Malasa Chapter 11b

KARYUGTONG NG DALAWANG TURONG NAKATAYO
Karugtong ng Ikalabing-Isang Yugto

Ang Kuwentuhan ng Anghel at Demonyo ni Malasa

Angel : Sunog, ano namang pinaplano mo sa alaga natin?

Demon : Ano namang pakelam mo? Kung ano man ang plano ko, ala ka na don! At saka bakit mo ba ako kinakausap? ‘D’va war tayo?

Angel : Nakakatawa kasi iyang amo mo. Andami-daming puwedeng utusan para kalabanin ako, kung bakit sa isang butatang katulad mo lang ako inilalaban? Helow, akala ko ba minamadali niyo nang sakupin ang sandaigdigan? Dapat sa mga demonyong katulad mo, bigla na lang mag-vanish dahil wala kang ka-challenge-challenge!

Demon : Para sabihin ko sa iyo, mataas ang degree ko sa psychology ano! Hindi ko inubos ang five years ko sa UI (Universidad ng Impierno) for nothing! Ikaw ang walang ka-challenge-challenge, leche ka!

Angel : May pa-UI-UI ka pang nalalaman. Sana inutusan ka na lang ni Luc na magtimpla ng kape niya dahil ala kang kagana-gana. Nagsayang lang siya ng panahon para pag-aralin ka, wala ka namang utak. Wala bang doctor diyan sa impierno? Ba’t di ka pagamot?

Demon : Napipikon na ako sa iyo, ha! Kapag ako naasar, susundutin kita nitong trident ko na regalo sa akin ni King Poseidon!

Angel : Eh, kung panain kita sa puwet nitong panang bigay sa akin ni Cupid? Yak, huwag na, baka ma-in-love ka pa sa aken! Mukha ka pa namang kambing… Ayaw mo’ng i-consider patanggal iyang sungay mo? Hindi ka ba nabibigatan? Mura lang naman ang surgery, ah? Huwag mong sabihing walang plastic surgeon sa hell, eh halos 65 per cent ng mga ganyang breed eh nasa inyo?

Demon : Ewan ko ba kay Luc… Andami-daming puwedeng piliing physical outfit, kumbakit ang pinili pa niyang maging natural form ay ang red skin na may buntot at sungay. Ipilit pa gusto niya sa mga followers niya. Hindi ko type itong ganitong form eh. Nakakadismaya. Buti na lang, alang salamin sa impierno.

Angel : Kow, eh iyang si Luc, palibhasa’y napakaguwapo noong kasapi pa namin dito sa heaven, alang inatupag kungdi ang magpa-unique ng appearance parati. Andaming regalo sa kanya ni Father pero ala lang sa kaniya. Punum-puno siya ng disregard sa beauty. Kaya hayan at pati kayong mga aanga-angang followers, hala, kuntodo sunod. Go lang sa sungay… go lang sa red skin… go lang sa buntot… may dala pa kayong tinidor, di naman kayo lalafang sa restaurant.

Demon : Bakit ka ba nangengelam, hindi naman kita friend? Naguguluhan tuloy ako.

Angel : Kasi nga, bored na bored na ako sa iyo. Akala ko ba, powerful iyang si Luc? Ba’t di ka mag-request ng kaunti pang utak para naman magkaroon ng challenge itong pagbubuno naten. Para tuloy gusto kong makisipsip ng gulaman kay Carlo kapag umeentrada ka na, eh. Paano, ang mga entrada mo, palpak!

Demon : China-challenge mo ba ako?

Angel : Ngeh, ibig sabihin hindi mo alam na matagal na tayong nag-cha-challenge-an na dalawa? Hay Kyoto! Puwedeng ikuha mo ako ng request form diyan sa opis niyo para tulungan kitang mag-sign off at mapalitan ng panibagong kaaliwan?

Demon : Isusumbong kita kay Luc!

Angel : Ay tanga… hindi mo ba alam na ang bawat conversation naten ay directly connected sa amo mo? Wired tayo baliw! Kaya lahat ng sinasabe ko, alam na ng amo mo, di mo pa man isumbong! Sabi ko na nga ba’t dapat ay naging lamanlupa ka na lang at nagkaroon ka sana ng mas magandang purpose sa buhay!

Demon : Ay oo nga ano? Sorry na-forget ko. Kaka-dismaya… I wasn’t prepared for that…

Angel : Kailan ka pa kasi naging prepared? Gusto kitang paluin sa dulo ng sungay mo… Pero alam mo, konting retoke lang sa iyo, may hitsura ka na sana eh. Kaso, kinailangan niyo pang pakalbo, samantalang andami-raming mga taong nagwi-wish na sana, may hair sila. At ang red-skin, grabe, ansakit sa mata ha! Akala ko ba hindi na kayo nasusunog? Eh bakit kayo nasa-sunburn?

Demon : Hindi sunburn ito gagah! Eto lang talaga ang physical uniform namen being a demon and all!

Angel : Koh, eh walang ka-appeal-appeal. Mukha kayong tocinong gumagalaw. Puwede ka namang magpalit ng special form di ba? Puwedeng kapag haharap ka sa aken, iyong medyo maayus-ayos naman? Ang pangit mo na nga, ang antot mo pa. Hindi ka na nahiya sa balat mo.

Demon : Kailangan kasi ng special order from the head kapag magpapalit kami ng form. Ako, ang duty ko lang ay i-mislead si Malasa.

Angel : So wala kang special powers man lang? Para que pa at naging demonyo ka, ala ka rin naman palang special privileges? Alam mo, dapat, i­request mo na lang kay Luc na maging baboy-ramo ka!

Demon : Bakit naman baboy-ramo pa? Di be pwedeng ostrich o kaya flamingo? Puwede rin naman swan o kahit manok na lang… ano’t naisipan mong ipagduldulan sa akin ang isipang maging baboy-ramo, aver?

Angel : Di mo ba alam na sarap na sarap ang mga baboy ramo kapag kinakamot ang tiyan nila? At least, humanap ka lang ng taong magkakamot ng tiyan mo, “what a joy!” na para sa iyo. Di ka pa masapat noon?

Demon : Really?

Angel : Yeah, really…

Demon : Eh, kung pigain ko iyang nguso mo? Tumigil ka nga diyan at hayaan mo akong bumuo ng sarili kong istratehiya dito sa isang tabeh.

Angel : Okay… sige. Tawag muna ako ng collect call sa heaven. Baka sakaling may update na sa bagong mission. Kahit naman ala ako sa tabi ni Malasa, for sure, hindi mo rin siya mapipilit sa gusto mo. Bakit di kasi maging ahente ka na lang sana ng gamot at maglaku-lako ka na lang sa kalye. Mas maganda sanang ending para sa iyo.

Demon : Heh, magtigel ka…quiet!!!

Angel : Ay! Alam ko na… Remember iyong titser ni Malasang mukhang kabayo? Bakit di ka na lang lumipat sa kaniya? Check mo nga iyong appointments nung demonyong naka-assign doon? Mukhang hindi naman siya masyadong busy dahil likas na ang kasamaan ng ugali ng matandang iyon. At least, paglipat mo sa kaniya, di mo na masyadong kailangang mag-isip ng strategy. Kahit hindi ka bumulong, gagawa at gagawa iyon ng kasalanan. D’va, promoted ever ka!

Demon : Pag hindi ka nanahimik, susunugin kita!

Angel : Ay nanakoht! Helow! Walang epek sa akin ang apoy! Protected ako ni Father, remember? Baka gusto mong sakalin ka ng sariling mong buntot at mawalan ng hininga for the rest of your life! Ay, wait… sorry… hindi ko na-analyze agad na hindi nga pala natin kailangan ng air para mag-survive.

Demon : Hay… alam mo… ayaw na ayaw kong nakikipag-usap sa iyo. Kasi pakiramdam ko, lahat ng ugat ko nagbabara! Stressed na stressed ako kapag kausap ka! Puwedeng mag-disappear ka na lang muna for just a few moments?

Angel : Okay… oh… if you need me, doon lang ako sa telephone booth. Makikitawag muna ako doon at mangungumusta sa mga friends ko from heaven. Matagal na kaming alang comms eh. Bye muna. Huwag kang masyadong papa-stress… nakamamatay iyan!

Leave a Reply