Malasa Chapter 9

IKASIYAM
PU EN KONDISHUNER

Ikasiyam na Yugto, kailangan mo
nang maligo

Alas onse na
ng dumating kami ni big browzer sa haws. Andaming reklamo!
Kesyo nananakit daw ang paa niya sa layo ng nilakad; kesyo nagugutom
daw siya at kailangang ipagprito ko raw ulit siya ng itlog; kesyo sa
kaniya raw dapat ang dalawang liyanera ng leche gulaman dahil
todo raw ang gutom niya; kesyo ako raw ang ipangsasangga niya sa mga
hataw ni Tatay kapag nagalet; kesyo binabanil na raw siya at ang kati
daw ng likod niya dahil di raw siya naligo kahapon at ngayon.

Hah-nep!
Gawin ba akong diary? Bakit kaya di na lang siya magsuplong sa
pulis?

Saan kayo
nanggaling mga hinayupak kayo? Wala kayong paa-paalam, ah…” si
Tatay at medyo galit lang. Nakita ko kaagad na may nakayukayok na
lalaki sa harap ng PC desk at may hinahalungkat pero
napatingin ulit ako sa mga magulang ko dahil kailangan nila ang aming
full attention.

Oo nga
naman mga kids… kanina pa namin kayo hinihintay dito…”
ani Nanay na nakakapagtaka ang pagkamalambing. May pa-kids-kids
pa. Wo-how! Parang nakakain ng prawns at in-allergic
ang ngala-ngala. Di kaya nilagnat ang masamang mood ni
Nanay?

Kadarating
lang natin, dear, ah,” nagtataka at inosenteng sabad ni
Tatay na di na lang nakiayon para sana mas kapani-paniwala ang
galit-pakiyeme event nila.

Nag-iwan
po kami ng note sa ref, mga parents ko. Di kami
nakapagpaalam kasi on an anniversary date kayo. Pinanood lang
po namin iyong kontes ni Carlo sa Hala-Hala…” malumanay kong
sagot. Ni hindi man ako nakaramdam ng kaba. Sa hitsura nila, parang
gusto lang nilang magpapansin sa lalaking nakaupo at may kinakalikot
– pakitang-tao lang na kunwari eh authority figure sila sa
pamamahay na ito pero walang linaw kung talagang concerned ba
talaga sila sa pagkawala namen, ‘koh!

Nakow,
kontes na walang kakuwenta-kuwenta, ‘Tay. Magaling ka pang kumanta
sa mga kontestan doon ‘Nay!” sabad agad ni Kuya na aywan kung
saan nahagilap iyong kornik na nilalaklak ngayon. Walang sabit kung
lumaklak… Di kailangan ng tubeg?

Ano namang
nangyari doon sa kontes? Nanalo ba si badikla?” magkasunod na
tanong ni Nanay sabay angkla sa braso ni Tatay, iyong tonong hindi
naman talaga interesado pero kailangang lang talagang sagutin dahil
ina siya. Limot agad na kunwari’y galit sila sa pagkawala namin.

Mananalo? Ututan ko pa mukha
ni Carlo! Ang tigas ng mukha Nay! Mangani-ngani kong dukutin ang
lalamunan at ibenta ng piso santumpok sa talipapa… Walang
karespe-respeto sa sarili. Hindi man lang bigyan ng dignidad ang
pangalan niya. Sarap tsinelasin ang kilay eh…” muling sabad ni
Kuya, na nang lingunin ko’y nagtaktak ng kornik sa palad at saka
nginabngab na parang baboy.

Napangiwi na
lang ako. Ano ba’ng ugali netong kabalasubasan? Eeewww!

Magtigil
ka nga Makmak,” saway ni Tatay, pasinghal kay Kuya, “akala mo
kung sino kang kagaling manlait. Ilampaso ko iyang mukha mo sa sahig,
eh. Hala, andiyan iyong technician ni Cardo at dala na
iyong… ano na nga iyon?”

Na-excite
ako nang malamang may technician. Ibig sabihin, magagawa
na ang computer namin.

Video
card
?” patanong kong sagot.

Hinde…
may ano iyon, eh parang net yata umpisa noong pangalan…
ahm… ano na nga kasi iyon, dear…” baling ni Tatay kay
Nanay.

Malay ko
sa inyo! Problema niyo iyan… Gagalisin pa ang pisngi ko sa
kakaisip!” sagot ni Nanay, lumabi sabay tingin sa mga kamay na
ipinilantik, tila inaanalisa kung kikislap ba sa ilaw iyong bato sa
suot na singsing.

Nay,”
pansin ko, “parang na-in love kayo sa singsing niyo, ah.
Bakit di kayo pakasal?”

Hoy
Kulasa, kung gusto mong huwag mamusarga bunganga mo, magtigil ka sa
mga litanyang ganyan ha! Ganitong ang ganda-ganda ng mood ko,
baka bigla na lang umigkas ang paa ko, masipa ko mukha mo diyan!”
birada ni Nanay, hindi pa masyadong nakakatakot.

Bah, si
Nanay! Kick-Boxer! Sige nga ‘nay sampol. Tingnan lang natin
kung kaya niyo nga bang manipa ng ganoon kataas,” tatawa-tawang
pang-aasar ni Kuya.

Iyong lapit ni Tatay sa kaniya,
hindi napansin ni Kuya ang bilis ng kamay nito ng makonyatan siya.
Para tuloy natagtag ang utak. Kawawa naman.

Kesa kung
anu-ano’ng sinasabi mo diyan lekat ka, kanina ko pa tinatanong
iyong panggawa sa computer, di ka nag-iisip, kulugo!”
napikong birada ni Tatay.

Video
card
nga po…” sagot ko ulit, parang gusto ko nang mawalan ng
pasensiya. May kakulitan din kasi itong si Tatay, eh. Kahit na
sigurado na ako sa tono ko, ayaw pa ring makinig.

Bakit ba
marunong ka pa sa aken…” angil nito. At wow – nanininghal!
Ready ka na mag-amok itay?!!! Naaaaapakabagsik ng mukha,
“hindi nga iyon! Tungkabin ko mga ngipin mo, eh! Inilalagay iyon sa
loob nung bakal na karton…”

Ngek! Me bakal bang karton…
hello! Hello, ‘tay? Bakit di ka na lang magbakal?

Sandali
tawagin ko si Tonton. Tonton!” pasigaw na tawag ni Tatay na akala
mo’y milya-milya ang layo ng tinatawag gayong wala pang limang
metro ang layo sa kaniya noong technician.

Mang
Otis,” sagot naman ng nagulantang na technician. Kitang-kita
ang pagpisig ng katawan nito na parang pinuslitan ng kaluluwa.

Ano na nga
kase iyang dala-dala mo?” tanong ni Tatay, kunot-noo at parang
namimiga ng lemon juice ang pagitan ng dalawang kilay.

Video
card
po,” sagot ni Tonton.

Ayown,
video card!” ani Tatay at pailing-iling pa na parang Bumbay.

Hay, buhay!
Ang kuleht! Tsanein ko na lang kaya ang uban nito ng manahimik na
lang sa isang tabe. Di pa naniwala sa aken. Napapatirik ang mga mata
ko sa ugali ni Tatay. Lagi na lang iyang ganyan. Gamarmol sa tigas
ang ulo. Haaayyyy!!!

Huwag na nga lang akong kikibo.

Ginagabi
ka na Tonton, ah,” pahayag ni Nanay, para lang may masabe, at
nahagilap kaagad ang isang liyanera ng leche gulaman.
Nanginginain na.

Okay lang
po Aling Kobang… Bayad naman ako ni Kuya Cardo sa serbis dito,”
tatawa-tawang ani Tonton, magalang na parang di lumaki sa Maynila
gayong isa ito sa mga namumuno ng basag-ulo noon sa Kalye Silencio
Por Favor
, katabi ng Kalye Let’s Get Loud. Dati itong
adik-adik, eh. Na-rehab at doon natutong magkukutingting ng kung
anu-ano, siguro dahil walang magawa sa buhay. Nang makalabas,
nag-aral ng six-month computer technician course sa AVA
Computer Training Center. Kaya ngayon, alila siya ni Mang Cardo,
may-ari ng Gagambang Ligaw Internet Center. May improvement
sa buhay!

Pagtingin ko
sa banda ni Nanay, lekat si Kuya, nagawang makapunta agad doon at
nangangalahati na agad ang liyanerang hawak-hawak nang hindi ko
namamalayan. At si nanay, napakahinhin sumibasib, talagang ninanamnam
ang bawat butil ng nginunguya niya…

Nay gawa
ko iyang leche gulaman. Pasalamatan niyo naman ako,” pahayag
ko.

Hinarap ako
ni Nanay, akala ko magpapasalamat, pero nang kumunot ang noo at
nagsabing, “Andami mo namang sinayang na gatas! Masyadong
malinamnam! Magtipid ka naman sa sangkap sa susunod Kulasa! Hindi
naman ikaw ang gumagastos dito,” para akong pinagsasasampal ng upo
sa mukha!

Koh, kung
di ko pa alam… nasasarapan kayo diyan! Special na araw ito,
kaya dapat lang na special ang pagkakagawa. Kayo naman…
gusto niyo bang tipirin ko ang sangkap ng iluluto para sa anniversary
ninyo!” sagot ko, sabay nguso, muling tiningnan ang mga kuko ko
na kung bakit ngayo’y tila nagkayod ako ng lusak. Hindi naman ako
naghuhukay ng lupa pero bakit napakadumi ng mga dulo ng kuko ko,
lekat!

Oo nga
naman dear,” sagot ni Tatay at hah-nep, may sarili ding
liyanera! Helow, dessert iyon! Gawin bang main course! Sila
itong hindi nagtitipid, eh! “Masarap naman di ba. Pasalamat ka na
lang. Bigyan mo na rin iyang si Tonton at nang makalimutan niya ang
mga nakaraan niya.”

Eh Tay,
nakakaumay na sa sobrang dami ng sangkap,” sabad naman ni Kuya,
gayung punumpuno ang bibig at ni hindi pa lumulunok.

Heh,
balasubas ka! Lunukin mo muna iyang nginangasab mo bago ka magsalita
kung ayaw mong ipangasab ko rin iyang liyanera sa iyong buwisit ka!
Pangalawang liyanera mo na iyan, ah! Akala mo hindi ko binibilang!
Ikaw nga Makmak, bago ka magsalita diyan, mag-reduce ka muna.
Ikaw ang nakakaumay tingnan, para kang higanteng gulaman!” maangas
na pagtatanggol ni Tatay.

Dinilaan ko tuloy si Kuya.

Tay…”
banat agad ni Kuya, pambawe, “magbubukas ba kayo ng barberya bukas
or what? Gabi nah, hinahanap na kayo ng kama niyo! Kayo Nay,
mabibilasa ang mga isda sa palengke kapag tanghali na kayo nagiseng!
What are you waiting for? Matulog na kayo!” pag-iiba ng
usapan ni Kuya.

Hoy,
Makmak, bukas na bukas, gumising ka ng maaga’t nang
makapag-ehersisyo ka! Masyado ka nang mataba! Lagi ka na lang
naka-buddha diyan sa tapat at wala kang ginagawa kungdi
magngangata ng kung anu-ano. Kaya ka nagsasabi-sabe diyan eh. Di na
dumadaloy ng maayos ang dugo mo sa diyan sa utak mo!” singhal ni
Tatay.

Napakamot ng
ulo si Kuya, pero di pa rin papigil sa pagngasab.

Napansin kong
kanina pa hagikgik ng hagikgik si Tonton habang nagtatrabaho at
hanggang ngayong patapos na siya sa ginagawa niya, halah, siging
hagikgik. Iumpog ko kaya ulo neto sa pader? May sariling mundo itoh!
Hala, di naman namin kinakausap, basta na lang siya tawa ng tawa sa
tabe.

Ilang sandali
lang, natapos na ng mga parents ko ang kani-kaniyang liyanera.
Ipinagbalot ko si Tonton ng isang liyanera ng leche gulaman
bago siya umalis saka nagpasalamat.

Ganito ba
talaga kagulo sa bahay niyo araw-araw?” tanong ni Tonton nang nasa
bukana na siya ng pinto.

Baket, may angal ka?” sagot
ko, parang iritadong bakla.

Wala, ah!
Totoo niyan, nakakatuwa nga, eh… Ang saya-saya,” sagot nito, todo
pagkakangiti – parang mapipirat mga pisngi.

Hoy! Huwag
mong gawing telebisyon ang buong bahay namin! Mukha ba kaming mga
tagabigay ng alew? Humayo ka na nga Tonton, naaalibadbaran ako sa
iyo! Namimilog pa naman ang buwan at mukhang inaatake ka na naman ng
sapi mo. Hala sige sibat na…” sagot ko saka ko ipinagtulakan
palabas ng pinto ang aywan kung bakit tawa pa rin ng tawang
technician. May tiwang na siguro ito, o baka humitit na naman.
Lakas ng trip.

-ooOoo-

Gusto kong
humingi ng payo para matulungan ko si Carlo. Pero kanino naman ako
hihingi ng payo? Hindi ko naman puwedeng asahan mga magulang ko dahil
hindi sila type ng musika. Makasulat na nga lang kay Michael V
kahit hindi naman niya ako sinusulatan pabalik… magkamag-anak kaya
sila nina Gary V at ni Regine V?

Wait…
Regine V! Tama, isang napakagaling na singer! Siguradong
maraming mga proverbs iyon. Kaya lang, for sure, hindi
ako mabibigyan ng oras noon dahil lagi siyang busy, tulad ni
Michael V. Well, di bale, at least, masubukan ko man
lang kung ano’ng feeling ng nagpapadala ng correspondence
sa sobrang sikat na katulad niya!

Dear
Ms. Regine V.
,

I’m not
a big fan, that’s for sure, and I also know that you may not be
able to respond to this letter because you are one dynamic lady who
performs all your obligations and responsibilities not only to
yourself, but also to your family and to your loving fans. But I’m
not about to sit down and watch you singing without praising your
prowess, anoh!?  At siyempre, I wanted to tell you how you inspire
lives not just by singing, but also by humbly living your life
without any trace of pretension. Sabi nga nila, nakadaster ka lang
daw sa bahay. Ang galing mo naman! Hindi lumolobo ang utak mo! Di
tulad ng ibang mga sikat na halos hindi na maabot ng mga maralitang
mamamayan ng Pilipinas ng walang bayad. Ang sarap nilang
pagkukukurutin sa singit!

Dinig ko
ikaw raw namimili ng mga designs ng mga gowns mo. Bongga ka talaga!
Kahit na minsan, angwi-weird ng mga designs at medyo
disproportionate, para lang sa ngalan ng kagandahan, nadadala mo ng
maayos iyong mga gown. Right on, sister! Suportado ka ng mamamayan
dahil wala kang hangin sa utak.

Alam mo,
minsan, habang pinapanood kita sa isang mall tour sa Makati,
nabuwisit ako sa isang mama, ni hindi man lang makapag-react.
Nakapangalumbaba pa habang nanonood sa iyo at walang
kaekspre-ekspresyon sa mukha habang kumakanta ka, samantalang ako’y
halos mapaangat ang puwit habang parang winawasiwas mo lang ang bawat
nota sa hangin. Nang matapos mo’ng kumanta, nagulat na lang ako
dahil hinampas nito ng malakas iyong tabla – hindi nakayanan ang
sobrang paghanga sa iyo, idinaan na lang sa pagpapapansin! Dami ring
mga taong hindi maintindihan ang reaksiyon, ano?! Akala ko noong una
tinatamad, iyon pala dinadama masyado mga kinakanta mo. Mangani-ngani
ko ngang batukan! Wala sa ayos, mukhang abnormal.

I remember
one time noong nag-birthday concert ka sa UP sunken garden. Bata pa
ako noon, pero tandang-tanda ko iyon dahil isa ako sa mga batang
nakakawit sa mga bakal-bakal na plataporma habang nanonood sa iyo.
Type ko iyong drama mo na nakipag-duet ka pa kay Barbra Streisand –
ikaw live, siya on-screen! Nangilabot talaga ako noon! Paano ba
naman, habang todo ang kanta mo, may umutot ba naman sa crowd, at
take note, ang lakas! Kung napansin mo iyong biglang nabakanteng spot
sa crowd, nandoon ako… Ang mga utaw, talagang nagkarambola dahil sa
lakas at antot ng pasabog. I can’t blame him though, siguro di
nakayanan ang intensity ng pinaggagagawa mo, kaya hayun, kinabag! But
it wasn’t me! Promise!

And of
course, who wouldn’t remember the song, “Follow the Sun…”na
kinakanta mo habang umaambon… ay di pa natatapos ang kanta, tumodo
ang ulan! Di ko lang talaga type iyong over ang pagkabasa ko sa ulan
sa ending ng show! Wala pa naman akong dalang payong. Sinipon ako
noon.

Eniweys,
gusto ko sanang humingi ng advice, kahit hindi ka syndicated
columnist. Hindi naman para sa akin, para sa kaibigan kong trying
hard kumanta. Sabi ko sa kaniya, mas may pag-asa siya kung magkukulot
na lang siya sa mga parlor kasi ang hilig niyang magkulot ng nota,
hindi naman siya negro. Tsaka hindi naman siguro tama iyong lahat na
lang ng kanta kukulutin niya. Kahit kundiman at mga kantang Bisaya,
kinukulot! Nakikini-kinita ko nang marami kang masasabing kailangang
i-off-the-record kapag narinig mo na siyang kumanta… hindi pa naman
siya nakikinig sa mga payo ko. Matigas ang ulo niya, Regine! Wish ko
lang, makaya mo!.

Well, keep
up the good work. Huwag kang masyadong magkakain ng mani,
nakaka-pimples daw iyon. Kumakain ka ba noon? Tsaka salamat sa
inspirasyon mo sa sambayanan!

Walang takot mong
tagahanga,,

Malasa Coles

Hay, sa
wakas… nakatapos din ako. Kaya lang parang may nakalimutan akoh!
Hmmm… Ay shet! Ke-haba-haba ng tinype ko, ni hindi ko nga pala alam
ang address kung saan puwedeng matanggap ni Regine V. itong
sulat ko! O, huwag mo nang sabihin at alam ko na ang sasabihin ko sa
sarili ko – ang tanga-tanga ko! Masaya ka na?

Mai-save
na nga lang at gabing-gabi na! Bukas na lang ako mag-iisip kung
paano ko maipapadala ang sulat ko. Sino kayang puwedeng pagtanungan?
Alam kaya ni Carlo?

Makakain na nga lang ng leche
gulaman!

-ooOoo-

Nagising
akong humihingal. Nag-isip lang ako ng konti, tapos, ipinagpatuloy ko
ang paghingal. Nyemes na panaginip iyan, mukhang papagurin pa yata
ako! Ni hindi naman ako tumatakbo sa panaginip ko! Kakainis ha!
Namamawis tuloy mga kili-kili ko.

Well,
kasi naman, hindi katulad ng iba kong mga panaginip, this time
malinaw ang bawat senaryo. Noong mga nakaraan, sige, dream
lang kung dream… tapos pag nagising na ako limot ko na. Why
now,
pakiwari ko, ang bawat lugar o mga napapansin kong
kapansin-pansin e natatandaan ko pagkatapos kong magising? Hindi ko
talaga maintindihan kung bakit na lang ganoon. Hindi ko talaga
ma-gets kung bakit. Ayoko nang mag-isip!

Napatingin ako sa mga daliri ko
sa paa, kumikibut-kibot. Parang eksayted na di mawari.

-ooOoo-

Nakatulog
ulit ako… pero parang ipinagpatuloy lang iyong panaginip ko.
Bibihira iyong ganoon sa akin, ah. Narinig ko pa nga sa mga pagpapayo
ni Ernie Baron, bibihira raw iyong mga pagkakataong matatandaan mo
ang panaginip paggising… Kalimitan pa nga raw ng mga panaginip, in
black and white
. Pero I swear, colorful ang panaginip ko
kagabeh… at tandang-tanda ko pa ang lasa. May kinain kasi akong di
ko halos malimutan. Delicious! Hmmm…

Tapos pagkagising mo, heto naman
at tinapang galunggong ang ulam na hindi pa maigi pagkakaluto!

Si nanay
kaseh, mas tinitingnan ang singsing niya kesa doon sa niluluto niya…
Aba tuloy, hindi pa binubuksan ang kalan, nagsaboy na ng tinapa sa
kawali. At take note, after mga five minutes or
so
, may drama pa siyang pabali-baliktad ng mga isda! Ni hindi man
lang siya nagtataka kung bakit walang usok o init na nararamdaman sa
paligid… Basta lang makapagluto kahit walang apoy – sige banat,
mother!

Neng, ang inihain ni mudra –
tinapang binabad lang sa mantika! Malamig pa sa bangkay!!! Hay,
nanay… dakila kang tunay! Di lang masabihan ni Tatay dahil baka
mawala sa mood!

Inulam ko
tuloy, toyo na lang at suka. Binayaan ko na lang sila tatay kumain
nung tinapa… hirap na hirap tuloy lumunok – well, except for
kuya – wala namang mahirap lunukin para sa kaniya. Wala na siyang
gag reflex ano! At saka for sure, kaya nang tunawin ng
sikmura niya ang ganoong klaseng pagkain. ‘Di na namin siya
inaalala pagdating sa mga dramang sakit-sakitan sa tiyan. Di uso sa
kanya ang ganoon!

Naalala ko
tuloy ng kumain siya ng manggang hilaw na binudburan ng Milo! Di pa
nasiyahan, pinarisan ng Sky Flakes. At ang inumin, isang
litrong sopdrinks. Kulang na lang magtimpla pa ng kapeng may
margarine. Ang hirap imadyinin ng mga trip ni big browzer.
Daig pa ang naglilihi.

Sabi sa iyo,
kung normal kang tao, dapat magkulaps ka na eh. E si Kuya ko pa!

Makaalis na
nga ng maaga at nang makapagkuwento kay Carlo mamaya. Siya lang naman
ang umiintindi sa kabaliwan ko eh. Hmph!

Leave a Reply