Malasa Chapter 10

IKASAMPUNG
CHENES

Ikasampung
Yugto ng mga Diwatang May Amnesia

Paru-paro,
ang weird ng panaginip ko kagabeh. May taong nakaharap sa
akin, di ko sigurado kung babae o lalaki pero mukha siyang tao.
Siguro nga tao siya. Pero nakaamoy ako ng hindi maganda sa panaginip.
Hindi naman mabaho o malansa pero hindi ko gusto. Parang iyong
pabango mong tsap-tsap. Anyhooh, may sinasabi siya, di ko
maintindihan. Parang Aleman o Russian ang pinagsasasabe tapos
kinakausap akoh! Malay ko ba naman sa mga yinayawyaw niya, eh Tagalog
lang ang alam kong salita, ‘de hindi ko pinansin…”

Nakamaang
lang si Carlo sa akin habang kinukuwento ko ang panaginip ko at
habang naghihintay sa pagdating ng aming butihing guro sa English.
Iyon bang pagkakamalan mong mataman ang pakikinig at naiintindihan
ang mga katagang nagpa-fly over sa bunganga ko, gayung ako
mismo eh di ko rin naintindihan kung may logic bang nagaganap
sa story-telling ko.

Tapos,”
dugtong ko, may nalalaman pang konting twist sa kuwento ng
panaginip ko, “maya-maya, umiyak sa harap ko… en den, nag-iba ang
kapaligiran at napunta kami sa isang lugar na hindi ko maintindihan
kung ano. Andaming nakasabet na wall clock. Iyong iba,
talagang may arte pa ang pagkakasampay sa mga dingding. May mga
kakaibang hugis – may hugis paa, hugis na magaslaw, hugis na
malaswa, hugis na korteng kuwan… bastah, ang dame. Wala akong ibang
naririnig kungdi tik, tak, tik, tak, tik, tak… ako naman, sunod
lang doon sa taong naglalakad papunta sa kung saan. Tapos, nagsalita
na naman iyong tao… tiningnan ko nga ng masama, eh. Sinabihan ko
talaga siya ng, ‘Puwede bah! Alam mo namang di ako makaintindi ng
mga sinasabe mo diyan, usap ka pa rin ng usap! Ang haba-haba ng dila
mo, ba’t di mo pabawasan! Tatay ko, madaming labaha, tulungan ka
noon! Mukha kang manananggal! Ano ka ba, babae o lalake!? Naiirita
ako sa pagmumukha mo… May meryenda ba rito? Kakagutom ha! Talak ka
lang ng talak diyan. Hmph!’”

Ano’ng
sabi niya?” tanong naman ni Mariposa na akala mo, talagang
interesado. Nagpirat pa ito ng isang balot ng mani na akala mo,
nanonood ng telepantasya sa TV.

Eh di
malay ko!” sagot kong nagniningning, “Tanungin mo pa ako eh,
sinabi ko nga na hindi ko siya maintindihan. Hay nako, ang ginawa ko,
kumuha ako ng isang orasan at nilaklak ko. In fairness, lasang
tsokolate na may banilya sa loob. Napatitig sa akin iyong tao, tapos
kumuha rin ng sariling wall clock at nilaklak niya. Ayun, dun
natapos…”

Bakit di
mo ako pinagtira, masarap pala!?” may hinampo pa sa tono ng
hinayufak!

Di ko alam
kung susungkitin ko ang talukap ng mata nang kausap ko o dudutdutin
ko ang noo. Pinaliwanag ko nang panaginip iyon, hala, gusto pang
makihati sa ninamnam kong wall clock!?

Minsan
Carlo, palagay ko, nasosobrahan ka na sa pagkain ng gulaman.
Nakakaadik ba iyan at may tamang high ka ngayon?”
nangungulubot ang baba ko habang nakababa sideways ang
dalawang gilid ng bibig ko. Umay na umay ako sa arte ni Mariposa!

Bakit
naman pati inosenteng gulaman, kailangang madamay sa kuwento mo?”
ani Carlo, parang mali-mali na nagulantang ng isang rebelasyon.

Ne… ang
kuwento ko, panaginip… weird nga eh, di ba? Saan ka naman
nakakita ng tsokolateng orasan na nakasabet sa dingding at available
na lang sa lahat ng gustong pumitas dito sa totoong buhay?”
paliwanag ko sa kausap kong di ko alam kung bakit tigagal sa
pag-intindi ng kuwento ko.

Ay, akala ko, tapos na iyong
kuwento mo ng panaginip mo… Sabi mo kasi, nag-iba paligid. Akala
ko, nagising ka na… Ba’t di mo sinabe agad? Akala ko, totoo na
eh.”

Gusto kong
sumingasing sa inis. Nagsisikip ang dibdib ko sa aning na ito.
Kinakausap ako, pero pakiwari ko, lampas-lampasan ang tingin sa aken,
hindi naman siya banlag. Parang may tinititigan sa likod. Masuri nga.
Ops! Wait a minute…parang ang guwapo ni Paulino ngayon…
A-hah! Sinasabi ko na nga ba, at doon siya nakatitig sa sulok kung
saan nagmumukmok ang walang imik naming kaklase.

Nangiti ako
sa bilis ng isip ko. Naalala ko tuloy na dati silang magkaibigang
nagkahiwalay ng landas dahil sa pambubugbog ko kay Paulino. Bastos
kasi noon, sabagay mukhang nagbago na ito.

Hindi ko alam
na sa kabila pala ng kababawan nitong hitad na si Carlo eh may
namumuo na palang pagnanasa sa dating kaibigan. Hmmm….

Alam mo,
ineng… may plano ako…” nakangisi ako habang marahang ipinipihit
ang ulo ko na parang na-exorcise.

Ano iyon?”
hindi interesado si Mariposa sa pagkakatanong niya pero sure ako
na mandidilat ang mga mata nito pagkatapos.

Eksayted
kasi akong magkuwento ng napanaginipan ko kaya halos nalimutan ko
nang ipinagdala kita ng ginawa kong leche gulaman kagabi in
celebration
sa fighting spirit na ipinamalas mo kagabe,
dagdag pa doon na anniv nina peyrents… Gusto mong i-share sa
kaniya?” tinaas-taas ko ang dalawang kilay ko tapos, kinagat ko ang
lower lip ko na parang nagsasabing tigre ako! Grrrrrrr!

Talaga?!
Ipinagdala mo ako ng leche gulaman?” 100 per cent ang
nadagdag na excitement sa tono ni Carlo na parang tumama sa
lotto ang buwiset.

Dalawang
liyanera! Siyempre di kita malilimutan, bah!” wika ko sabay bukas
ng dala kong handbag na medyo oversized at mapagkakamalang bayong, kinuha ang naka-plastic na leche
gulaman at inabot sa naglalaway kong kaibigan na akala mo’y
king of the jungle na nakakita ng madugo-dugong laman.

O…” dagdag ko habang
tuwang-tuwa sa ipinapakitang kaignorantehan ng kaibigan, “kanina mo
pa tinitingnan si Paulino… bakit di mo lapitan at tanungin mo kung
gusto niya niyan? Sayang naman iyong isang liyanera, o…”

Ano ka ba?
Nagba-blush tuloy ako…” kerengkeng na dayalog ni diwata.

Heh… ang
itim-itim mo, blush! Halatang-halata!” dagdagan ko pa sana
ng, “nanggigitata ka sa banil, hindi ka na nahiya sa litanya mo!”
kaso baka ma-offend kahit na nagbibiro lang ako. Hindi
naman talaga siya maitim. Kulay tsokolate lang… iyong purong-puro
at walang halo.

Nahihiya ako, eh. Baka
sabihin niya, ano…” pangiwi-ngiwi pa ang bunganga ni Carlo habang
nagsasalita, hindi natatakot mahanginan!

Sige na,”
suno ko, “andami mo pang arte… Mag-aalok ka lang naman, ah. At
saka, kaibigan mo naman siya dati, ‘di ba? Ano namang sama kung
mag-aalok ka ng leche gulaman as peace offering matapos ang
kaganapan lampas dalawang taon na ang nakalilipas?!”

Baka
mapahiya ako, eh… at saka baka gulpihin ako. Lalo na’t guilty
pa rin ako hanggang ngayon sa nangyari matapos ko silang i-back
bite
para makalaya ako sa panggigipit nila…”

Ginigipit ka nila dati?”

Tumangu-tango
ang diwata. Parang high sa gamot. Shocked ako sa
revelation ni Carlo. Kung alam ko lang na ganoon pala ang
treatment nila sa naging kaibigan ko, hindi lang ganoon ang
inabot nila sa akin. Kaya pala bumalimbing sa akin noon. Gusto na
niyang lumigaya!

Alam mo,
palagay ko, nagbago na naman sina Paulino…” nagulat ako sa
lumabas sa bibig ko, para akong angel na kapupulutan ng mahahalagang
mensahe buhat sa hipapawid, “at saka, hindi mo ba sila nami-miss
kahit papaano. At saka, kanina ka pa titig ng titig diyan,
kunya-kunyari ka pang nakikinig e sablay din naman ang mga hirit mo.
At least, masubukan mo man lang iyong makapag-alok ka. Kung di
siya pumayag, eh di, huwag! Ipakain mo sa kaniya iyong liyanera!
Backup mo ako, huwag kang mag-alala!”

Ngumisi-ngisi si Carlo na parang
nahanginan ang utak.  Ewan ko, kung minsan, mga obserbasyon ko sa
tao, parang laging may sabit. Baka ako, may sabit din?

Ilang saglit
pa, lumabi ito ng “Thank you…” bago aktong tatayo nang
umentra naman sa bukana ng classroom ang kagandahan ni Ms.
Concia na parang gustong ibalibag ang sarili sa dingding. Nananakbo,
at… dala na naman niya iyong cassette recorder. Talagang
sing-along ang trip neto!

Kanta
kayo, ma’am?” bulong ko na naulinigan ni Carlo at nang mapatingin
kay Ma’am Concia ay nandilat ang mata na parang matatanggal sa
socket iyong eyeballs. Andaming puti, parang
na-overwhelm iyong itim ng mga mata niya. Tapos ngumanga para
magpalabas ng tawang walang sound.

Hay, Carlo! Kailan ka pa
magbabago?

Tomorrow,”
bungad ni Ms. Concia at ni hindi man lang magpasintabi kung bakit
late na naman siya, the next reporters will be
Ms. Galang and Mr. Trias. Today, I’m supposed to give you a quiz
regarding the reports done by Ms. Coles and Ms. Perez yesterday.”

Nag-ungulan
kaming mga estudyante, hindi pabor sa inaasal ni Ms. Concia.

But
unfortunately,
” sabad agad ng hindi nadidiskaril na guro, “I
have to go out for a meeting today. That’s why, I brought this with
me…”
Inilapag ni Ms. Concia ang cassette recorder sa
ibabaw ng mesa, “As you may have noticed, I brought this
yesterday as well. I made it to the point that the first report be
covered and taped. Luckily, the report yesterday was a success and I
want to congratulate the two reporters for a job well done. I urge
you to do the same performance, if not better. I admire the guts on
both of them. They earned special merits on this class and they both
received extra points for a well-prepared report and defense.

Para akong
malulusaw sa hiya ng magpalakpakan na naman ang mga kaklase ko na
pinangunahan ni Ma’am Concia na ayaw itigil ang pagmi-“Mez Kowlz”
sa akin! Buti na lang, ala akong cell phone kungdi, siguro,
punumpuno na ng pangalan ni Miss Concia ang history ng cell
phone
ko sa kami-“Mez Kowlz” niya sa aken.

Miss
Coles…

Napaangat ang
puwet ko sa pagkakatawag sa akin ni Miss Concia. Inikot ko ng konti
ang ulo ko sa leeg, para kasi akong biglang na-stress.
Naglagutukan iyong mga nahanginang lamad. Saka lang ako tumingin sa
nakangiting si Miss Concia.

Yes
madam
?” sagot ko habang pilit binabalanse ang dalawang balikat
na medyo napahiwi sa kaliwa.

I need
to speak with you. Come.

Iwinisawis ko
ang kanang kamay bago isinampay ang kaliwa sa kanang balikat. Parang
namimigat ang dalawa kong mga binti pero alam kong masyado pa akong
bata para manasin kaya lumakad ako papunta kay Ma’am Concia sa
pamamagitan ng will power. Tamad na tamad ang mga paa ko sa
paglapit sa kanya at halos mag-effort ako ng husto para lang
makalapit. Oblivious lang ang mahaderang guro. Walang pakialam
sa pinaggagagawa ko sa sarili ko.

Nang
makalapit ako makalipas ang maraming panahon, bumulong ito, “I
presented the recorded version of your defense yesterday to our
Department Head. She was convinced that I must encourage you to
represent our school in the upcoming Extemporaneous Speech Contest
next Monday.

Nagulantang ang himaymay ng
konsensiya ko sa sinasabi ng guro. Kahit sa bulungan, Ingles pa rin
ng Ingles, gustung-gustong nahihirapan ang mga kausap niya. Kapag
kaya natutulog ito, napapanaginipan niya, Ingles pa rin ang dayalog?

Ma’am,
di ba may contestant na tayo doon? Iyong fourth year na
kandidato sa pagiging valedictorian…

I’m
not at all impressed with her reasoning ability extemporaneously
speaking. She’s very good in English writing but she had difficulty
on explaining herself speaking impromptu. You may have not noticed
it, but I have been observing you, this year. There were quite a lot
of improvements and given the right support and stimuli, I believe
you would do better.”

Ba’t
naman ako pa, ma’am? Di ako sanay sa ganyang pasali-sali ng kontes.
Baka mapahiya ang eskuwelahan sa mga katwiran ko kapag tinanong ako
ng kung ano.” Totoo naman. Kahit naman kailan magbuhat pa noong
elementary ako, hindi ako nasali sa mga kontes na ganyan. Okay
na sa akin iyong walang palakol sa kard. Nakamata lang ako sa
nakakunot-noong gurong wari’y inaanalisa ang ekspresyon ng mukha
ko.

You
know better than that,
” sabi nito pagkuwa’y, “I can see
so much potential in you. Please, this a chance to prove to yourself
and that you’re not like everyone else. You’re going with me…

Iyon lang at yumukod si Ma’am
Concia, hinablot ang kaliwa kong kamay at hinila ako na parang batang
ayaw magpabunot ng ngipin. “Ma’am ano ba? Susunod ako… huwag
niyo na akong puwersahen, okay…”

Ngumiti ang
luka-lukang guro at saka lumakad na parang may sayad. Sumunod naman
ako.

Pumasok kami
sa isang kuwarto sa fourth floor. Kuma-kah-kah pa ako ng
pumasok at napagod ang beauty ko sa tarik ng staircases.
Andoon si Mr. Punzalan, adviser namin sa school organ,
si Mrs. Kat Delos Santos, Academics Department Head, at tatlo
pang English Teachers. Andoon si Marilyn, iyong fourth year
na sinasabi kong kandidato sa pagiging valedictorian,
kasama si Alex at David, Editor in Chief at Managing Editor
ng school organ. Andoon din iyong iba pang mga editors
at mga presidents ng kung anu-anong organization ng
school. Sa isip-isip ko, “Ano’ng ginagawa ng isang
pangkaraniwan at hamak na literary writer and contributor na
katulad ko sa paligid ng mga taong ito na tumitibuk-tibok ang mga
utak sa sobrang pintog?”

Pinatayo ako
sa hilera ng mga estudyante. Ako lang ang third year. Naaasar
ako dahil hindi ko alam kung ano’ng nangyayari. Gusto ko tuloy
magkamot ng singit at nangati dahil sa pamamawis ko. Hay nako, ‘pag
ako hinadhad, wala akong ibang sisisihin kungdi itong si Miss Concia!
Siya pabibilhin ko ng soothing cream.

Good
morning…
” bati ni Mrs. Delos Santos.

Good
morning, ma’am…
” bati naman ng lahat na sinabayan ko na
lang at di ako komportable sa sitwasyon.

Nangiti at
umiling-iling ito ng mapatingin sa akin. Nakanguso ako at dama ko ang
pagkakalukot ng kanan kong pisngi na pinandilatan agad ni Miss
Concia. Sinapad ko ang mukha ko sa pamamagitan ng palad. Kasalanan ko
ba kung disoriented pati ang mga muscles ng mukha ko sa
mga nangyayare?

As we
all know, the Extemporaneous Speech Contest is fast approaching and
we have yet to decide the two contestants to represent our school.
The Mayor is a big fan of extemporaneous speech and gladly guaranteed
generous prizes for the winners. The school of the frontrunners will
receive an ample amount of donation – P5,000.00 for the first
prize; P3,000.00 for the second; and P2,000.00 for the third; while
the winning students will receive P2,000.00, P1,000.00 and P500.00
each, for the first, second and third prizes respectively.”

Abah, di
naman pala masama! Kapag nanalo kameh, for sure, puwede nang
mapalitan iyong bell naming naghihingalo! Malaki-laki na rin
iyong perang matatanggap ng school, kahit third prize lang.

That’s
why; I have gathered all fifteen of you here for you were
pre-selected by your mentors to represent our school. But as I said,
we only need two representatives. Therefore, you need to contend with
one another for the slots. Are you ready for that?”

Yes,
ma’am!”
sagot naman ng mga hinayupak kong mga kasama na
mukhang nagagahaman na kaagad ng marinig ang laki ng ipamumudmod na
salapi.

Taas naman
ako ng kamay… “Ma’am, di po ba ako under qualified? Ako
lang po ang third year dito sa hilerang ito, eh…”

Nandilat na
naman ang mga mata ni Miss Concia at para ko nang nakikita sa
balintataw ko, “Warning: English Speaking Zone!

Nakita ko ang
pangkaraniwang amusement sa pagkakangiti ni Mr. Punzalan. Ewan
ko sa lalaking ito! Laging natatawa kapag nakatingin sa akin…
minsan natatawa na lang din ako kahit wala akong ideya kung ano’ng
nakakatawa sa sitwasyon. Ngumuso ako na bigla ko ring binanat ng sa
ikatlong pagkakatao’y nandilat na naman si Miss Concia.

Ngumiti lang
si Miss Delos Santos, tumingin ng hindi maganda kay Miss Concia na
ngayo’y tila napapahiya bago tumingin ulit sa akin, “The
contest is open for Juniors and Seniors of each high school in this
town… but if you’re willing to back out, you may leave this room
and come back to your class…”

Ang una kong
naisip gawin ay humalakhak at tumili ng “Owrayt!” pero nang
mapatingin ako sa pagmumukha ni Miss Concia, nanahimik na lang ako
pagkatapos kong bumulong ng “sowi po mam…”

Pumormal ang
mukha ni Miss Delos Santos bago muling nagsalita, “The rules are
simple. You will be asked a question, will be given one minute to
prepare, and then on with your speech. Ms. Portes will raise her hand
as a signal once your minute is up. You however may opt to cut the
time up when you feel ready, but once you start your speech, your
preparation time expires as well. You may speak as short or as long
as you want, provided that you give enough justification to your
answer. If you have questions, raise your hand as early as now…
anyone?”

Walang nagtaas ng kamay pero
ewan kung bakit tila biglang namagnet ang kanang kamay ko para kusang
wumasiwas pataas.

Napatingin ang lahat sa akin,
pero tumango lang si Miss Delos Santos.

Who’s
first?”
ang kumawala sa bibig ko. Wala naman akong ibang
naiisip, at sa totoo lang, kahit pakiramdam ko’y kabado ang iba,
ako naman… pakiramdam ko… uhm, wala… wala lang. Sana lang,
kabahan din ako para fair.

Okay…
dinig kong sabi ni Mr. Punzalan sabay labas ng isang box na
may mga nakarolyong papel, “these rolled papers have numbers
marked 1 to 15… it’s sort of a lottery. Pick one and your turn
depends on the number you picked.”

Ngayon ko lang narinig magsalita
ng Ingles itong si Mr. Punzalan. Nagmukha tuloy siyang disente gayong
haragan ang hitsura neto. Mas bagay sa kanya magpulis. Walang
kriminal na di matatakot sa kanya. Mas mukha pa siyang kriminal sa
mga iyon, eh.

Anyhooh,
nagbunutan kami… hindi ng uban, ano… ng papel! At whoah! Ang
lola mo, number 11. Lucky number ito! Baket kanyo? Eh,
parang dalawang turong nakatayo, eh, di ba naman lucky iyon?

Eto ang mga
summary ng mga sagot na tinandaan ko at naka-impress sa
akin kahit papano:

No. 1, Alex Camino, Editor in
Chief:

Question:
Is there life after death? Justify your answer.

Answer
after about 30 seconds: The bible clearly stated that there is life
after death. We are only passing into this world and eternal life
shall be granted for those who’s at peace and performed good deeds
whilst the others who’ve done harm and disorder shall be punished
in the lake of sulphur and fire for eternity. The bible also stated
that life on earth is shorter than eternal life – so we are only
given two options: perform good deeds and enjoy life in heaven or
execute wickedness and live eons in torment. Therefore, I choose to
believe there is life after death. The only reason for the presence
of equilibrium of earth’s good and bad within this lifetime is
because of the general belief that there is… Thank you.

No. 5, Marilyn Monero,
candidate for Valedictorian:

Question:
Do you agree in capital punishment? If so, why?

Answer after one minute: No.
Criminals are still human beings and they are entitled for life as we
are. They may have performed grave actions but human segregation –
say imprisonment of the offenders – for me is enough. Termination
of life is never the answer to peace. There’s no excuse to claim
other people’s life, criminal or no criminal. Only God has the
right to claim it from us. Thank you.

No. 9, David Belo, Managing
Editor:

Question:
Can terrorism be cured? Please defend your answer.

(Hmmm…
Parang natanong na sa akin ito, ah… pero di ako masyadong
na-impress sa sagot. Para kasing narinig ko si Charisse sa
kaniya, eh! Tsaka, palagay ko lang, hindi niya masyadong nasagot
iyong tanong… iba naman ang cure sa end, di ba?)

Answer after one minute: As a
matter of fact, yes. Terrorism is a human act, and since humans
perish, it is but conclusive that terrorism has its end. There are a
variety of means to cure terrorism. One such way is through education
– given the right way and means to educate people, terrorism could
be cured. Thank you.

Sige lang ang
pakikinig ko sa iba. Para naman kasing andaming sabit ng mga response
nila. Hinuhugot sa bangin. Kung anu-anong mga pinaglilitanya kahit
wala na sa topic, sige pa rin ng sige. Hindi na sila nahiya sa balat
nila. In fairness, sina David at Marilyn, mga Bisaya, pero mas
magagaling pang humabi ng sagot sa kanila. Klaro at mahusay ang
pronunciation, annunciation at diction. Iyong isa,
idinamay pa nanay niya. Ano ba? Tungkol sa Nuclear Power ang
tanong, ano’ng kuneksiyon ng nanay mo doon, ha? Lekat na ito!

Ms.
Coles…

HMeszh,
HKowlzh?” Wow… akala ko, wala nang mas aarte pa kay Ms. Concia
pagdating sa pagpo-pronounce ng apelyido ko… hala, sumobra
pa pala itong si Mr. Punzalan. Pakitang-tao masyado kay Ms. Delos
Santos! Hoy, ser! Di ba, di ka pa nakakalabas ng bansa? Ano’t
nagmamaarte ka na rin ng tawag sa akin? Hinihingahan ang una’t
huling letra ng sinasabe! Di naman siya nag-marathon para
hingalen! Kowh!

Eto na naman
at makahulugan na naman ang mga ngise. Parang lahat na lang ng
sasabihin ko sa kaniya, laging walang sense! Hmph!

Yes,
sir?
” Teka, turn ko na ba?

As you
can see, you are the only Junior student on the line. What do you
think are your qualities superior to others that qualify you to join
this contest and, in turn, make our school win?”

Natahimik ako
bigla… Eto na ba iyong tanong sa akin? Bakit parang kakaiba? Iyong
sa iba, mga pananaw sa kung saan o kung ano… bakit iyong para sa
akin, pananaw ko sa sarili ko? Ang ganda-ganda naman, para akong
binigyan ng bato at gustong ipalulon sa akin. Siguro naman hindi…
siguro may follow up question pa. Ano lang siguro ito… ahm…
pang-asar lang.

Napapanguso
na naman ako. Sarap humalukipkip. Pero sige na rin, makasagot na nga
lang. Lord, patulong po and thanks in advance.

I’m
sorry, sir… is that the question I’m supposed to answer and
justify? Because if it is not, I’ll just answer it with one simple
word - ‘nothing…’ and if it is, I have to defend my answer by
saying, ‘because we are all created equal.’”

Ititigil ko
na sana iyong sagot ko, pero may naramdaman akong kakaiba sa damdamin
ko. Medyo, weird, pero… kailangan kong ipagpatuloy ang buka
ng bibig ko.

I
consider myself fortunate enough that someone behind that table…

saka ko itinuro iyong mesa nila sa direksiyon ni Ms. Concia,
“…believes in my capability. But it had never been my thought
that I am superior to anybody just because I am a year younger than
any of them. What made me think I am special? I’ll bluntly say
none! I am just another regular student striving to get good grades
and make myself and my parents proud. No, sir… I definitely have no
qualities that would make me say, or even think, I am superior to any
of them… but, I can state my case of being different.

Frankly
speaking, Ms. Concia just dragged me over, and I mean that literally,
to come here. I am aware about the contest, I should know, because I
have been a member of the school organ for almost two years now and
information such as this shouldn’t go past our eyes and ears.

I have
never been in a contest before so I really don’t know how to put
myself on it. I don’t even think I am qualified enough. In my
honest opinion, Alex and Marilyn were the ones really qualified and
they proved themselves by expressing their viewpoints eloquently, and
without a doubt, intelligently. But, that is my opinion, least to
say.

When I
heard about the prizes… I said, ‘whoah! Wait a minute…’ I
tell you honestly, I was driven to vie for the spot. I know what
you’re thinking, but I will not deny that… Of course, who
wouldn’t want to be 2,000 pesos richer? Anybody?

Pause
muna ako at patingin-tingin sa paligid kung may sira-ulong magtataas
ng kamay. Wala naman, so far…
so bago pa may magtaas,
makapagpatuloy na!

But to
prove I am different, I’ll just ask one question: has anybody in
this room known or got acquainted to a sick old lady by the name of
Belle?

Sino siya? Tanong ko rin iyon sa
sarili ko, pero ako mismo nalilito na rin sa kung saan papatungo ang
sinasabi ko. Kinakabahan na rin ako dahil alam kong parang hindi na
ako ang nagsasalita… nararamdaman kong medyo naiipit ang dibdib ko
na parang dinaganan ng isang toneladang bato. Nahihirapan na nga ako
huminga, eh… hewww!

Nakita kong
nagbubulungan ang mga guro… pero wala naman akong pakialam, eh…
why bother?

I
didn’t think so… You may have not seen her, but Belle has always
been around diligently doing her job… classes after classes… time
after time. She calls us to fall in line before our flag for the
morning ceremonies; she always screams so that we won’t be late for
the next classes; she yells when it’s time for our morning or
afternoon breaks; she roars during lunch time; and finally, she cries
for us when it’s time to go home.

Recently,
I noticed her frequent hiccoughs… she wanted us to hear that she
needs to rest. But it had almost been a month of ordeal and everybody
just ignored her. Her hiccoughs had worsened and lately, her shouts
sounded extremely agonizing that every time she ends it… there were
hoarse coughs painful enough to disturb anyone’s senses.

You
see, I wanted to join the contest as a tribute to Belle and for all
the other school assets that have been a part of our school for very
long years now requiring either healing or permanent rest. After a
repair or so, they may be able to function again but if they can’t
anymore, we need to find a solution to let them rest and be replaced
by a new one.

I am
driven to win the contest… because I am driven enough to bring home
another Belle to take her place. I know I will win the contest
because I wanted to make sure the diligent old Belle we have right
now will find her way to a long peaceful rest. Ladies and gentlemen,
I will win the contest for her. It is high time we set our old Belle
free.

Thank
you…”

Leave a Reply