iyon ang lumabas
sa bibig ko. Sarap kasing i-lumpia wrap ng mukha ni Kuya.
Parang isang malaking pakwan na inuuod ang mga gilid-gilid. Akala mo,
pagod na pagod sa mga gawain sa bahay. Ni maglinis nga ng kuko niya,
hindi niya magawa para sa sarili niya.

Saan mo
naman nahagilap iyong utal na iyon?” tanong ko kay big browzer,
kiyemeng di ako interesado.

Si
Patrick? Bagong lipat diyan sa Kalye Care Free galing Ilo-Ilo.
Dito sa siyudad balak mag-college. Nakasabay ko sa Gagambang
Ligaw Internet Center. Nagtanong sa akin kung paano gumawa ng
e-mail account sa Yahoo! Pinagtawanan ko talaga!
Aamang-amang…” ani Kuya sabay halakhak.

Aray! Ang
eardrum ko ulet! At payong! Kailangan ko ulet ng payong!
Ihahampaszzz ko sa bunganga ni Kuya ng matigil ang pangwiwisik!

Nakaka-migrain
ang boses mo, Kuya? Nilulon mo yata amplifier natin, eh.
Kailangan bang magdadadahak habang humahalakhak? Hindi naman
pa-blessing ng bahay para mangwisik ka ng laway,”
nakakairita naman talagang boses niya, walang control. Kung
anu-anong pinagsasasabeh.

Heh, manahimik ka diyan!
Bilisan mo na iyang turon.”

Eh kung siyansihin ko mga
tagyawat mo diyan! Kung makapagsalita kah, akala mo, aleli ako sa
bahay na ito! Nakakasakit ka ng damdamin koh!

Pero, come
to think of it,
kaya siya nagkakaganiyan dahil… hmnn…
nasasarapan siya sa luto ko! And for that matter, mas dapat
lang palang ma-flatter ako kaysa mainis! Bah, in demand ang
beauty ko, hindi pa ako natuwa noon! Puwes, etong para sa
iyoh!

O, Kuya… kumuha ka na ng
platito at nang makalamon ka na.”

Magsasalita pa sana siya, kaso
tinakpan ko ng turon ang bunganga niya.

Huwag ka
na lang magsalita, okay. Masakit sa taynga! Sobrang lakas ng
vibration, ilang beses nang kamuntikan mabasag ang eardrum
ko… doon ka na lang sa labas. Mas magkakaroon ka ng saysay
doon!”

Tuwang-tuwa pa si Kuya ng lagyan
ko ng apat na turon ang platito niya.

Naisip ko
ulet si Patrick at ang pagkikita nila ni Kuya sa Gagambang Ligaw
Internet Center
. Sana ako na lang ang una niyang nakita… sana
ako na lang ang pinagtanungan niya. Kahit hindi ko alam ang sagot,
aalamin ko para lang sa kaniya.

Ito namang si
Kuya, akala mo kung sinong propesyunal sa kompyuter. Kung mag-type
naman, one two-lettered-word per minute! Tseh! Nakakasuya.
Pinagtawanan pa pala niya si Patrick koh.

Hay Patrick
from Ilo-Ilo. Ilonggo pala si Dodong. Hmmm… Mainam ito.
Kahit na galit na galit na siya, hindi mo feel. Para lang
kayong naglalambingan kahit nag-uutasan na pala kayo.

Itong si
Kuya, koh… Dapat mapangasawa nito mga opera singers.
Pataasan sila ng boses. Haaah! Haaah! Haah! Haaah! Haaah! Pching!!!
Basag ang mga baso’t pinggan sa lakas ng frequency. Wala na
silang makakainan. Magiging tag-gutom ang buhay nila.

Mabuti nga
nang mabawas-bawasan ang timbang! Feeling niya parati sa
kainan, eat all you can! Hindi pinatawad kahit iyong paksiw na
itim ng Nanay kong sobrang alat! Kulang na lang simutin pati mga
remnants dun sa kaldero.

Ang sarap
namang ngumanga ng matagal. Den, sabay slow motion na hugot ng
hangin.

-ooOoo-

Iindak-indak
naman si Nanay ng dumating. Parang gustong mag-ballroom. Masaya
siya ngayon, ah. Ano kayang nakain? Nakoh, baka nagmeryenda ng
piritong tipaklong. Eewww… sabi nila masarap daw iyon, pero…
eewww. Hindi naman tayo inaano ng mga grasshoppers. Bakit nila
tino-torture ng ganoon?

Bakit hindi
nila gawin iyon sa ibang insektong namemeste? Mag-imbento sila ng,
say, siopao na lamok na allergic sa dugo o kaya siomai
na cultured langaw na hindi dumadapo sa mga dirty places
puwede rin iyong locust burger o kaya tortang anay. Kawawa
naman ang mga grasshoppers, parang gusto kong amyendahan ang
konstitusyon at ipaglaban ito sa kongreso. Kaso, tinatamad pa ako,
bukas ko na nga lang iisipin ang mga tipaklong!

Hello,
my darling daughter…
Kumusta na?”

Nakakatakot si mader,
nangungumusta? Pa-Ingles-Ingles pa. Hindi naman El Niño
ngayon.

Nay,
meryenda muna tayo,” yaya ko habang inililigpit ko ang mga
pinaglutuan, “ansaya niyo yata? May bago na ba kayong career?”

Ang tatay mo kasi, eh…
hi-hi-hi…”

Si Nanay, humarot!

Ano’ng nangyari kay Tatay?”
tanong ko, para lang may masabeh. Basta ganitong mga kombersasyon,
kinikilabutan ako. Parang tinedyer. Daig pa akoh!

Hi-hi-hi…”

Ayaw sumagot…
pahagi-hagikgik. Virgin ito. ‘Nay, dalawa na anak
niyo. Malawak na ang ano niyo… ahm… kaisipan.

Sasanggain ko
sana ang kamay niya kasi akala ko ika-karate chop ako ni
Nanay, pero ilalahad lang pala niya ang kamay niya para ipakita ang
singsing niya. Saan naman kayang sanglaan nahekbat ni Tatay ito?

Nay,
ngayon lang kayo mae-engage ni Tatay?” tanong ko. Eh sa
mukhang engagement ring ‘yong singsing ano ba magagawa ko?

Tanga.
Regalo ng tatay mo sa anniversary namin.”

Si Nanay, kung makagamit naman
ng tanga, ginagawa lang meryenda.

Wait
anniversary… Hay Patrick! Kailan kaya tayo magse-celebrate
ng anniversary? Hi-hi-hi. Parang ang sarap
ipangalandakan, anniversary kaseh namin ni Patrick… Hay,
Patrick! Kailan kaya didiretso ang dila mo?

Ay, oo nga
pala… may anniversary nga pala kayong tinatawag ni Tatay…
Ano’ng anniversary niyo? Anniversary ng
pagkakakilala, unang panliligaw, pagsagot, pagpunta niyo sa Baguio,
unang paghahawak ng kamay, unang yakap, unang halik?” tanong ko.
Kasi mga parents ko, lahat yata ng date may
anniversary. Kulang na lang, pati unang dyug lagyan ng
anniversary. Punuin ba ng anniversary ang kalendaryo?

In
fairness
naman doon sa singsing, maganda ang disenyo at kahit di
bagay sa kamay ni Nanay na napakaraming kalyo, ang ganda ng bato…
ano kayang bato ginamit dito? Siguro, baso ng kape. May mga
korte-korte eh.

Wedding
anniversary
naman, anak. Ito talagang anak ko, oo, masyadong
palabiro,” nakupo, si Nanay, lumambing. Eh, mas harabas pa ito
magsalita sa akin. Ang nanay ko, kapag nagsalita, kahit normal na
kombersasyon pa lang, hindi mo na makakain ang mga sinasabeh.

Sarap magpamisa!

Ilang
turon ang gagawin ko bukas?” tanong ko. Iyon lang kasi ang
na-master kong iluto, eh.

Kakain
kami sa labas ng tatay mo bukas. Huwag ka nang mag-abala… Thank
you,
anak… labyu!”

May
pa-kiss-kiss pa. Dapat kay nanay araw-araw bigyan ng singsing
para laging in the mood. Kaya lang, saan niya naman
isasalaksak iyong iba kapag puno na ang mga daliri niya? Sa ilong?

Makapaghugas
na nga ng mga pinaglutuan. Baka mangunyapit iyong asukal sa kawali,
mas mahirap tanggalin pag ipinagpabukas. Parang mga tinga-tinga,
kapag di ka nagtutbras agad pagkatapos kumain, tartar ang
ending.

Makapag-split
nga dito sa lababo habang nagsasabon!

Oh, yes!
Heaven! Walang aray.

Malasa Chapter 2

Thursday, March 16th, 2006

KINALAWANG YUGTO

Naninilaw
na version ng Ikalawang Yugto

Ang aga ko pa naman sa eskuwela.
Tapos ang una kong daratnan, walang iba kungdi ang amag ng lipunan…
si Charisse!

Kung
napapansin mo, hanggang sa palabi-labi lang ako ng “thank you,”
sa intrimitidang ito. Wala namang saysay kung makikipagplastikan
ako sa kaniya lalo’t more than once na akong napahiya at
higit sa lahat, napasabak sa gulo dahil sa pagiging balik-harap
niyang maldita siya.

Kung
interesado ka sa kuwento, makinig ka. But I have to warn you,
medyo seryoso ito at ako mismo, hindi ako natutuwa sa kuwentong
ito. Kaya kung ayaw mong ma-bore, lampasan mo na lang ang
kuwentong nasa pagitan ng mga makakapal na guhit.

Friends pa
kami noong mga first year kami. Madalas kaming magkasama. And
that time
, siya lang ang kasama kong naglalakad pauwi pagkatapos
ng ulan. Eh malay ko bang madulas sa kalye! Nasubasob kasi ako sa
putikan. Nasaktan ako. Masakit. Kinulani nga ako kinagabihan,
natural! Napilayan ako, eh. Abah, ang siste, nang sumunod na araw,
kalat na kalat sa eskuwelahan ang Putik Incident ko.
May drama pa silang ginanap sa Values Education in my honor
na tinituluhang “Gumapang Ka sa Lusak!”

Tinanong ko
si Charisse kung may kinalaman siya sa pagkalat ng tsismis. Sagot
niya, “I really don’t know how they make alam. I
promise.”

Madaling-sabi, napalampas ko
iyon.

One time,
pumunta siya sa bahay at kasalukuyan akong gumagawa ng turon.
Natural, bisita ko… eh, di, pinakain ko. Nagkumento siya na, “Why
don’t you make
tinda your turon. It’s really
masarap. Additional income din yon

Ako naman,
nakarinig ng tungkol sa pera, hala nagahaman! Napasagot-sagot naman
ako ng, “Good idea. Good idea. Sabado naman, mamayang hapon,
maglalako ako…

Take note…
inubos niya ang tatlong turong nasa platito niya. So, talagang
nasarapan siya at hindi lang basta makapag-kumento. Kulang na lang
isalaksak niya sa bibig niya ng sabay-sabay iyong tatlong turon eh.
Balak pang gawing submarine sandwich.

Entonses,
nakiayon-ayon ako sa pagnanais na pagkakitaan ang abilidad ko. Wala
namang masama ikako. Pera iyan, ba’t tatanggihan. Bunga lang naman
iyan ng mumurahing lumpia wrap, mga sabang katatabas lang ni
tatay sa likud-bahay, at special recipe ko. Inilako ko nga ang
turon ko. Mabili. Instant money.

Kabira-bira,
nang mag-Tuesday, heto na… may sumisigaw na ng “Turon,
turon, turon kayo diyan…” Namula ako, siyempre, napapahiya ang
pagkababae ko. Eh ayaw tumigil. Lumapit pa sa akin at saka
sinigaw-sigaw ang “Turon, turon… masarap ang aking turon…”

Hinarap ko kase iyong
sisigaw-sigaw na kaklase. “Ikaw, Paulino… kung walang magandang
lalabas diyan sa bibig mo, manahimik ka na nga lang!”

At ano’ng gagawin mo kung
ayaw ko? Babatuhin mo ako ng turon mo?” mayabang nitong tanong sa
akin. Namaywang pa ito at saka ngumisi-ngisi sa grupo niya.
Napakahambog!

Hindi na sana ako kikibo,
tumalikod na ako. Pero maangas na siya, bastos pa. “Miss Turon.
Pabili naman ng turon. Magkano ba’ng turon mo? Paturon ka naman
diyan!” sabay dinutdot ako ng apat na beses sa likod.

Sa lahat ng mga nakakapagpanting
ng taynga ay iyong mga lalaking bastos at walang galang sa babae.
Iyong lingon ko sa kaniya, sinapak ko nga’ng ilong niya. Hindi pa
ako nasiyahan, binayagan ko pa. Nang makita kong walang harang ang
bibig niya, hindi ako nakatiis, kinamao ko na rin. Libre eh!

Lumapit ang isa niyang barkadang
mataba, si Marko.

Tutulong ka?” tanong ko.

Aba, ang
lakas ng loob tumango-tango. Iyong baling ko sa kaniya, hinablot
ko’ng kamay niya, kaunting foot maneuver lang saka ko siya
ibinalibag.

Freeze a
moment… serious
ito.

Hindi ko pa
yata naikukuwentong naka-abot ng 4th dan black
belt
ang Tatay ko sa Judo at Karate.  Kaya isa sa mga skills
na natutunan ko’y ang pagtatanggol sa sarili ko. Kaya nga kung
napapansin niyo, bayolente ang mga reaksyon ko, pero hanggang sa isip
lang. Na-train kami ni kuya ng pagpipigil… lalo kapag
natatae kami, ay… professional na kami sa pagpipigil.

Action…

Aminado akong
bastusin din ako minsan. Feel ko nga iyon, eh. Feeling ko
ang ganda-ganda koh. Pero minsan, hindi naman gaano sa ibang araw. In
short,
hindi madalas. Depende lang sa mood ko. Natiyempo
na noon naka-schedule ang mood ko na “ayokong
pabastos” mood.

To
continue the scene…
tinadyakan ko sa dibdib ang isa pa niyang
barkada sa hindi ko malamang dahilan kahit wala itong ginagawa sa
tagiliran. Hindi nga ito nakikisali, pero isa rin siya sa patawa-tawa
kanina habang tinutukso ako. Aba eh umiyak… todo talaga ang luha…
walang putol, walang patlang… at kasabi-sabi, “Isusumbong kita sa
nanay ko…” Nanakoht! Helow!

Dating ang
teacher namin sa Home Economics. Ending, na-guidance
kaming nagrambulan kinabukasan. Kuntodo attendance mga
parents. Si mader, nakadaster lang – extension ba ng
bahay? Nalokah talaga iyong guidance counsellor sa outfit
ni mudra. Nakabakya pa… saan ba’ng labahan, inay?

Musarga ang
bibig ni Paulino at hindi pa makapagsalita. May bandage sa
ilong at puno ng ointment ang bunganga. Ipina-albularyo si
Markong tabatsoy at napilayan yata. Galit na galit iyong mga magulang
nila na kesyo daw sobra daw ang ginawa ko sa mga anak nila.

Kaso iyong
umiiyak-iyak yesterday na kasama ang sariling ina,
nakikampi-kampi sa akin. Di ko knows kung bakeht, ateh.
Nagulat na lang ako dahil kesyo kasalanan naman daw talaga nila dahil
nanunukso sila. At sinabi pa neto ang mga exact words ng
pambabastos sa akin nang nakaraang araw. Pati iyong mga hindi ko
narinig na mga bad words, kinalkal… mag story-telling
ba?

Sows, nang
marinig ni mudra ang mga pangyayari, halah! Chorva ang lahat! Lahat
na siguro ng saints tinawag nila. Pati guidance counsellor
hindi alam kung saan hahanap ng pampakalma para kay mudra. Si
mother pa, eh, lason ang mga salitang lumalabas sa bibig neto.
Ending, umuwi silang luhaan at sugatan ang mga puso.

Anyway,
makalipas ang ilang days, lumapit ulit sa akin si
cryonic-boy. May I sit down sa tabi ko, and then, tell a
tale.
Hala lumabas ang katotohanan! Si Charisse pala ang nagkalat
ng pagtitinda ko ng turon! Ang cheap ko raw at naghihirap na
raw kami kaya kinailangan kong magtinda ng turon para mayroon daw
akong pambaon. Naungkat din ang tungkol sa Putik
Incident. Siya rin daw ang tatawa-tawang nagkuwento sa mga
kaklase namin ng tungkol sa pagkakadayukdok ko sa putikan.
Nag-mukha raw akong baboy at bagay sa akin. 

Ke dinagdagan, ke binawasan ang
kuwento, isa lang ang ibig sabihin – hidhid si Charisse at di dapat
pagtiwalaan. Ngitngit na ngitngit ako sa kaniya at hanggang ngayon,
todo pa rin ang ngitngit ko. Amag siya! Amaaaahg!!!

Type ko
sanang eksena iyung may mga tears flowing from my eyes pa
habang sumisigaw ako ng “Amag siya! Amaaaahg!!!” Kaso hindi ako
madaling maiyak, eh. Baka tomboy ako? Hindi kaya? Ay shet!

Todo naman
ang hingi ko ng sorry sa nasaktan kong kaklase.  Pero ngayon,
naiisip-isip ko, kawawa naman siya. Dati’y mamaton-maton ito. Kaso,
nang matadyakan ko’y naapektuhan yata pati disposisyon. Kinalauna’y
unti-unting bumukadkad ang kagandahan, nahinog na ang kaniyang
kariktan. Malay ko bang magiging friend ko pa ang diwatang
ito… si Carlo.

Nilampasan mo ba iyong kuwento
sa gitna ng makakapal na guhit?

Kung ang
sagot mo’y “Oo, nilagpasan ko dahil ayaw kong ma-bore,”
puwes, huwag mo na lang tanungin ang sarili mo nang “bakeht” at
“wa-hay ba talaga, ateh?” kapag may mga nababanggit akong di ka
maka-relate. Baka ma-torture ka, kasalanan ko pah!

Kung hindi mo
naman nilampasan, eh, di, at least, nakaka-relate ka sa
damdamin ko kung bakit ganoon na lamang ang pagkaasar ko sa talanding
babaeng si Charisse. ‘Nyeta niya, Pasalamat siya, hindi siya ang
tinadyakan ko sa dibdib. Flat na nga’ng dibdib niya, baka
ma-engrave pa ito dahil sa ngitngit na nararamdaman ko tuwing
nakikita ko ang pagmumukha niya!

Hi
Maria. You’re so early today, ah,” bati nito.
Napakahinhin. Napakalambing.

Ngumiti lang ako sa kaniya.

Sulatan ko
kaya ng pentel pen mukha mo diyan?

Were
you able to make the assignment
para sa English natin?”
tanong niya. Anlakas ng loob makipag-usap sa akin!

Ngumiti ako ng matipid sa kaniya
at tumango ng isang beses.

Anlakas ng
anghit mo ‘day! Mapanghi ka pa sa urinals ng mga lalaki.
Ba’t di ka maglaba? Sama mo na’ng labhan ang sarili mo! Ikula mo
pa para todong maarawan para tanggal ang maantot mong pagkatao.

Magbisi-bisihan
na nga lang ako. Ayoko siyang kausapin. Hindi ako makahinga, eh.
Nalimutan yatang magmumog. Parang dito na natulog sa school.
Kababaeng tao, hindi natuto ng proper hygiene. Sarap i-padlock
ng bibig!

I like
your hair
ngayon. Did you color it kagabi?”

Pansinin ba
ang mga split-ends koh!!! Hindi ko nga pinapansin mga
lisa-lisa mo diyan. Guntingin ko’ng pilik-mata mo, eh.

Ewan ko kung
talagang manhid itong si Charisse o talagang bulag lang siya sa
malaking harang na yari sa invisible Titanium na nakapagitan
sa amin na nabuo matagal na panahon na ang nakakalipas.

Ngumiti lang
ako sa kaniya, sabay labi ng “thank you.”

Tsinelasin
kong cheeks mo, eh.

Dumating si Tonya na alanganing
babae, alanganing lalake. Tatlong taon na ang nakakalipas pero hindi
pa rin namin matantiya kung ano ba talaga ang kasarian niya. Dumating
iyong puntong isinuko na lang namin sa Maykapal ang katotohanan.

Opinyon kasi
ng karamihan, lalake siya… pero ang press release niya at
ang sabi daw ng mga parents niya, babae daw siya. Nakalagay sa
gender niya sa mga school records, “F”. Sabi ng
School Secretary, F means “female.” Sabi naman ng iba, F
means
“Fatingin nga ng iyo kung totoong babae kah!”

May Adam’s
apple
kasi siya na hindi pangkaraniwan sa tipo ng katawan niyang
medyo malaman-laman; may bigote; diretso ang katawan; mababa ang
boses na papaos-paos; may kakapalan ang balahibo sa kamay at binti.
Mahaba lang ang buhok niyang di bagay dahil nagmumukha lang siyang
70’s hippie.

Malasa!
Charisse! I thought ako’ng earliest… Third na lang
pala me. Who’s first?” anito, nakangiti pa.

Namamaluktot
ang spine ko tuwing naririnig ko itong magsalita. Parang
baklang version ng narrator ng Tales from the Crypt.

Itinuro ko na
lang si Charisse. Hindi naman ito kumpetisyon ng paagahan. Tsaka,
mananalo ba ako sa babaing iyan eh mukhang nag-overnight siya
dito sa school? Buti sana kung nagbaon man lang siya ng
tutbras. Sana dinala ko iyong air freshener sa bahay,
ipanglalanggas ko sa maantot-antot na babaeng ito.

Walang
masyadong nangyari pagkatapos. Kuwentuhan ang dalawang mga harot.
Nagdatingan si ganito’t si ganiyan, nag-flag ceremony. Late na
dumating si Carlo. Maaga lang siya ng kaunti sa mas late naming
guro sa English.

Discuss
discusscheck ng assignment… discuss…
discuss…
Pinag-partner kami ni Tonya para sa report
sa Lunes… discuss… discuss…

Teka sandali…
What?!! Of all the people, bakit naman si Tonya pa ang
naka-partner ko? Over naman si Ms. Concia. Hindi ko na
nga siya isinasama sa mga nilalait ko sa isipan ko, hindi pa
tinatanaw na malaking utang na loob iyon?

Ayokoh kay Tonya! Ayooookoh!

Pero, di bale
na nga lang… sa Lunes na nga lang ako babawi sa kaniya. Tinatamad
pa akong mag-obserba ng malalait sa kaniya. Nanginginig ang mga
laman-laman ko sa excitement, eh.

Aaaangh…
aaannnnnnggggghhhhhh… aaannnggghhhh… aaaangghh.”

Bell na! Hay nako, Carlo, mag-blah-blah ka na lang diyan ng mag-blah-blah
tungkol mahiwagang sago’t gulaman mo, pero sorry, hindi muna
ako makikinig… kasi Social Studies na… papasok na ako sa
kras kong si Mr. Paolo Benitez. Hi-hi-hi. Anlandi ko!

Hay! Ansarap
niyang paliguan. Para siyang sanggol na walang diaper.
Ambango-bango niya parati at maganda pa magdala ng damit. Parang
hanger… Wala talaga akong sinasayang na oras at panay ang
patsarming ko sa kaniya kahit ipagduduldulan ko na ang sarili ko.

Umaalagwa
talaga ang pagkababae ko kapag klase na niya. Wala akong maipintas…
except doon sa kuntil niya sa kanang taynga… at medyo
tabingi ang salaming minana lang yata niya sa tatay niyaat
saka kinakagat niya ang kuko niya… at saka… Ah, basta! Kras ko pa
rin siya, kuntil and all!

Ang ganda-ganda ng boses. Sana
boses na lang siya. Ang sarap pakinggan. Para akong dinadala sa
damuhan at doon ako pinagkikikiliti… “Hay ser! Huwag diyan ser…
hi-hi-hi. Ano ba, ser! Ser Paolo naman, eh. Nakikiliti ako…”

Maria?”

Ang siste,
palibhasa’y naeengkanto ako sa aliw-iw ng boses niya… hindi ko
alam na tinatanong na pala niya ako. Kungdi pa ako tinampal ni Carlo
sa balikat, hindi ko mare-realize na nakatingin na pala sa
akin ang buong klase… most especially, ang kras kong si Mr.
Benitez!

Malasa,
ano ba? Kanina ka pa tinatanong ni sir? Para ka namang gaga diyan,
eh… Pa-obvious ka naman masyado…” bulong ni Carlo sa
akin.

Eh, bakit
naman kailangang nanggigigil ka pa, ha, diwata? Ano ba’ng magagawa
ko eh sa bigla akong nag-blackout? Kasalanan ko ba kung
masyado akong apektado nitong si Mr. Benitez?

At kayong lahat! Ano’ng
tinitingin niyong lahat sa akin? Mga peste kayo!  Gusto niyong
pagsisipain ko kayong lahat diyan… ha?

Makatayo na nga lang.

Y-yes
sir?
” para akong biglang kinabagan. Namimigat ang tiyan ko.
Namawis tuloy ako ng malamig.

May problema ka ba? Kasi
kanina pa kita tinatanong, hindi ka sumasagot. May dinaramdam ka ba?
Tulala ka, eh…”

Napayuko ako,
pero huwag ka… tumitibok-tibok ang kaibuturan ko. Well…
siyempre, pati na rin ang puso ko. Kakakilig naman, concerned
si sir. Kaya lang, anhin ko mang ibuka ang bibig ko, pakiramdam
ko tumitindi ang kabag ko. Siyempre, kailangang pigilin. ‘Nyeta,
baka pag pinakawalan ko ito, malakas! Tigok ang buong klase, pati si
Mr. Benitez… malaking krimen itoh!

Ano ba,
Ms. Coles? Ten minutes na kaming nakatunganga sa iyo, hindi ka
pa rin ba sasagot?” mukhang galit na ang tono ni Sir, ah.

Ten
minutes
ka diyan! Matingnan nga ang wall clock! Ay shame…
thirty minutes
na pala ang nakakalipas ng pumasok kami sa klase
niya? Hindi ko ma-imagine na halos nawala ako ng thirty
minutes
sa mundo ng tao na hindi ko namamalayan. Siyet… dyahe.
Ano ba’ng nangyari sa akin?

Aywan naman
kung bakit nagtaas-taas ng kamay si Carlo. Pinatayo tuloy siya ni Mr.
Benitez. “Yes, Carlo.”

Sir,
baka po kasi dinidisminorya ang kaibigan ko… dalhin ko po muna kaya
sa clinic. Namumutla na, eh,” ani Carlo.

Disminorya! Hindi ako
dinidisminorya! Kinakabag ako, at kapag hindi ka nanahimik, Carlo,
ang lahat ng sama ng loob ko, ibubuga ko sa mukha mo para isang
bagsak na lang.

Pero, ano’ng
gagawin ko? Kapag sumagot ako, ano’ng gagawin kong excuse doon
sa time na nag-lapse? Kapag hindi naman ako sumagot,
mas lalong magagalit ang biggest crush ko…

Ano kaya kung
magpanggap akong may sakit sa utak? Hmm, para naman akong timang.
Sirain ba ang sariling credibility?

Kunwari na lang masakit ang ulo
ko… pero ano’ng drama? Iuntog-untog ko ang ulo ko sa pader dahil
sa sakit? At bakit naman hindi ako makasagot?

Hay nakoh,
wala na akong ibang choice. Makapag-collapse na nga
lang!

 

Pumikit ako
at kunwari’y nanghihinang napahawak sa desk. Tayo naman
kaagad si Carlo, “Shame naman, Malasa… ano ba? Sir, I
think she’s really not well… I have to take her to the clinic
.”
Tarantang-taranta ang tono nito.

Ang mga
kaklase ko naman, over din sa drama… akala mo mga totoong
concerned. May tumili… may nakitanong-tanong kung okay lang
ako… nakihawak-hawak sa kamay ko. Mga maggots kayo!
Ampaplastik niyoooohhhh!

Sinukbit ni
Carlo ang kamay ko sa leeg niya at ang fyutah, nagawa akong buhatin!
Anlakas niya! At may I takbo siya talaga. Ni hindi na niya
hinintay ang pagpayag ni Sir Benitez. Kinaya niya akong buhatin
patungong clinic.

Nang
makalayu-layo na kami, habang buhat ako ni Carlo na nagpilit
magpaka-macho ng mga oras na iyon, narinig ko siyang gigil na
gigil na bumulong, “Punyemes ka, Malasa… alam kong walang
masamang nangyayari sa iyo kaya magtigil ka sa pahimatay effect
mo at masyado kang mabigat,” anito pero tuloy pa rin sa pagbuhat sa
akin.

Nasaan na tayo?” bulong ko
na hindi pa rin dumidilat.

Ang sarap
pala ng kalung-kalong ng lalaki! Hay! Pakiramdam ko, ikinakasal ako…
Pero pweh, huwag naman kay Carlo, anoh? Diwata siya! At ako,
engkantada. Hindi kami match!

Malapit na
tayo sa clinic… Ituloy mo lang ang drama mo na kesyo masama
ang pakiramdam mo. Pero, lintek ka, bumaba ka na! Enjoy na
enjoy ka diyan, put a li’l mohr! Pati ako
madaramay sa kalandian mo, eh… Kung bakit naman kasi kailangang
atakihin ka ng pagka-autistic mo sa oras mismo ng crush mo?
Sarap mong pompyangin, eh…” marami pa siyang sinabi na hindi ko
naman talaga pinapakinggan. Pakialam koh? Basta ako, enjoy ako
ngayon.

Puwede ba,
mamaya na tayo mag-usap… May sakit pa ako, remember?”

Hanep sa
pagka-believable ang drama ni Kulasa. Pati ang nurse, bilib
na bilib sa drama ko. Pinisil-pisil ang tiyan ko, eh matigas… kesyo
disminorya daw, at tinanong ako kung regular ba raw ang regla ko.
Sarap reglahan nito sa mukha! Eh, kung ibuga ko sa kilay mo utot ko
nang malaman mo iyang mga pinagsasabi mo diyan? Napakaarte. Mas
maarte pa magsalita kay Tonya!

Binigyan niya ako ng gamot at
pakiyemeng ininom ko… pero paglabas ng klinik, idinura ko rin.
Ampangit ng lasa.

Carlo,
sorry talaga… and thank you for saving me… you’re my
knight in shining glory!
” totoo iyon sa puso ko, kahit
bulatlatin niyo itong dibdib ko, inscribed ang pasasalamat ko
sa kaibigan ko, anoh!

Shining
ARMOR
, gagah,” aba’t nangureksiyon!

Bakla,
para sa tunay na lalaki ang armor… dahil diwata ka, dapat
glory! Laan lang sa inyo ang salitang iyon,” ika  ko.
Tumigil siya saglit at nag-isip-isip. After 45 years,
na-realize din niya ang tinutumbok ko. Hala, humalakhak na
naman ng walang sound! Kasyang-kasya kamao ko sa bunganga ni
fyutah!

Pinauna ko na
si Carlo sa next class at nang ako na lang ang nasa hallway
Pfffrrttt!! Wa-haw! Ang lakas ng pito! Feel ko ngang sumigaw
ng “Foul, Abarrientos!” At nakoh, may laman-laman
pa yatang kasama. Ambantot ng istorya ko! Uwi muna akoh, excused
naman akoh. Balik na lang ako mamayang hapon.

Anyway,
walang masyadong nangyari kinahapunan dahil pina-attend kami
sa isang Symposium kunu-kuno.

Mabuti pa,
fast forward na tayo sa araw ng Sabado…  

May usapan
kami ni Tonya na magkikita sa school. Sira kasi ang computer
sa bahay namin. Sa bahay naman nila, siya ang sira. Ayaw
na ipagamit sa kaniya ang computer nila. Kagabi, punta
ako sa tindahan nila upang ipagpaalam siya, super-kuwento mader niya!
Maingay daw ang CD-ROM ng computer nila kaya nagpatawag ng
technician. Ang luka-luka, akala masosolusyunan niya mag-isa.
Hala, sinalangan ng CD na pinahiran ng baby oil! Para daw
dumulas at hindi na mag-ingay!!! Nyeh!

Speaking
of
Tonya… Siya ba iyong naglalakad na iyon sa malayo? Siya na
nga yata? Lekat, ang usapan namin, 8:30 a.m. eh. Mag-a-alas dies na!
Antagal ko na palang hinihintay ang malandi!

Kekendeng-kendeng
pa. Napakakiri! Hindi man lang binawasan ng half-loop ang
kembot ng balakang niya na buti sana kung may kalakihan. Eh halos
kapantay lang naman ng baywang niya ang balakang niya. Parang laging
naka-take ng cough syrup na akala mo’y ginagawang
surface ng buwan ang hallway.

O,
kakaway-kaway pa sa mga boys. Buti sana kung pinansin siya,
eh, parang nahadluk pa sa kaniya iyong kinawayan niya. Akala siguro
bubugbugin niya dahil mas mukha siyang maton kasya babae eh.

Malasa!” bati nito ng
makita ako. Ang lawak ng ngiti, dinaig ang lawak ng ilog Pasig. Akala
niya natutuwa ako sa pagdating niya.

Malasa!”
panggagaya ko, nakasibaktong na nakatingin sa kaniya. Talagang
nakakainis. Walang respeto sa oras ng ibang tao… buti sana kung
nakita mong nagmamadali eh akala mo’y nagba-ballet itong
naglalakad na okay lang sana kung bumabagay din sa hitsura niya. Ang
sarap tawagin ng mga Ents ng Lord of the Rings para
ipakilala ang nawawala nilang apo sa tuhod.

Sorry…
I got stuck in the traffic,
eh…” anito na ngunguya-nguya pa
ng babolgam.

Traffic?”
tila napraning ako sa excuse ng talipandas na ito, “ineng,
diyan ka lang nakatira sa kantoh. Traffic ka diyan! Itali kaya
kita sa gitna ng EDSA para maranasan mo iyang dream mong
ma-stuck sa gitna ng traffic?

Over ka
naman sa violence. You know what I mean naman… si mommy…
tina-traffic ako. She doesn’t want me to make alis,
kasi it’s SaturdayI had to make mga excuses pa
para she makes payag to let me go,” anito na akala
siguro’y bagay na bagay sa kaniya ang Taglish niya. Ginagasgas
siguro niya ng husto ang lalamunan niya… papaos-paos eh. Hindi
natitigagal sa ginagawa niya sa sarili niya. Aba, pati mga gestures,
andaming mga kumpas… orchestra ba ako? Hindi siya conductor,
puwede ba.

Ipinagpaalam kita kagabi kaya
hindi mo iyan puwedeng gawing rason! Isinangkalan mo pa’ng nanay
mo… eh, halata namang kagigising mo lang. Kaya nga nguya ka ng
nguya ng babolgam siguro dahil nalimutan mo pa yatang magmumog,”
angil ko… hindi nawawala ang pagkagusot ng mukha ko.

Don’t
make
galit na… You make pangit your face, eh…
I’m scared na, tuloy!” napakaarteng wika nito. Ang sarap
iposas. Ayaw itigil ang pagkumpas. Lubed!!! Kailangan ko ng lubed!!!

Sinubukan
kong magpigil kahit kumukulo pa rin ang dugo ko. Malapit nang
mag-alas diyes. May kasabihan sa amin, “Sa umaga bago mag-alas
diez, attach a smile sa iyong fez… kung hindi
mo gagawin itez, hanggang gabi kang todo-Ynez!” Magic
words
iyon ng mga ninuno kong diwata na nanggaling sa Kalye Let’s
Get Loud
. Napakaingay doon dahil lahat ng mga bungangera sa
baranggay, doon nakahilera.

Anyway,
2 seconds bago mag-alas dies sa relo ko, automatic na
lang na biglang babanat ang mga mukha ko para mag-smile. Hindi
ko na kailangang i-memorize ang gagawin.

Shhhifftttt.” (Kuntodo-sound effect pa kapag magsi-shift ang
mukha ko.)

Ayan…
okay na ba ang mukha ko…” wika ko, pakiramdam ko’y nabigla ang
mga labi ko sa pagkaka-smile ko. Oo, kapag hindi ka sanay,
masakit sa panga. Kaya nga hindi biro ang abilidad kong ito…
Bibihira ang may ganitong kapasidad na mag-transform from one
character to another.
Minsan, pati parents ko, gusto nang
mahimatay sa inaasal ko, eh.

Wait
itaas mo your right face to make pantay…” instruksiyon
nito. Ginawa ko naman. Para akong gaga. Sipain ko kaya mukha ko?
Dangan nga lamang at hindi ako ganoon ka-flexible. Di bale na
nga lang!

There…
alright, let’s start
na…” ani Tonya na nakakairita na ang
mga pagkumpas.

-ooOoo-

Habang daan,
nagsalita na naman.

Grabe,
there’s a lot of boys pala here during weekend…
puwedeng let’s make it a habit to make tambay here
tuwing Saturday?

Puwede,”
ikako. Pero natigilan ako sa narinig. Parang bigla akong nairita sa
pagkakatingin ko sa kaniya… Ansakit niya sa mata, men! Hindi
ko keri! 

Bawi ako
agad, “Pero… kailangang magdala tayo ng sandamakmak na kape para
nerbiyosin ka kahit konti. Hindi ba uso ang kapeng barako sa inyo?
Effective na treatment daw iyon sa kaso mo.”

Really?”

Nakoh patay!
Excited pa ang pagkakatanong ni simang! Aba’y shet! Saan ko
ba nakita iyong sign na Slow Down, School Zone at nang
maihambalos ko sa ulo nitong batang promil* na ito? (*probinsiyang
milya-milya ang layo sa sibilisasyon)

Eh kahit yata
am, ipinagkait sa kanya ng ina niya… nadismaya siguro sa hitsura
niya noong ipanganak siya? Nakita ko nga mga pictures niya
noong bata siya, kahit ako, hindi ako natuwa, eh. Akala siguro ng
nanay niya, pag ginutom siya, mate-tegi na lang siya kusa? Eh,
nag-survive! Kaya siguro hayun at nagbakasakali na lang sila
na mamahalin din nila ang bata pagdating ng panahon?

Oo… siya
na, siya na… whatever na lang!” asar kong
pagkakasabi upang maiba ang topic. “Iyong susi nga pala
ibigay mo na sa akin. Akala ko kasi, kapag ikaw ang nagdala,
maoobliga kang pumunta ng maaga. Ako na ang magdadala sa Lunes. Baka
kung saan-saan ka na naman mapadpad, kailangang salansanin ko pa ang
school para lang mahagilap ka.”

Okay,” anito sabay abot ng
susi.

One word…
one word
lang ang sinabi niya pero apat ang kumpas ng kamay.
Whole note bah, ateh, at kailangan ng four beats? Ayaw
papigil. Hala, sa Lunes, makapagdala nga ng packing tape nang
maigapos ang mga kamay nito sa likod niya para malaman niyang hindi
ako natutuwa sa mga pakumpas-kumpas niya, letse siya. Baka habang
nagre-report kami, biglang magtayuan ang klase sabay kanta ng
Lupang Hinirang. Akala pinakakanta niya! Walang kapagud-pagod sa
pagkumpas! Kulaniin ka, hoy!

Nagbaon na
kami ng lunch pareho kaya sa office na kami kumain.
Buti’t naipagpaalam ko kay Mr. Punzalan, adviser namin sa
school organ, na gagamitin ko ang computer ng Saturday
at pinayagan naman ako. Subukan niyang huwag pumayag… huh! Eh, di
hindi naman kami nakapag-report! Kawawa naman kami.

Hi,
guys!

Napalingon si
Tonya sa pinagmulan ng tinig habang ako’y naghahanap ng lalaki sa
paligid namin. Guys daw eh… wala namang guy sa
paligid namin, except… ay, oo nga pala, mukha nga palang guy
si Tonya. Kaya pala lumingon siya. Siya na nga lang ang magpaka-guy.
Sino ba itong tungak na ito na nag-pluralize sa gender
sensitive
na salitang iyon?

Ay nakoh! Si
Charisse pala na masahol pa sa pinya, masarap kainin pero makati sa
ngala-ngala. No wonder! Palibhasa, mukha rin siyang lalaki,
kaya ibinubuhay din niya ang pagiging lalaki. Sarap konyatan nang
matauhan! Ano namang bisnes nito rito? Sabi ko na nga ba’t dito na
ito sa school natutulog eh.

 

Hi,
Charisse…”
bati ni Tonya.

 

Obvious na
obvious na magkaututang-dila ang dalawa. Sa gawi pa lang ng
pananalita, mapapansin mo na agad na birds of the same feather
sila! Mga taong hindi malaman kung anong lengguwahe ang
gagamitin sa araw-araw na ginawa ng Maykapal!

Buti, you
arrived… I’m so bored
na about this huge report thingie…

What’s
the matter? Is it hard,
ba?”

Sa loob-loob
ko, “Is it hard ba? Kuryentehin ko kayong dalawa
diyan eh. Ang sarap niyong pagtatadyakan sa mukha!”

Your
partner
naman is Maria, eh… She’ll know what to
do.

Tumingin ako
sa kaniya, lumabi lang ako ng “thank you.

Letse! Galing
mong umarte… Isabak kaya kita sa drama arts para
mapag-initan ka ni Mr. Fuentes at isali ka sa play ng Swinney
Todd? Sarap mong gilitan sa leeg at gawing meat pie! Kiyemeng
mabait at madasalin! Kiyemeng mahinhin…dutin! Wrestling-in
kita diya eh…

Pinabayaan ko
na nga lang mag-usap ang dalawa. Eh, di mas nakapag-concentrate
ako sa ginagawa ko. Kung tutuusin, kaya ko namang gawin ang
report mag-isa kungdi lang nasira ang computer ko sa
bahay!

Si kuya kasi,
parang adik. Ayaw tigilan ang kaka-Ragnarok. Alam naman niyang
pang-documentation lang ang computer ko, hala, salangan
ba daw ng games. Ilang ulit na nag-hang dahil mahina
ang video card, ayaw pa ring paawat. Sige laro! Nyeta, iyon
tuloy, sumuko ang video card! Ang sarap ipakain sa kaniya
iyong mga CD niyang pirated! Kaso, mas matanda siya sa akin,
kaya hindi ko rin magawa. Gusto mong ibitay ako ng tatay ko
patiwarik?

Pagkalagay ko
ng period sa huling bahagi ng pangungusap ng report
namin, na-realize kong maayus-ayos na rin ang structure ng
report namin. Yehey! Nakatapos na rin ako sa wakas.
Makapag-print na nga ng makauwi na rin kaagad. Para kasing
kinakati ang puwit ko sa opisina. Kung bakit naman kasi andirito pa
si pinya, hindi naman siya member ng school organ. Feeling
niya?

Tapos na
ako… puwede na tayong lumabas,” announcement ko pero
parang hindi ako pinansin ng dalawa. . 10 secs… 15 secs… 1
min… 5 mins…
I-lock ko kaya ang pinto at ikulong sila
for 2 days? Wala sila sa teritoryo nila, ha!

Ayaw niyong kumilos diyan mga
lekat kayo? Teka nga…

Ano bah?
Pagsisisipain kong mga mukha niyo kung di kayo kikilos diyan! Are
you deaf
! Kung ayaw niyong sabunutan ko kayo’t kaladkaring
duguan palabas ng opisina’ng ito, kumilos na kayo. Inuubos niyo
pasensiya ko, ah! Hala, sibat!”

Nakoh, siyet…
nasabi ko ba iyon ng malakas? Oo yata, kasi nararamdaman ko pa ang
pagkagasgas ng lalamunan ko. At ang dalawa, parang nakaramdam ng
ghost… run away sila na over ang pagkatakot. Hindi
maganda ito! Tsk. Tsk. Nawalan yata ako ng poise, eh! Akala ko
pa naman, iniisip ko lang, naisabibig ko na pala. Hmm, okay
lang. Once lang naman nangyari.

Makapag-cartwheel
nga muna sabay split! Yehs… sarap magbali ng buto!

Malasa Chapter 1 Cont

Thursday, March 16th, 2006

KARUGTONG NG UNANG YUGTO

 

Hindi ko pa
alam kung ano’ng ikukuwento… Hindi pa ako ready. Wait
lang.

 

-ooOoo-

 

Powder
muna ako, okay? Wait lang.

 

-ooOoo-

 

May tinga
yata ako… saan ba nakalagay iyong tutpik? Punta muna ako sa
canteen… Kuwento na lang ako mamaya, when I come back.

 

-ooOoo-

 

Well,
nothing interesting…
Ihinatid ako ni Carlo. Habang daan,
kuwento siya ng kuwento… andami-raming kuwento! As usual…
tungkol lang naman sa gulaman at sago. Tapos binanatan na naman
niya ako ng silent laugh niya na over sa pagkakanganga
habang paulit-ulit niyang kinukuwento ang hitsura ni Ma’am Torres
kanina. Ayaw tantanan ang matanda. Hindi na nagsawa. Pag paulit-ulit
ang kuwento hindi na nakakatuwa. Mamaya na nga lang ulet.

 

-ooOoo-

 

Dumating si Tatay galing
barberya. Dala na naman iyong mapupurol niyang mga labaha. Gaya lang
din ng dati, nanonood ako ng CNN habang hinahasa ko’ng mga labaha
niya. Kung wala kang sama ng loob, maganda pampalipas-oras ang
maghasa ng labaha. Wala lang… FYI lang.

 

-ooOoo-

 

Ay! Sarap
naman! Nakaramdam ako ng vibration sa inuupuan ko. Type ko
siya, in fairness. Nakakalibang. Kinikiliti ako doon sa…
basta doon! Hi-hi-hi. Grabe, ayaw ko sanang paawat kasi okay
sa olrayt ang sensation. Eh, malay ko bang biglang
maghuhuramentado si Tatay at hindi raw niya makita’ng hinahanap
niya. Naupuan ko pala ang cell phone niya. Pinapa-ring
pala niya eh di niya alam, naka-silent mode kaya super
vibrate
lang. Nakakakiliti talaga. Try mo. Hi-hi-hi. Enjoy
ako doon, ah! Sarap ulitin.

 

-ooOoo-

 

Aba naman si
Nanay, nagluto, akala ko pusit. Kulay itim! Bah, kasabi-sabi –
paksiw daw, at galunggong daw iyon. Wow, mader! Walang tulad
moh! Sobrang alat. Tinoyoan pa yata. Saludo ako sa mga inang katulad
mo, inay!

 

-ooOoo-

 

Ano na nga
kasing plural ng sheep? Nakakalito naman itong
assignment na ito. Mamaya naman, Geometry. Hindi ko
talaga ma-gets kung bakit kailangang pahirapan ang mga
estudyante ng ganito. Kapag ba naging boldstar ako, itatanong
sa akin ang eksaktong circumference o volume ng mga
dibdib ko, kaliwa’t kanan? Kapag ba nag-Japan ako, kailangang may
mga exact distance at saka exact angle sa pang-aakit ng
kostumer? Simple lang naman ang pangarap ko, eh: makatapos ng
pag-aaral at magkaroon ng sariling turon stand. Magagamit ko
ba doon ang mga “A squared is equal to B squared plus C squared
ni Pythagoras na aywan kung bakit kailangang i-share sa akin
ang solusyon sa problema niya, hindi ko naman siya friend.

 

Pati na iyong
mga positive at negative valences ni Madam Kabayo. Kung
siya nga mismo nalilito sa itinuturo niya, ‘di mas lalo ako.
Papag-uwiin pa kami ng sangkaterbang problema na aywan kung ano’ng
relasyon sa itatayo kong bisnes. Mamaya na lang ako magkukuwento.
Concentrate muna ako.

 

-ooOoo-

 

Ano ba’ng
gusto mong ikuwento ko? Wala akong maisip, eh. Puwedeng next
chapter
na lang?

 

-ooOoo-

 

Natatae ako. Mamaya na nga lang
ulit.

 

-ooOoo-

 

O…? Ba’t
nakatunghay ka pa rin diyan? Pati ba naman sa bawat mga pag-iri ko
kailangang nakasubaybay ka? Bigyan mo naman ako ng private moments
para ma-enjoy ko ito, ‘no!

 

-ooOoo-

 

Ano ba? Hindi
pa ako tapos umebak… Mamaya ka na lang mang-istorbo! Hindi ako
makapag-concentrate, eh. ‘Pag nainis ako, kakawkawin ko’ng
laman nitong inidoro at isasaboy ko sa iyo! Next chapter na
lang kaseh. Lubayan mo muna ako.

 

-ooOoo-

 

Ay syet, walang tissue. Pahiram naman ng t-shirt mo, pamunas
lang.

 

-ooOoo-

 

Hay sa wakas… nakaraos rin.
Hoy! Basa ka pa rin ng basa, wala namang kuwenta mga binabasa mo.
Hala, sibat na!