Malasa Chapter 12 (Unfinished)

IKALAMBING DALAWANG SUGPO
Ikalabindalawang Yugto ng mga lovers na lumalafang ng Jumping Salad

Nic,

Matagal na tayo di nag-uusap. Nahihiya kasi ako sa iyo. Alam ko ang mali ko, naging bastos ako sa iyo. Pero ang mas nakakahiya, inilampaso mo ako sa harap ng mga kaibigan ko ng walang kalaban-laban. Nagmukha akong lampa – sa harap mo at sa harap ng mga kaklase natin.

Pati na ang paghingi ko siguro ng patawad sa iyo, kapag nalaman ng mga kaibigan ko, baka kumpirmahin lang nila na talagang lampa ako gaya ni Carlo na tuluyang nagladlad na ng kapa. Gayun pa man, isinusuko ko ang lahat ng pride ko para lang humingi ng dispensa sa kagaguhan ko. Gusto kitang maging kaibigan, at sana, huwag mong masamain.

Pasensiya ka na sa istorbo. Sige, hanggang dito na lang.

Paul

Wow naman. Pakiramdam ko ako si Darna!

Bakeht? Wala lang, kasi parang gusto kong ngumuya ng bato at magsisigaw sa tabi-tabe. Para tuloy gusto kong biglaan na lang ipamigay ang forgiveness ng ganun-ganon na lang. Ano kayang ulam nila Konyat ngayong umaga at tila nalamigan ang sikmura kaya nagpasyang magsulat ng ganun-ganon na lang. Wala man lang pasintabe!

Inalog-alog ko ng kaunti ang ulo ko para mag-bounce ang hair ko at maging kapansin-pansin sa buong klase. Tumingin ako sa dako ni Konyat na nang mahuli kong nakatingin sa akin ay parang naalarma at ipinisig ang ulo na parang hitong bagong huli. Sarap lapisan ng kilay. Me bigotilyo pa! Haneph!

At wa-haw! Nic ang tawag sa aken… at siya naman, me pa-Paul-Paul pang nalalaman! Helow! Mas bagay na pangalan sa kanya, ano, ahm… Watusi! Iyon… Mukha kasi siyang Intsek na hilaw na kapag ikiniskis sa pader, maninindak na lang bigla at immediately ay magpupuputak.

“Malasa…”

Nilingon ko si Carlo na aywan kung saan nakahagilap ng nginunguyang mani. Nanghingi yata sa katabi niyang si Uma – di ko alam kung saan galing ang pangalan niya pero sa dinig-dinig ko, noong ipinapanganak siya, umaangil ang mga baka, kalabaw at kababuyan sa probinsiya nila. Mabait naman ito, katunayan, palabati pa nga. Pero ewan kung bakit ilag sa kaniya ang karamihan – siguro dahil may lahi siyang Pakistani?

“Natawag ka, Caloy?” ika ko, na kunwari’y naglalayag ang isip ko.

“Ano yan? Kanino galing iyang love letter na iyan?”

Love letter!? Parang biglang nagpanting ang taynga ko sa binitawang salita ni Diwata at wari ko’y makakaya kong isalaksak ang kabuuan ng paa ko sa nakamaang niyang bunganga.

“Saan mo naman nasagap ang balitang love letter ito? Ikaw nga Diwata, mag-ayus-ayos ka ng pananaw sa buhay! Kung may jackstone ako dito, kanina ko pa pinatalbog ang bola sa noo mo!”

“Dahlin’ curious lang naman ako sa sulat ever na iyan… What’s wrong?”

“Eh kung pitikin ko ilong mo diyan! What’s wrong? Utot mo, what’s wrong.”

“Kakatakot ka naman. Para kang piranhang bigla na lang umaatake sa mga laman-laman ko! Para natanong lang kung ano iyang binabasa mo ever eh kailangan mo na’ng maghuramentada diyan! Kumalma ka nga, para kang si mother eh. Ilang dosena na ba anak mo’t kung maka-asta ka, akala mo, punum-puno ka nang sakit at dalita?”

“Si Konyat kase, humihingi ng sorry… Gusto niya raw ako maging friend. Whatcha think?”

Naningkit ang mga mata ni Diwata, dala ng selos at purung-purong inggit.

“Sinasabi ko na nga ba’t may balak kang agawin sa akin si Pau-Pau ko, eh!”

“Enshus me ‘no… nadala lang siya sa kagandahan ko, pero di ibig sabihin no’n, the feeling is mutual. Umeetchos lang iyon dahil gustong mapansin. Malay mo, for the betterment of mankind ang drama niya. At saka puwede ba, wala sa kalingkingan ni Patrick iyang Pau-Pau mo. At… ang tawag mo sa kanya, hah-nehp! Bakit di mo ikadena? Tunog aso… helow… Pau – choo! Pau-Pau… choo! Tsk-tsk-tsk-tsk-tsk-tsk.”

“Kainis ka! Lagi ka na lang win sa mga debate natin… kailangang makahanap ako ng mga panglabang mga words sa iyo para next time, ako naman ang win. Wait ka lang…”

“Ayan ka na naman… sabi sa iyo, gawin mo lang natural at hindi iyong tipong ni-research mo iyang mga pagyayayawyawin mo para hindi mag-tunog-pilit. Dangan kasi’t di ka talagang ganyan ng malikha sa sangkatauhan kaya heto ngayon at para kang nagka-cramming session pagdating sa mga immediate remarks. Padagdag ka kaya ng memory kay Lord?”

“Dahlin, alam mo namang medyo may hinampo si Lord sa mga katulad ko. Ayaw Niya ng uncertain… gusto Niya, sure.”

“Huwag ka namang manghusga, di mo naman Siya personal na kilala. Alam mo, mag-wish ka… kapag nakakita ka ng dolphin in the flesh – maging senyales iyon na ang ibig sabihin, forgiven ka ni Lord at tanggap Niya ang kinasapitan mo sa buhay…”

“Bakit naman dolphin?”

“Wala lang… trip-trip lang. Malay mo, pagbigyan ka ni Lord at biglang umulan ng dolphin sa kinatatayuan natin ngayon.”

“Maawa ka naman sa mga dolphin… e kung lumulutang pala sila sa ere at biglang na-pull ng gravity, tiyak na sasabog ang laman-laman nila pagbagsak dito sa lupa. Mantakin mo, duguan tayong dalawa pag nagkataon… May mga blubber-blubber pang dagdag-pagkit sa mga kasuotan natin! Kadire.”

“Hay nako… desisyon ni Lord, huwag nating pakialaman. Kung uulan ng dolphin o hindi, o kung aaraw o uulan – wala tayong magagawa. He’s got all the miraculous powers kaya kung pede lang, huwag na tayong kokontra. Have the correct faith at kumilos tayo para sa ikabubuti ng mundo – hindi iyong basta na lang tayo asa ng asa sa magagawa ni Lord.”

“Wait… what about this Patrick thingie… guwapo ba talaga siya?”

“Thingie? Ano siya, bagay? Person siya… Hu-man-be-ing! And to answer your question, ba’t di mo siya husgahan yourself?”

“So, you’ll make pakilala this hu-man-be-ing sa ken?”

“Opkors…” sagot ko sabay pagkikisig bikos nagulantang ako sa malakas na pagbalandra ng malaking katawan sa pinto… si Gng. Gomez at halos nag-crack ang door sa entrance niya!

“Hoy mga batugan! Ano nang balita at mukhang hindi naman kayo naging bisi sa pagkawala ko. Pasalamat kayo’t nakipagdaldalan sa akin si Mr. Punzalan dahil kung hinde, nagtatanim kayo ng kamote sa papel ngayon,” anito sabay diin sa balikat ni Tonya na nang maramdaman ang nakaririnding bigat na nakapatong sa balikat niya’y biglang nag-frown.

Actually, kung di mo kilala si Tonya, di mo alam kung kailan siya naka-frown at kung kailan normal ang mukha niya. Konti lang kasi ang diperensiya – parang walang distortion na nangyayari sa mukha niya. Normal at frowning – parehong pangit – simpangit ng boses niya na parang may naglalayag na barko sa lalamunan niyang lekat siya.

“Ma’am… ar-ray!”

Dama ko’y may dumaloy na venom sa mga ugat-ugat ko ng marinig ko ang boses ni Tonya. Ansakit pakinggan.

“Hoy Maritoni,” sagot ni Gng Gomez sa makabasag-eardrum na reklamo ni Tonya, “tigilan mo iyang kakakumpas mo, ha! Ilang beses ka nang nakakasundot ng mata ng kaklase mo, sigi ka pa rin ng sige sa kakukumpas! At ayoko sa lahat iyang uri mo ng pananalita – ano ba iyang nakasanayan mong Ingles-Tagalog hindi ka naman mukhang conio!”

“Eh, what can I do, kung I was born na may Taglish blood?! Don’t make pakialam na lang ma’am kze it’s hard to make bago my ways dahil I’m used to it na, eh.”

“Sumasagot ka pa! Bakit di mo tsanein mga kuyukot mo diyan sa ilong mo!? Kapag hindi ka nagbago, Maritoni, tandaan mo… ibabagsak kita sa klaseng ito. Kayo niyang si Charisse… gustong-gusto niyo iyang kakahilong pananalita, hindi na kayo nagsawa. Mabuti sana kung bumabagay man lang sa personalidad niyo, eh, mukha naman kayong mga langka,” anito sabay nilingon si Charisse, “at ikaw naman, Charisse, ano’t hindi ka naka-uniporme ngayong araw na ito? Huwag mong ikakatwiran sa aking basa pa ang mga uniporme mo dahil mainit ngayon at ni hindi umuulan! Baka pigain ko leeg mo! Honor student ka pa naman, hindi ka nahiya sa balat mo.”

Napatingin ako kay Charisse. Tumungo ito at parang napahiya. Hindi ko alam pero, that very moment, nakaramdam ako ng kaunting habag sa kanya. Kaunti lang… hindi naman todo-todo… not to the extent na lalapit ako sa kaniya para pakalmahin siya. Baka kase biglang mangagat —– aso?

“Wala akong mapiling model citizen sa inyong lah-haaaaaaaat!” sigaw ni Gng. Gomez na akala mo’y todo ang hinanakit sa mundo, sabay tumalikod at itinuktok ng tatlong beses ang takong ng kaniyang boots. Mukhang nangalay at namimintig na ang mga paa niya dahil sa sobrang taas ng takong.

“Anyhow, bukas, magbibigay ako ng quiz… hindi ko sasabihin kung ano’ng topic. Ginagalet niyo ako. Bahala kayong maghagilap ng babasahin, basta ako, bukas – quiz!!!”

“Ma’am pede magtanong?” sabay taas ko ng kamay.

“Hindeee!!!” sagot ni ma’am at nandidilat pa ang mga mata…

“Wala naman kayong sapi ngayon ma’am?” bulong ko.

Leave a Reply