Archive for May, 2006

Malasa Chapter 12 (Unfinished)

Wednesday, May 17th, 2006

IKALAMBING DALAWANG SUGPO
Ikalabindalawang Yugto ng mga lovers na lumalafang ng Jumping Salad

Nic,

Matagal na tayo di nag-uusap. Nahihiya kasi ako sa iyo. Alam ko ang mali ko, naging bastos ako sa iyo. Pero ang mas nakakahiya, inilampaso mo ako sa harap ng mga kaibigan ko ng walang kalaban-laban. Nagmukha akong lampa – sa harap mo at sa harap ng mga kaklase natin.

Pati na ang paghingi ko siguro ng patawad sa iyo, kapag nalaman ng mga kaibigan ko, baka kumpirmahin lang nila na talagang lampa ako gaya ni Carlo na tuluyang nagladlad na ng kapa. Gayun pa man, isinusuko ko ang lahat ng pride ko para lang humingi ng dispensa sa kagaguhan ko. Gusto kitang maging kaibigan, at sana, huwag mong masamain.

Pasensiya ka na sa istorbo. Sige, hanggang dito na lang.

Paul

Wow naman. Pakiramdam ko ako si Darna!

Bakeht? Wala lang, kasi parang gusto kong ngumuya ng bato at magsisigaw sa tabi-tabe. Para tuloy gusto kong biglaan na lang ipamigay ang forgiveness ng ganun-ganon na lang. Ano kayang ulam nila Konyat ngayong umaga at tila nalamigan ang sikmura kaya nagpasyang magsulat ng ganun-ganon na lang. Wala man lang pasintabe!

Inalog-alog ko ng kaunti ang ulo ko para mag-bounce ang hair ko at maging kapansin-pansin sa buong klase. Tumingin ako sa dako ni Konyat na nang mahuli kong nakatingin sa akin ay parang naalarma at ipinisig ang ulo na parang hitong bagong huli. Sarap lapisan ng kilay. Me bigotilyo pa! Haneph!

At wa-haw! Nic ang tawag sa aken… at siya naman, me pa-Paul-Paul pang nalalaman! Helow! Mas bagay na pangalan sa kanya, ano, ahm… Watusi! Iyon… Mukha kasi siyang Intsek na hilaw na kapag ikiniskis sa pader, maninindak na lang bigla at immediately ay magpupuputak.

“Malasa…”

Nilingon ko si Carlo na aywan kung saan nakahagilap ng nginunguyang mani. Nanghingi yata sa katabi niyang si Uma – di ko alam kung saan galing ang pangalan niya pero sa dinig-dinig ko, noong ipinapanganak siya, umaangil ang mga baka, kalabaw at kababuyan sa probinsiya nila. Mabait naman ito, katunayan, palabati pa nga. Pero ewan kung bakit ilag sa kaniya ang karamihan – siguro dahil may lahi siyang Pakistani?

“Natawag ka, Caloy?” ika ko, na kunwari’y naglalayag ang isip ko.

“Ano yan? Kanino galing iyang love letter na iyan?”

Love letter!? Parang biglang nagpanting ang taynga ko sa binitawang salita ni Diwata at wari ko’y makakaya kong isalaksak ang kabuuan ng paa ko sa nakamaang niyang bunganga.

“Saan mo naman nasagap ang balitang love letter ito? Ikaw nga Diwata, mag-ayus-ayos ka ng pananaw sa buhay! Kung may jackstone ako dito, kanina ko pa pinatalbog ang bola sa noo mo!”

“Dahlin’ curious lang naman ako sa sulat ever na iyan… What’s wrong?”

“Eh kung pitikin ko ilong mo diyan! What’s wrong? Utot mo, what’s wrong.”

“Kakatakot ka naman. Para kang piranhang bigla na lang umaatake sa mga laman-laman ko! Para natanong lang kung ano iyang binabasa mo ever eh kailangan mo na’ng maghuramentada diyan! Kumalma ka nga, para kang si mother eh. Ilang dosena na ba anak mo’t kung maka-asta ka, akala mo, punum-puno ka nang sakit at dalita?”

“Si Konyat kase, humihingi ng sorry… Gusto niya raw ako maging friend. Whatcha think?”

Naningkit ang mga mata ni Diwata, dala ng selos at purung-purong inggit.

“Sinasabi ko na nga ba’t may balak kang agawin sa akin si Pau-Pau ko, eh!”

“Enshus me ‘no… nadala lang siya sa kagandahan ko, pero di ibig sabihin no’n, the feeling is mutual. Umeetchos lang iyon dahil gustong mapansin. Malay mo, for the betterment of mankind ang drama niya. At saka puwede ba, wala sa kalingkingan ni Patrick iyang Pau-Pau mo. At… ang tawag mo sa kanya, hah-nehp! Bakit di mo ikadena? Tunog aso… helow… Pau – choo! Pau-Pau… choo! Tsk-tsk-tsk-tsk-tsk-tsk.”

“Kainis ka! Lagi ka na lang win sa mga debate natin… kailangang makahanap ako ng mga panglabang mga words sa iyo para next time, ako naman ang win. Wait ka lang…”

“Ayan ka na naman… sabi sa iyo, gawin mo lang natural at hindi iyong tipong ni-research mo iyang mga pagyayayawyawin mo para hindi mag-tunog-pilit. Dangan kasi’t di ka talagang ganyan ng malikha sa sangkatauhan kaya heto ngayon at para kang nagka-cramming session pagdating sa mga immediate remarks. Padagdag ka kaya ng memory kay Lord?”

“Dahlin, alam mo namang medyo may hinampo si Lord sa mga katulad ko. Ayaw Niya ng uncertain… gusto Niya, sure.”

“Huwag ka namang manghusga, di mo naman Siya personal na kilala. Alam mo, mag-wish ka… kapag nakakita ka ng dolphin in the flesh – maging senyales iyon na ang ibig sabihin, forgiven ka ni Lord at tanggap Niya ang kinasapitan mo sa buhay…”

“Bakit naman dolphin?”

“Wala lang… trip-trip lang. Malay mo, pagbigyan ka ni Lord at biglang umulan ng dolphin sa kinatatayuan natin ngayon.”

“Maawa ka naman sa mga dolphin… e kung lumulutang pala sila sa ere at biglang na-pull ng gravity, tiyak na sasabog ang laman-laman nila pagbagsak dito sa lupa. Mantakin mo, duguan tayong dalawa pag nagkataon… May mga blubber-blubber pang dagdag-pagkit sa mga kasuotan natin! Kadire.”

“Hay nako… desisyon ni Lord, huwag nating pakialaman. Kung uulan ng dolphin o hindi, o kung aaraw o uulan – wala tayong magagawa. He’s got all the miraculous powers kaya kung pede lang, huwag na tayong kokontra. Have the correct faith at kumilos tayo para sa ikabubuti ng mundo – hindi iyong basta na lang tayo asa ng asa sa magagawa ni Lord.”

“Wait… what about this Patrick thingie… guwapo ba talaga siya?”

“Thingie? Ano siya, bagay? Person siya… Hu-man-be-ing! And to answer your question, ba’t di mo siya husgahan yourself?”

“So, you’ll make pakilala this hu-man-be-ing sa ken?”

“Opkors…” sagot ko sabay pagkikisig bikos nagulantang ako sa malakas na pagbalandra ng malaking katawan sa pinto… si Gng. Gomez at halos nag-crack ang door sa entrance niya!

“Hoy mga batugan! Ano nang balita at mukhang hindi naman kayo naging bisi sa pagkawala ko. Pasalamat kayo’t nakipagdaldalan sa akin si Mr. Punzalan dahil kung hinde, nagtatanim kayo ng kamote sa papel ngayon,” anito sabay diin sa balikat ni Tonya na nang maramdaman ang nakaririnding bigat na nakapatong sa balikat niya’y biglang nag-frown.

Actually, kung di mo kilala si Tonya, di mo alam kung kailan siya naka-frown at kung kailan normal ang mukha niya. Konti lang kasi ang diperensiya – parang walang distortion na nangyayari sa mukha niya. Normal at frowning – parehong pangit – simpangit ng boses niya na parang may naglalayag na barko sa lalamunan niyang lekat siya.

“Ma’am… ar-ray!”

Dama ko’y may dumaloy na venom sa mga ugat-ugat ko ng marinig ko ang boses ni Tonya. Ansakit pakinggan.

“Hoy Maritoni,” sagot ni Gng Gomez sa makabasag-eardrum na reklamo ni Tonya, “tigilan mo iyang kakakumpas mo, ha! Ilang beses ka nang nakakasundot ng mata ng kaklase mo, sigi ka pa rin ng sige sa kakukumpas! At ayoko sa lahat iyang uri mo ng pananalita – ano ba iyang nakasanayan mong Ingles-Tagalog hindi ka naman mukhang conio!”

“Eh, what can I do, kung I was born na may Taglish blood?! Don’t make pakialam na lang ma’am kze it’s hard to make bago my ways dahil I’m used to it na, eh.”

“Sumasagot ka pa! Bakit di mo tsanein mga kuyukot mo diyan sa ilong mo!? Kapag hindi ka nagbago, Maritoni, tandaan mo… ibabagsak kita sa klaseng ito. Kayo niyang si Charisse… gustong-gusto niyo iyang kakahilong pananalita, hindi na kayo nagsawa. Mabuti sana kung bumabagay man lang sa personalidad niyo, eh, mukha naman kayong mga langka,” anito sabay nilingon si Charisse, “at ikaw naman, Charisse, ano’t hindi ka naka-uniporme ngayong araw na ito? Huwag mong ikakatwiran sa aking basa pa ang mga uniporme mo dahil mainit ngayon at ni hindi umuulan! Baka pigain ko leeg mo! Honor student ka pa naman, hindi ka nahiya sa balat mo.”

Napatingin ako kay Charisse. Tumungo ito at parang napahiya. Hindi ko alam pero, that very moment, nakaramdam ako ng kaunting habag sa kanya. Kaunti lang… hindi naman todo-todo… not to the extent na lalapit ako sa kaniya para pakalmahin siya. Baka kase biglang mangagat —– aso?

“Wala akong mapiling model citizen sa inyong lah-haaaaaaaat!” sigaw ni Gng. Gomez na akala mo’y todo ang hinanakit sa mundo, sabay tumalikod at itinuktok ng tatlong beses ang takong ng kaniyang boots. Mukhang nangalay at namimintig na ang mga paa niya dahil sa sobrang taas ng takong.

“Anyhow, bukas, magbibigay ako ng quiz… hindi ko sasabihin kung ano’ng topic. Ginagalet niyo ako. Bahala kayong maghagilap ng babasahin, basta ako, bukas – quiz!!!”

“Ma’am pede magtanong?” sabay taas ko ng kamay.

“Hindeee!!!” sagot ni ma’am at nandidilat pa ang mga mata…

“Wala naman kayong sapi ngayon ma’am?” bulong ko.

Malasa Chapter 11b

Wednesday, May 17th, 2006

KARYUGTONG NG DALAWANG TURONG NAKATAYO
Karugtong ng Ikalabing-Isang Yugto

Ang Kuwentuhan ng Anghel at Demonyo ni Malasa

Angel : Sunog, ano namang pinaplano mo sa alaga natin?

Demon : Ano namang pakelam mo? Kung ano man ang plano ko, ala ka na don! At saka bakit mo ba ako kinakausap? ‘D’va war tayo?

Angel : Nakakatawa kasi iyang amo mo. Andami-daming puwedeng utusan para kalabanin ako, kung bakit sa isang butatang katulad mo lang ako inilalaban? Helow, akala ko ba minamadali niyo nang sakupin ang sandaigdigan? Dapat sa mga demonyong katulad mo, bigla na lang mag-vanish dahil wala kang ka-challenge-challenge!

Demon : Para sabihin ko sa iyo, mataas ang degree ko sa psychology ano! Hindi ko inubos ang five years ko sa UI (Universidad ng Impierno) for nothing! Ikaw ang walang ka-challenge-challenge, leche ka!

Angel : May pa-UI-UI ka pang nalalaman. Sana inutusan ka na lang ni Luc na magtimpla ng kape niya dahil ala kang kagana-gana. Nagsayang lang siya ng panahon para pag-aralin ka, wala ka namang utak. Wala bang doctor diyan sa impierno? Ba’t di ka pagamot?

Demon : Napipikon na ako sa iyo, ha! Kapag ako naasar, susundutin kita nitong trident ko na regalo sa akin ni King Poseidon!

Angel : Eh, kung panain kita sa puwet nitong panang bigay sa akin ni Cupid? Yak, huwag na, baka ma-in-love ka pa sa aken! Mukha ka pa namang kambing… Ayaw mo’ng i-consider patanggal iyang sungay mo? Hindi ka ba nabibigatan? Mura lang naman ang surgery, ah? Huwag mong sabihing walang plastic surgeon sa hell, eh halos 65 per cent ng mga ganyang breed eh nasa inyo?

Demon : Ewan ko ba kay Luc… Andami-daming puwedeng piliing physical outfit, kumbakit ang pinili pa niyang maging natural form ay ang red skin na may buntot at sungay. Ipilit pa gusto niya sa mga followers niya. Hindi ko type itong ganitong form eh. Nakakadismaya. Buti na lang, alang salamin sa impierno.

Angel : Kow, eh iyang si Luc, palibhasa’y napakaguwapo noong kasapi pa namin dito sa heaven, alang inatupag kungdi ang magpa-unique ng appearance parati. Andaming regalo sa kanya ni Father pero ala lang sa kaniya. Punum-puno siya ng disregard sa beauty. Kaya hayan at pati kayong mga aanga-angang followers, hala, kuntodo sunod. Go lang sa sungay… go lang sa red skin… go lang sa buntot… may dala pa kayong tinidor, di naman kayo lalafang sa restaurant.

Demon : Bakit ka ba nangengelam, hindi naman kita friend? Naguguluhan tuloy ako.

Angel : Kasi nga, bored na bored na ako sa iyo. Akala ko ba, powerful iyang si Luc? Ba’t di ka mag-request ng kaunti pang utak para naman magkaroon ng challenge itong pagbubuno naten. Para tuloy gusto kong makisipsip ng gulaman kay Carlo kapag umeentrada ka na, eh. Paano, ang mga entrada mo, palpak!

Demon : China-challenge mo ba ako?

Angel : Ngeh, ibig sabihin hindi mo alam na matagal na tayong nag-cha-challenge-an na dalawa? Hay Kyoto! Puwedeng ikuha mo ako ng request form diyan sa opis niyo para tulungan kitang mag-sign off at mapalitan ng panibagong kaaliwan?

Demon : Isusumbong kita kay Luc!

Angel : Ay tanga… hindi mo ba alam na ang bawat conversation naten ay directly connected sa amo mo? Wired tayo baliw! Kaya lahat ng sinasabe ko, alam na ng amo mo, di mo pa man isumbong! Sabi ko na nga ba’t dapat ay naging lamanlupa ka na lang at nagkaroon ka sana ng mas magandang purpose sa buhay!

Demon : Ay oo nga ano? Sorry na-forget ko. Kaka-dismaya… I wasn’t prepared for that…

Angel : Kailan ka pa kasi naging prepared? Gusto kitang paluin sa dulo ng sungay mo… Pero alam mo, konting retoke lang sa iyo, may hitsura ka na sana eh. Kaso, kinailangan niyo pang pakalbo, samantalang andami-raming mga taong nagwi-wish na sana, may hair sila. At ang red-skin, grabe, ansakit sa mata ha! Akala ko ba hindi na kayo nasusunog? Eh bakit kayo nasa-sunburn?

Demon : Hindi sunburn ito gagah! Eto lang talaga ang physical uniform namen being a demon and all!

Angel : Koh, eh walang ka-appeal-appeal. Mukha kayong tocinong gumagalaw. Puwede ka namang magpalit ng special form di ba? Puwedeng kapag haharap ka sa aken, iyong medyo maayus-ayos naman? Ang pangit mo na nga, ang antot mo pa. Hindi ka na nahiya sa balat mo.

Demon : Kailangan kasi ng special order from the head kapag magpapalit kami ng form. Ako, ang duty ko lang ay i-mislead si Malasa.

Angel : So wala kang special powers man lang? Para que pa at naging demonyo ka, ala ka rin naman palang special privileges? Alam mo, dapat, i­request mo na lang kay Luc na maging baboy-ramo ka!

Demon : Bakit naman baboy-ramo pa? Di be pwedeng ostrich o kaya flamingo? Puwede rin naman swan o kahit manok na lang… ano’t naisipan mong ipagduldulan sa akin ang isipang maging baboy-ramo, aver?

Angel : Di mo ba alam na sarap na sarap ang mga baboy ramo kapag kinakamot ang tiyan nila? At least, humanap ka lang ng taong magkakamot ng tiyan mo, “what a joy!” na para sa iyo. Di ka pa masapat noon?

Demon : Really?

Angel : Yeah, really…

Demon : Eh, kung pigain ko iyang nguso mo? Tumigil ka nga diyan at hayaan mo akong bumuo ng sarili kong istratehiya dito sa isang tabeh.

Angel : Okay… sige. Tawag muna ako ng collect call sa heaven. Baka sakaling may update na sa bagong mission. Kahit naman ala ako sa tabi ni Malasa, for sure, hindi mo rin siya mapipilit sa gusto mo. Bakit di kasi maging ahente ka na lang sana ng gamot at maglaku-lako ka na lang sa kalye. Mas maganda sanang ending para sa iyo.

Demon : Heh, magtigel ka…quiet!!!

Angel : Ay! Alam ko na… Remember iyong titser ni Malasang mukhang kabayo? Bakit di ka na lang lumipat sa kaniya? Check mo nga iyong appointments nung demonyong naka-assign doon? Mukhang hindi naman siya masyadong busy dahil likas na ang kasamaan ng ugali ng matandang iyon. At least, paglipat mo sa kaniya, di mo na masyadong kailangang mag-isip ng strategy. Kahit hindi ka bumulong, gagawa at gagawa iyon ng kasalanan. D’va, promoted ever ka!

Demon : Pag hindi ka nanahimik, susunugin kita!

Angel : Ay nanakoht! Helow! Walang epek sa akin ang apoy! Protected ako ni Father, remember? Baka gusto mong sakalin ka ng sariling mong buntot at mawalan ng hininga for the rest of your life! Ay, wait… sorry… hindi ko na-analyze agad na hindi nga pala natin kailangan ng air para mag-survive.

Demon : Hay… alam mo… ayaw na ayaw kong nakikipag-usap sa iyo. Kasi pakiramdam ko, lahat ng ugat ko nagbabara! Stressed na stressed ako kapag kausap ka! Puwedeng mag-disappear ka na lang muna for just a few moments?

Angel : Okay… oh… if you need me, doon lang ako sa telephone booth. Makikitawag muna ako doon at mangungumusta sa mga friends ko from heaven. Matagal na kaming alang comms eh. Bye muna. Huwag kang masyadong papa-stress… nakamamatay iyan!

Malasa Chapter 11a

Wednesday, May 17th, 2006

YUGTO NG DALAWANG TURONG NAKATAYO

Ikalabing-Isang Yugto – Lucky Number ni Malasa

“O, bakit parang crumpled paper ang mukha mo? Ano’ng nangyari? Bakit ka kinaladkad ni Ms. Concia?”

Halos hindi ko naintindihan ang tanong sa akin ni Paulino. Hindi ko ine-expect na lalapit sa akin ang lalaking ito at magtatanong kung bakit malungkot ako. After ng hospitalization niya dahil sa akin, ni hindi ko nga maisip-isip na magiging ganito ka-gentle ang approach niya sa akin. At saka… wait a minute…

“Kailan ka pa naging concerned, ha Paulino?” asar at patanong kong sagot.

Bumuntung-hinga ito… tumamlay. Parang nagkulang sa bitamina ang katawan. Siguro di nagpahid ng Star margarine sa pandesal niya. Para tuloy akong nakaramdam ng habag sa hitsura nito. Anlaki kasi ng ipinagbago: ng pananalita, ng kilos, ng pananamit… ng halos lahat-lahat sa kaniya. Pero bakit nga ba lumalapit-lapit ito sa akin na parang na-sprain ang mukha?

“Wala akong problema… baka ikaw meron…” medyo nag-mellow ang pananalita ko. Saka ko lang naamoy ang medyo may kasangsangang pabango. Mukhang nag-spray ng Baygon ang mesleng na ito ah!

A-Actually… uhmm… M-Meron nga… c-concerned ka sa p-problema ko. K-Kasi… ahm…” medyo nag-stutter ng konti ang kuning-kuning at nang tingnan ko ang mukha’y dahan-dahang namula. Yes, dear reader… dahan-dahan… slow motion. Parang lumang pelikula.

“O… ba’t mukha kang mansanas diyan? Ano na namang kabulastugan ang nasa sa utak mo? Mabuti pa, lumayo ka na lang at baka hindi kita matantiya diyan…” sabi ko… pero napangiti ako habang nagsasalita – parang gusto ko lang magmaarte na kunwari e di bagay sa akin… keme-kemeng nagbibiro. Pero sa totoo lang, hindi ako naiirita sa presence niya eh. May kilig factor pa nga eh… Para saan? Itanong mo kay Pluto! Hmph!

“O-Oo… d-di naman ako m-magtatagal… Ahm… I-Iaabot ko lang sana itong s-sulat s-sa iyo… P-Pasensiya k-ka na…” lalo tuloy kinabahan si Paulinong konyat sabay abot ng sobreng kulay blue.

“May nalalaman ka pang pasulat-sulat… Ba’t di mo na lang sabihin ng harapan? Sinasayang mo mga vacant periods ko, ha!” wika ko… hindi ko mapigilan ang ngiti… baket? Wa-hay?

“B-Basahin mo na lang pag may time ka… S-Salamat…” paalam kaagad nito at patakbong lumayo. Kleng-kleng pag ganoon! Tatanong-tanong tapos biglang sumibat na parang langaw.

Makaupo nga muna dito sa bench at maisilid sa bag ang sulat ng konyat na iyon. Nagsusuma-tutal ang utak ko sa pabigla-bigla nitong pagsulpot at pagsibat. Asan na ba kasi si Carlong diwata? Kanina pa tapos ang Social Studies namin kay Mr. Benitez, eh hindi pa umeeksena dito sa rendezvous point namin! Gusto kong i-share na sa kaniya na sigurado na akong walang gusto kay Mr. Benitez at gusto kong ma-i-share sa kanya ang pangyayari kanina.

Dahlin!” dinig kong boses sa likod ko at alam kong si Carlo na parang sinakal ang boses, “Pasensiya na at medyo nahuli ako… Inartehan ko muna iyong piping nagbebenta ng gulaman sa labas… Ang cute-cute niya talaga!” dinig kong pasubali ng diwatang may bitbit na dalawang basong gulaman. Inabot nito ang isang baso sa akin sabay sabing, “For you, dahlin!”

Tikom ang mga hitang umupo ito sa bench, medyo itinagilid ang katawan, ipinatong ang kaliwang kamay sa handrest ng bench at nag-pose na parang na-stroke. Luka-lukang ito, ano bang nalalaman nitong mga pose na walang kaimot-imot?

“Salamat naman…” ika ko.

So tell me… ano’ng sasabihin mo sa akin at tila napaka-urgent ng meeting na ito?” taas-kilay pa itong nakabaling sa akin habang ang straw ng sinisipsip niyang gulaman ay nilalaro-laro niya ng dila niya. Nakakadiri tingnan.

“Umayos ka nga diyan, mukha kang iguana, gagah! Ano’t naisipan mong dumila-dila diyan…”

“Hindi ang dila ko ang object ng usapan natin, dahlin! Ang dila mo! Ano na namang kaeklayan ang pinagsasabi mo diyan sa utak mo na hindi mo napigilang ibulalas at kailangan kang damputin ni Ms. Concia at dalhin sa kung saan? Na-guidance ka na naman ba?” anito saka suminghot-singhot at ginayod up and down ang itaas na labi sa ngipin ng makatatlong beses… parang baboy.

Kinuwento ko ang mga pangyayari sa itaas… madalian lang… hindi ko rin naman matandaan ang mga pinagsasabi ko kanina, eh, so, what the heck!

“So, ikaw ang napiling representative ng school?” tanong nito sabay higop ng gulaman, may sound ang pag-slurp at napakabalasubas pakinggan.

“Dalawa kami… si Alex at saka ako…” pangungurekta ko, tapos ay ginaya ko ang uri ng paghigop ni Mariposa. Testing lang kung ano’ng feeling. Baka ma-miss ko ang sarap!

“Wow…” anito at nangislap ang mga mata, “sabi ko na nga ba’t ikaw ang dapat isali doon, eh. Matapos mong magpamalas ng kabayanihan kahapon, tiyak na ipagtutulakan ka ni Ms. Concia doon. Taon-taon iyan ginaganap, at ni minsan di pa tayo nanalo. Magagaling iyong mga private schools na sumasali diyan, eh. Talagang aral ang mga iyon sa pagsagot sa mga ganyan…”

“Alam ko, kaya nga ako kinabahan bigla, eh. Hindi ko alam kung paano ako magba-backout…

Natigilan si Carlo sa paghigop at tumingin sa akin na parang may kaluluwang ligaw sa likod ko. Matagal… mga siguro five seconds. Saka ipinihit ang katawan na animo’y banig na inirorolyo. “Sayang naman, gurl… kung saka-sakaling manalo ka doon, oh. Ayaw mo bang makakulekta ng malaki-laking halaga? At saka, sinasayang mo lang iyang utak mo… lagi na lang si Charisse ang nagkaka-honor eh, mas magaling ka pa doon sa babaing iyon.”

“Wow…” sabi ko, saka ipinisig ang kabuuan ng aking pagmumukha, “talaga nga palang kaibigan kita… you’re so honest. Ba’t di ka maglayas?”

Nanlatak si Carlo at saka nangunot ang ulo na parang sabik sa accordion, “Iyan naman ang hirap sa iyo, eh… dinadaan mo lahat sa mga kabulastugan. Lagi ka na lang may punch line kahit seryoso na ang usapan…”

“Kasi Carlo, natatakot na ako… para kasing napo-possess lang ako kapag sumasagot. Iba ang tumatakbo sa utak ko at iba ang lumalabas sa bibig ko. Kasalanan ko ba kung matakot ako ng ganito… di naman ako ganito last year ah!” pangangatwiran ko.

Neng, hindi ka kukunin ng school organ bilang feature writer kung hindi sila nagagalingan sa iyo… at saka hindi mo ba alam na bibihira lang ma-amaze iyang si Ms. Concia? Simula pa ng magturo iyan dito, wala pa siyang inirekomenda sa mga klase niya sa pakontes ng bayan natin. Di ka pa natutuwa na may naka-discover ng abilidad mo?”

“Saan mo naman nasagap iyang balitang iyan?” tanong ko, diniinan ko ng konti para lang masabing may importansiya iyong mga pinagtatatanong ko sa kaniya.

“Kay Mr. Benitez… nakakatsikahan ko rin naman iyon kahit papaano, ano!” sagot ni diwata sabay ini-roll ang mata pataas na tinipos ang dating.

“Ay, waitspeaking of Mr. Benitez… wala na akong crush sa kanya. Naka-discover na ako ng bagong papa at for once, konti lang ang diperensiya ng edad namin.” Hinahagod ko ng free hand ko ang hair strands ko. Kung bakit kasi parang paparami na ng paparami mga split-ends ko eh, di naman tag-lagas!

“Ay…” uh-hmmm, medyo may dating ang pagkaka-ay ni mariposa.

“O bakeht?”

Sorry, Malasa… k-kase… ahm… k-kase a-ano eh…”

“Ano?”

“Naibulalas ko sa kaniya iyon pagkatapos ng klase natin noong Friday… noong umuwi ka…”

What!!!?” Para namang napakalakeng revelations nang mga pinagkukuning ni diwata eh sa totoo lang, di naman talaga ako na-surprise! Over nga pagkaka-what ko na akala mo wala nang tomorrow.

“Eh, nagtataka kasi siya kung bakit madalas kang blackout sa klase niya… last Friday ang worst. Since ako ang pinakamalapit sa iyo, ako ang tinanong niya… dumulas ang dila ko, neng… muntik ko na nga siyang madilaan eh…”

Well, thennext time na makakuwentuhan mo siya… sabihin mo sa kanya… di ko na siya kras. Nag-migrate na sa buwan ang affection ko sa kaniya!”

“Engh…”

“Engh, ka diyan! Sabi ko sa iyo, sekreto natin iyon… Iyan tuloy, isip siguro ng payatolang iyon, umaalegre ang katawan ko kapag nakikita ko siya.”

“Kasi naman, eh…”

“Hay nakow Carlo… sabi ko sa iyo, huwag mong gagamitin ang pagka-diwata mo as an excuse para maging tsismosa ka! Gusto mong mamusarga mga labi mo, ha!?”

“Hinde!”

“Oh, hindi pala, eh. So next time… bago ka magsalita ng kung anu-ano, tumae ka muna para makapag-muni-muni ka! Lekat ka… tara, alis na tayo!” Sabi ko sabay change agad ng emotions at topic, “Uy, in fairness, nahikayat mo akong huwag nang mag-backout sa kontes ha… Ang galing-galing mo talaga sa mga dayalog! Pa-kiss nga!”

Iniumang naman ang mukha. Sarap lapirutin ng cheeks. Makapag-bending na nga lang.

–oo0oo–

Pansin ko lang ha, parang nahahawa na ako kina Tonya at Charisse. Nahihilig din yata ako sa Taglish at medyo lumalandi ang mga kilos ko’t galaw. Emergency na ito. Hindi pupuwedeng magkaganoon dahil ayaw ko sa kanilang mga hudeas silang dalawa.

Pero why not naman coconut? Siguro for the better na itong mga pangyayari sa akin. Besides, malay ba natin, eto na ang pinakahihintay kong pagkatuklas sa mga kagalingan ko na noon ko pa gustong ibulatlat sa madla, wala namang pumapansin. Kaya tuloy pakiramdam, di ako maganda… joke! Sa totoo lang, gandang-ganda ako sa sarili ko… pero pakiramdam ko, hindi ako ganoon katalino… joke! Siyempre kung ikukumpara ko naman ang sarili ko kina Charisse, mas matalino naman akong di hamak ano… Siguro, pakiramdam ko, api-apihan ako… joke! Kung talagang api-apihan ako, di sana, iyak lang ako ng iyak sa isang tabe habang bumubulong-bulong ng “why me?”

Alam mo, wala na kong pag-asa. May sabet na nga yata ako, kasi joke na ako ng joke sa sarili ko, hindi naman ako natatawa.

“Gusto kong mag-split pero di ko magawa, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa… la-la-la-la-la…” Kumakanta po ako mga giliw na readers, in case hindi niyo na-notice.

–oo0oo-

Kanina pa kating-kati ang ilong ko, para tuloy feeling ko, may napakalaking kulangot na nakabara. Nakakahiya tuloy, baka bigla akong mapabunghalit ng tawa eh kumawit sa bukana ng ilong ko’ng kulangot ko. Mausok pa naman ngayon at nagsusunog ng mga dahun-dahon si Mang Kardo, iyong school janitor. Binati ko nga siya kanina, pero inisnab ako… Malay ko bang may sapi rin siya?

–oo0oo–

“Roman, ano na namang kahiwagaan ang pinagbububulong mo diyan sa katabi mong si Mario na sobrang importante? Hindi ba puwedeng maghintay iyang mensahe nang mga kaibigan mong lamanglupa at at kinakailangan pang gawin mo habang nasa klase ko?”

Nanahimik si Roman, isa sa mga kaklase naming alanganin – alanganing may tiwang, alanganing wala. Inayos nito ang salamin niya habang tumitingin sa paligid at saka tumungo para lang humagikgik. Lakas ng sapak! Di kaya siya natatakot sa mga pinag-aaarte niya?

Heto na naman si Gng Gomez at alive na alive! Kuntodo boots pa na may matulis na takong at ni hindi man lang ininda ang ingrown niya kahapon. Parang nagdahilan lang. Mabuti lang kesa wala para maka-absent!

Lumakad-lakad ito at ikinembot ang may katambukang mga layers sa tagiliran, kesehodang masagasaan ng mala-pison niyang katawan ang mga balikat ng mga estudyante niyang hindi maka-shout ng “aray, ma’am… masakeht!”

Andami niyang layers sa tagiliran talaga… para siyang cake na walang icingcake na pinagtatatapyas ang gilid para talagang obvious na obvious ang mga corners ng mga bilbil niya. Ganda pa neto, ala siyang pakelam sa mga sasabihin sa kaniya ng tao. Ang lakas ng loob manlait ng kapwa, pero kalait-lait din naman ang mga pinaggagagawa niya sa sarili niya. At ang makeuphello? Halloween ba ngayon, ma’am? Trick or treat tayo bilehs!

“Nicolasa!”

“Ano iyon?” sagot ko, maangas. Nalimutan kong klase nga pala ito at akala ko, hindi titser iyong tumawag sa aken. Para kasing nasa palengke lang ako eh. Gusto ko tuloy mamili ng isda. Hindi pa rin ako nakakagawa ng daing na bangus, hmp!

“Ano’ng klaseng sagot iyon?” tanong ni Gng. Gomez at nandilat ang mata. Muntik tuloy akong mapatalon para saluhin iyong mga mata niyang akala ko’y biglang malalaglag sa pagkakakabit. Napaka-careless ni ma’am. Hindi natatakot mawalan ng mga eyeballs. Mukha pa naman siyang isa sa Fates (Past, Present and Future) ng Greek Mythology.

“Ala lang Gng. Gomez… Akala ko kaseh, dalaginding ang tumawag sa akin. Boses bata pa kasi kayo eh…” wika ko saka ko ini-ekis ang kanang hinlalato ko sa aking hintuturo. Boses unano kaya siya… kung ano’ng inilaki ng katawan niya, ganoon naman ang iniliit ng boses.

“Nang-uto ka pa! Sungalngalin kita diyan eh!” anito saka nilingon si Charisse na talaga namang kuntodo pose na parang si Enya sa cover ng “A Day Without Rain.”

“Eh ba’t nga po kasi Gng. Gomez? Bakit natawag kayo? May itatanong ba kayo or what?” ikako, may kababaan ang tono pero may dating na akala mo naghihinanakit.

“Nalimutan ko na itatanong ko,” anito saka kinonyatan ang isa naming kaklaseng si Joaquin na kanina pa sulat ng sulat sa papel niya. “Pizdetz ka… ano na namang kabastusan iyang pinagdo-do-drawing mo diyan? Ang hilig mong magdrowing ng hubad na babae, mukha ka namang bakla! Eh kung sa dinami-dami ng pagkakataon na ibinigay sa iyo ng Dios na sana e ginugol mo sa magagandang bagay, hindi ka sana nakakakuha ng palakol sa mga subjects mong shameful ka!”

“Ma’am naman eh… sakit noon ah…” sagot ni Joaquin na hindi naman makaangil ng todo-todo.

“Hoy, pustee,” baling ni Gng Gomez kay Carlo, “asan ang gulaman mo? Buti naman at natuklasan kong nabubuhay ka rin pala kahit walang gulamang sinisipsep. Aba eh para kang isda na kapag walang tubeg eh mag-e-expire kapag wala kang baong gulaman sa klase ko, ah! Iyang gulaman na iyan, minsan pa kitang mahuling magdala niyan sa klase ko, kahit patago – sinasabi ko sa iyo… palalagok ko sa iyo isang drum ng gulaman na walang arnibal!”

“Ako na naman nakita niyo ma’am… ala talaga kayong sawa sa mga ganiyang mga sermon,” sagot ni Carlo, palibhasa’y kabiruan ang titser namen, “puwede kayong mag-preacher sa Sunday mass namen? Laking relief ng mga antukin kapag kayo ang preacher namen. Siguro gunaw ang buong church… whatcha think?

Sagot naman ng gurong maeklay, “Eh kung gunawin ko mundo mo! Baka gusto mong di na makalagok ng gulaman at sago?”

Inayos nito saglit ang kanang manggas ng suot na uniporme bago nag-announce ng, “Basahin niyo iyong Kabanata Labing Anim nung Fili… Ihi lang ako saglit. Pagbalik ko, quiz tayo… Trip-trip lang. Watch out lang natin kung sinong papasa. Panalangin niyong may makatsikahan ako habang daan, dahil kapag wala akong nakitang makakausap… lahat kayo, lalo na ikaw pustee, gunaw sa aken! Hala, take off muna ako at kailangan kong umeksena sa powder room…

Nataranta naman ang lahat habang ang kalakihang katawan ng mapanglait na ginang ay sinagasaan ang mga walang malay na kabataan.

May nalalaman pa talagang pa-scan-scan mga klasmeyts ko na akala mo eh talagang pumapasok sa utak nila iyong mga pinagbababasa nilang mga lekat sila.

Ako nama’y super kaba. Pakiramdam ko tuloy, gusto kong tanggalin pagkakakawit ng bra ko. Naninikip dibdib ko, eh… baka lang kako makatulong.

Napatingin ako sa gawi ni diwata na parang titig na titig sa kawalan. Hinahanap ko puntirya ng mga mata niya pero hindi ko naman makita.

“Carlo…” whisper ko.

Inilinga ni Carlo ang ulo patingin sa akin at nagtaas ng kilay. Sa anggulong iyon, mukha siyang kulay tsokolateng anino ni Fanny Serrano.

Yehs, dahlin?”

“Pakopyahin mo na lang ako ma’ya kapag nag-quiz, ha? Alam ko kasing ginagawa mo lang pocket book itong mga gawa ni Dr. Rizal eh. Ilang beses mo na bang nabasa iyong Noli? Apat nga ba?” litanya ko.

Seven tahms, dahlin.. and I loved every second of it!.

“Oo na… whatever. Wala ako sa pokus eh. Kahit basahin ko iyon ng basahin, ang pumapasok sa isip ko, mga cartoon characters, eh. Hindi ko talaga linya iyang mga basa-basa ng nobela.”

Doncha worry…” naka-pout na sagot ni Mariposa, “nananakot lang iyang si ma’am. Gusto lang niyang makahanap ng excuse para ayusin ang makeup niyang minadali niyang ipinahid habang nakasakay sa tricycle at dumadaan sa baku-bakong daan diyan sa Kawilihan road. Kaya tuloy windang na windang ang face niya.”

“Oo nga. Akala ko nga kangina, collage lang siya eh,” kumento ko, “tao na pala!”

Napanganga na naman si Carlo. Di na ako nakatiis, pasundot kong ipinasak sa bibig niya ang aking four fingers, sabay bawi din agad, dahil pakagat niyang isinara reflexively ang bibig…

“Neh! Kasyang kasya four fingers ko kahit hindi ka mag-effort! Anglaki-laki pala ng bunganga mo!” sigaw ko.

Nahirinan ang diwata saka nagdadahak. Tawa lang ako ng tawa na wish ko lang ay wala ng ending. Kaso, saglit lang din iyon dahil may naalala akong isa na namang dapat gawin. Ang sulat ni Konyat – ano kayang nilalaman? Dapat ko nga bang basahin or what?