Malasa Chapter 8
March 16th, 2006 by andruchrisIKAWALONG
and Winding Road
Ikawalong Yugto para sa mga taong
mahilig magpahaba ng usapan
Kakagutom
din basa ng basa. Minsan, hindi masamang kumain habang nagbabasa.
Huwag niyo lang kalimutang
lumunok.
When will our eyes meet?
When can I touch you?
When will this strong
yearning end?
And when will I hold you…
again?
Gusto kong maiyak sa pagkakanta
ni Carlo. Parang binubuhay niya ang lahat ng sama ng loob na
nananalaytay sa mga ugat-ugat ko.
-
May pananakot – ibang klaseng
humalukay ng mababang tono itong si diwata, parang nagkakawkaw ng
tubig sa dalampasigan; -
May paninindak – hanep sa
panunungkit ng mataas na tono, parang nang-uumit ng tindang bayabas
sa talipapa; -
At
ang phrasing niya, napakalinaw… napakalinaw na hindi kami
mananalo kahit consolation prize man lang mamaya sa kontes.
Ano’ng
gagawin ko? Si kuya nga, nang marinig ang boses ni diwata, natameme.
Lumabas na lang at isinara ang pinto dahil nahabag. Ayoko namang
magsalita ulit ng hindi maganda dahil baka mamaya, magtampo na naman
ang kumag na ito na kasing-sensitive ng balat ni Ma’am
Torres.
“So,
what can you say?” tanong ni Carlo, nakangiti’t wari’y
nandidilat ang mga mata. May spark pa ng kasiyahan sa sariling
performance.Tinatanong ako sa reaksyon ko sa pagkakakanta
niya.
“Well,”
ikako, nagdadalawang-isip… di ko alam kung paano ko isu-sugar
coat ang mga sasabihin ko sa kanya para hindi siya masaktan, “I
just want you to be happy. Kung ano ang gusto mong gawin, gawin
mo. Sasamahan kita doon bilang kaibigan, at kung ano mang sabihin ng
mga tao o ng mga hurado, para sa akin, panalo ka pa rin.”
Halos hindi ako makalunok sa
pinagsasasabi ko. Hindi kasi iyon ang gusto kong sabihin, dangan nga
lamang at talagang kailangang kong mamili ng sasabihin dahil ayokong
magtampo itong kasmot na ito.
Nawala ang pagkakangiti ni
Carlo. Nalungkot na naman. Tumalikod at saka tumingin sa labas ng
bintana.
Ano ba naman
ito? Daanin mo sa tapatan, magtatampo. Daanin mo sa matamis na
pananalita, magtatampo pa rin. Saan ba ako lulugar? Sana tinapat ko
na lang, hindi na sana ako nahirapan pa mag-isip ng sasabihen.
Nakakapanginig ng Pringles!
Napatingin ako sa mga kuko ko…
yak! Ang dumi! Ano ba’ng mga kinadkad ko ngayong araw na ito’t
ganito kadumi ang mga kuko ko?
Sa gilid ng
paningin ko’y napansin ko ang bahagyang paggalaw ng kahoy na
jalousy. Napadako tuloy doon ang tingin ko at nakita ko si
Kuya, may nalalaman pang pasilip-silip! Hoy! Magkakuliti kah!
“You
know what?” tanong ko, pero di ko alam kung ano’ng idadagdag…
kiyeme lang na may idea ako pero wala naman. Napalingon si
Carlo sa akin, di maipinta ang mukha… di ko alam kung nagtatanong o
trip lang niya talagang lamukusin ng ganoon ang pagmumukha
niya.
“Tatapatin
na kita, siguro… di ko lang talaga type iyong uri ng
pagkukulot mo ng nota. Masyadong magulo at nawawala ka na sa tono.
Palagay ko, dapat lang ilagay mo sa ayos ang mga kulot, hindi iyong
basta na lang may pagsasabakan ka ng kulot, kahit kailangang i-hold,
ikukulot mo. Iayos mo lang ang vocal dynamics mo. Iyon naman e
opinion ko lang…”
“Oo nga!”
dinig naming sabad ni Kuya… at napakalakas ng boses. “Disintunado
ka na eh. Nakakahiya sa mga kapitbahay! May alam ka pang
pakontes-kontes, di ka na lang magkulot diyan sa parlor ni
Fifi! Huwag ka nang mag-mike! Nalulumbay mga taga-baranggay sa
boses mo, eh!” Makialam ba?
Tahimik pero
nagmamadaling lumapit si Carlo sa player at in-eject ang
CD. Alam ko na ang ibig sabihin, magwo-walk out na naman ito.
Napakahilig mag-walk out! Saan kaya niya natutunan iyon?
Nanlatak ako.
Sa asar sa ikinikilos ni diwata, gayundin sa pagka-asar dahil hindi
ko magawang tumawa sa kumento ni big browzer.
“Siguro
naman Carlo, alam mong walang patutunguhan iyang pagwo-walk out
mo. Hindi naman ganiyan ang solusyon sa problema, eh!” wika ko,
medyo diplomatiko.
“Magkapatid nga kayo… pareho
kayo ng likaw ng bituka!” sagot ni Carlo, maluha-luha na, saka
tuluyang lumabas.
“Carlo…”
tawag ko hanggang makalabas na siya ng gate, hindi ko alam
kung maaawa ako sa kaniya o maiinis.
Tumigil ito
saglit, akala ko pinakinggan ang tawag ko. Bumuwelta lang pala ito
dahil nakalimutan niya ang costume niya.
Sukbit sa
balikat ang mga naka-hanger na costume nang muling
lumabas ng bahay. Nang mapatapat siya sa akin, nagsalita siya,
“Sasali ako sa kontes na iyon at ipinangangako ko sa iyo, mananalo
ako! I know what I can and can not do, Malasa… I don’t
care what you think of me. Ang mga tao ang huhusga sa akin, hindi
ikaw… o iyang tabatsoy na iyan! Hindi ko nga alam why I wasted
my time dito. Thanks for nothing!”
Mamula-mula
na ang mukha nito marahil sa galit at tumulo na ng bahagya ang luha
hanggang sa eyebags niyang medyo prominente. Gusto kong maawa
pero ano ang dapat kong sabihin?
Dapat ba
akong masaktan sa mga sinabi niya? Wala namang impact eh. Kung
ang plano niya ay pasakitan ako sa mga sinasabi niya sa akin, sorry,
hindi ako naapektuhan ng mga ganoong klase ng drama.
Tatawagin ko pa sana ulit kaso
narinig ko si Kuya.
“Huwag mo nang tawagin,
nagrereklamo na mga kapitbahay at hindi sila naaaliw sa boses niya,”
saway ni Kuya at saka nagtaktak ng kornik sa bunganga.
Liningon ko si Kuya… “akala
mo naman, kung sino ka ring napakaganda ang boses eh…”
“Bakeyt?
Kailan ba ako gumamit ng mike kapag kumanta ako?” sagot ni
Kuya, kaswal na kaswal.
“Kuya… sa
built-in mong amplifier, kahit walang mike,
buong baranggay dinig ang bunganga mo. Ito naman, ni hindi mo naman
inisip na masasaktan ang loob noong tao sa mga sinabi mo,” litanya
ko.
“Bakeyt?
Inisip ba niyang nasasaktan din ang loob ko noong kumakanta siya?
Buong baranggay napaiyak niya sa kanta niya sa pagmamakaawa! Bago
siya mag-aaarte ng ganiyan, lumugar muna siya!” singhal ni kuya,
nandidilat… bago naningkit ang mga mata at saka malanding pumikit,
muling nagtaktak ng kornik sa bunganga.
“Kaya nga andito siya, eh.
Para magpraktis,” katwiran ko.
“Nakinig ba
siya sa mga kumento mo? Nakita mo naman ako, lumabas ako para di na
ako mag-react. Naririnig ko siya, at feeling niya yata
e ang galing galing na niyang kumanta. Sa uri niya, pakiramdam ko,
ang gusto niya lang, mapuri, eh! Ayaw nasasabihan ang lintek!”
litanya ni Kuya.
Parang
naririnig ko ang sarili ko kay Kuya. Sabagay, may katwiran naman
siya, eh. Medyo may katigasan ang bungo nitong diwatang ito. Pero
kaibigan ko pa rin siya, kaya whether he likes it or not, pupunta
ako sa baranggay Hala-Hala at panonoorin ko ang performance niya
doon!
Pumasok ako
sa loob at hinugasan ang mga pinagkainang ni hindi man lang magawang
hugasan ng magaling kong kapatid. Gustong-gusto ko itong paghuhugas
ng pinggan, eh. Bukod sa nakagawa ka na ng biyen sa buhay mo,
nakapaglinis ka pa ng kamay mo! Kaya tuloy ang mga dumi-dumi sa kuko
ko, instant tanggal!
“Iyan na ba
dinner mo?” tanong ko kay kuya matapos kong maghugas. Kanina
ko pa kasi napapansing ginagawa na niyang kanin halos iyong kornik.
Nakakailang balot na siya, helow!
“Bakeyt?
May plano kang magluto?” tanong niya saka nag-inat-inat na wari
ba’y na-stress sa buong araw niyang pagtatambay sa
balkonahe.
“Wala
naman. Naaalarma lang ako sa dami ng nakain mong balitog. Baka
mag-ite ka diyan, porke walang sumasaway sa iyo,” sagot ko saka ko
ipinahid sa suot na apron ang kamay medyo basa pa.
“Pagprito mo nga ako ng
itlog…” utos nito pagdaka.
“Eh, kung
i-prito ko kaya itlog mo diyan? Ikaw ang kakain, bakit ako ang
magluluto?” wika ko, in my angry face.
“Sige na,” asik nito, may
lambing, “tinatamad akong magluto eh.”
Sarap
pasingawin ng mga hangin neto sa katawan! Kailan ba siya nagluto? Sa
buong buhay ko, hindi ko pa nakitang nagbuhat ito ng kawali o
kaldero… kahit na sandok man lang o siyanse. Ang pangarap yata niya
sa buhay ay maging isang guwardiya. Wish ko lang, nagtatrabaho
na lang siya kaysa nagtatatambay dito sa harap ng bahay na walang
kinikita. Isang taon na siyang di pumapasok sa kolehiyo eh.
Hmmm… baka
naman late bloomer lang. Hala, let’s not judge the book
na nga lang. My brother is not a pig… kahit na ganiyang
parang bulldozer ang katawan!
“Sige na nga… pero ihatid mo
ako mamaya sa Brgy. Hala-Hala. Panonoorin ko ang kontes ni diwata…”
“Panonoorin mo pa iyon?”
sabad kaagad nito kahit alam niyang hindi pa tapos ang sinasabi ko,
“Bigyan mo naman ng kahihiyan ang sarili mo… Malaman pa ng mga
taong kaibigan mo iyon, pagplanuhan kung paano ka tegehin!”
“Which
is why kailangan ko ng backup… Ipagluluto kita pero
sasamahan mo ako mamaya… deal?”
Nag-isip-isip
pa ito… mga five seconds bago sumagot… “Deal!”
-ooOoo-
Habang
kumakain ang masiba kong kapatid, para naman sa anniv nina mader at
pader, gagawa ako ng leche gulaman – ang matamis na di mo
malaman kung gulaman, leche flan o naimbento lang para
magkandaletse-letse ang buhay mo. Sa dami ng sangkap – sigurado ang
paghihirap! Hmph.
-ooOoo-
Makapag-iwan
na nga lang ng note sa ref. Alas nuwebe na, hindi pa
nagdaratingan ang mga kamagulangan ko! Baka di ko na abutan si diwata
sa performance niya… kahit naman papaano, gusto kong
suportahan siya sa paraang alam ko kahit alam kong wiz na siya win.
-ooOoo-
Hanep sa mga
utaw… pagkarami-rami. Tawsan-hanred. Di ko mabilang. At ang
tatangkad ng mga bakulaw… hindi ko na makita iyong stage.
Andami namang upuan, bakit kaya hindi sila maupo? Kung
makapag-standing ovation itong mga ito, akala mo, concert
ni Whitney Houston at Michael Jackson.
Kung ako ang
judge, siguradong mahihirapan ako sa pagpili ng mananalo. Di
ko malagok ang mga hitsura ng mga contestant, parang sambasong
ihe.
Iyong isa,
ang ganda ng banat sa umpisa… at ang kanta, pangkontes: You’ll
Never Walk Alone! Hala, ng kalagitnaan na, kung anu-ano na’ng
pinagsasabeh. Di kabisado lyrics. May alam pa siyang
paikot-ikot sa stage. Sarap sabuyan ng spaghetti sauce!
Iyong isa
naman, mas maganda pa iyong kapitbahay naming may down syndrome.
Kainis! Feeling niya, napaka-powerful ng boses niya at
pagkalayu-layo ng mike. Parang diring-diri. Siguro mabaho na
dahil sa samu’t saring mga laway na pumagkit. Ang ganda pa naman ng
kinakanta niya, Blue Bayou!
Hay nako, may
guwapong contestant. Sows! Bumirada ng Tom Jones. Sige banat,
Green, Green Grass of Home… Lekat at may dalang damo,
bermuda grass! At nasa palad, inilalahad sa madlang pipol!
Pulis! Hulihin niyo iyan! Nagkakalat ng damo sa Hala-Hala!
Eto namang
isa, may choreography pa! Sumasayaw ng wala sa lugar. Sayaw ng
sayaw… sige… go for mommy! Kailangan ba iyon? Singing
contest ito, noh! Buti sana kung kaindak-indak iyong kinanta
niyang Born Free. Wala sa hulog iyong pagkamagaslaw niya.
Kung ganito
lahat ng mga makakalaban ni Carlo, for sure, mananalo na siya.
“And
now, ladies and gentlemen, to sing a Barry Manilow song,” shet,
ipinakikilala na ng emcee si Carlo. Kinakabahan ako. Di naman
sa dahil inaasahan kong maligwak si mokong… pero dahil nagkaroon
ako ng pag-asang manalo siya sa linya ng mga contestant na
ipinakilala.
“Ano’ng
kanta ito? Weekend in… something-something? Ano ba ito, di
ko mabasa… May ganito bang kanta?”
Hala patay…
sinasabi ko na nga ba. Pagpapakilala pa lang ligwak na! Nyeta, andami
kasing drama nitong chenes na ito. Pati tuloy iyong title nung
kanta, di alam.
“Weekend
in New England!” sigaw ko. As if naman narinig noong
emcee eh nasa likuran kameh! Minsan talaga, di ko rin
maintindihan ang sarili ko, eh. Basta na lang kikilos ng hindi
nag-iisip! Tseh na lang para sa akin!
“Hindi ka
maririnig dito, tanga!” dinig kong singhal ni big browzer.
“Na-realize
ko na iyon, di mo pa man sinasabeh!” mataray kong sagot!
Makialam ba sa trip ko?
“Tanga! Mas
dapat na na-realize mo iyon bago ka nagsisisigaw diyan! May
alam ka pang pasagot-sagot, eh. Kung gusto mong marinig ka nung emcee
na mukhang may tiwang, makisiksikan ka sa mga kautawan para makapunta
ka doon sa harap. Balyahin mo iyong ayaw magparaan! Balungusin mo
iyong mga magtataray. Sipain mo iyong mga laseng. Andaming mga lasing
dito! Naglalasing na lang kaysa makinig sa mga kumakanta!” angil ni
Kuya.
“Eh magsisimula na siyang
kumanta, eh,” wika ko, nakasimangot.
“Hindi pa,
tanga… kita mong kinakausap pa siya noong emcee o. Ganyan
naman parati iyang mga emcee na iyan, eh. Hilig
magpatagal-tagal. Ayaw na lang basta pakantahin iyong mga gustong
kumanta. Laging kailangang kasali sila sa limelight. Mga
kulang sa pansin ang mga letseng iyan! Pagsisipain ko mga mukha
niyang mga iyan, eh,” ani kuya, nagpaparamdam ng pagkadisgusto.
“Kuya ano ba? Nakakailang
tanga ka ba sa isang araw? Nakakatatlo ka na sa akin, ha…” angil
ko sabay labi.
“Ewan ko,
di ko naman binibilang, eh…” sagot naman niya at habit na
siguro nito ang magpakaswal. Magkaroon ka nga naman ng nakatatandang
kapatid na ganito, oo.
“Huwag kang
aalis dito kuya, ha? Babalik din ako kaagad pagkatapos ng kanta ni
Carlo… Please?” pakiusap ko.
“Oo… di
naman ako aalis dito. Alangan namang pabayaan kitang umuwi mag-isa!
Gusto mong gilitan ako ni Tatay sa leeg ng mga mapupurol niyang mga
labaha?” sagot ni Kuya, mukhang praning. Pailing-iling pa!
Nakakaumay ang mukha. I-consider kaya niya ang face lift?
Nagmamadali akong nakiraan sa
karamihan ng mga utaw. Iyong iba, ayaw magparaan, kaya humanap ako ng
mga gap at doon ako nagpapasok. Nagsisimula ng kumanta si diwata nang
makarating ako sa harapan.
Sigaw agad
ako, “Right on, sister!” saka iwinagayway ang mga kamay na
parang mental patient. Ni hindi ko na inalintana kung nakikita
ba niya ako… siguro hindi kasi parang naghahanap ang mga mata niya
habang kumakanta. After a while, na-realize ko rin na
pinagtitinginan ako ng mga utaw – at saka ko lang naalala na in
front of the public, hindi nila mauunawaan kung bakit tinatawag
kong sister ang diwatang ngayo’y tila nagkakayod ng niyog sa
pagkanta. Barakung-barako, eh.
At aminin mo,
nasa mismong harap ko lang ang mga judges. Hay naku, Malasa!
Wala ka talagang delikadesa, hmph!
Kiber! Ah,
basta, wave ulet at sigaw, ng , “right on!!! Wooo-hooo!”
Inumit ko na iyong “sister.” Nakakadismaya.
Kaya lang,
ang performance ni diwata… walang pagbabago. Ganoon pa rin.
Ayaw itigil ang mga kulot. Nakita ko tuloy iyong isang judge na
parang biglang nahilo. Siguro ini-imagine kung paanong
nagro-rollercoaster sa ere ang mga notang pinoprodyus ni
Carlo. Andaming mga loops… sabay splash. Hala, nasaan
ba ako?
Iyong isa
namang judge, simisingasing ang ilong… wait, baka
talaga lang ugali na niyang sumingasing. Ang laki ng butas ng ilong,
eh! Dalawang daliri siguro ginagamit kapag nangungulangot! Puwede
ring iyong hinlalaki ng paa ang gamet… hmph!
Nahiya tuloy
akong magsisigaw ulet. Ako lang ang nagchi-cheer eh. Mukhang
kahit mga magulang niya, hindi siya sinuportahan sa pagve-venture
niya sa direksiyon ng pagkanta. Kawawa naman… Kaya
siguro ganoon na lang ang expectation niyang suportahan ko
siya, akala niya, mauunawaan ko siya sa ginagawa niya… ang kaso
hindi eh… hmph!
-ooOoo-
I feel the change coming,
I feel the wind blows…
I feel brave and daring,
I feel my blood flows…
Nasa bridge
na si Carlo, kaya lang parang di naapektuhan ang mga tao. Iyong
iba, nagsiupuan at nagkuwentuhan na lang sa tabeh. Para tuloy gusto
kong makisali sa kuwentuhan nila. Sino na naman kayang prospect ni
Mahal? Ano kayang balita sa US at Iraq?
-ooOoo-
Sa dami ng
pumapasok sa utak ko, hindi ko mahusgahan kung maganda ba ang
pagkakakanta ni Carlo. Parang wala siyang kahatak-hatak sa mga
judges. Siguro ang mananalo, iyong guwapong kumanta ng Green,
Green Grass of Home. Ikaw ba naman magpamudmod ng damo sa
Hala-Hala, kung di ka manalo.
-ooOoo-
Pagkatapos ni
Carlo, marami pang mga nagsipagkantahan. Mayroon isang magaling,
kinanta iyong Dakilang Lahi… at naka-magbubukid attire. Kaya
lang parang ginawa niyang R&B iyong kanta. May sariling style…
kaso di bagay sa attire niya. Eh kung naka-Master
Rapper attire siya… win!
-ooOoo-
“Carlo…” tawag ko sa
kaibigan ko nang mamataan ko siya sa likuran at nagmumukmok mag-isa.
Nag-angat ito
ng tingin at nang makita ako’y nakita ko ang tuwa sa mga mata nito.
Sorry, pero di siya pwedeng magkailang di siya natutuwa.
Obvious sa kilos niyang excited siyang makakita ng
kakampi. Lumapit ako sa kaniya. Nilampasan ko iyong lalaking may
dalang damo, iyong babaing kumanta ng Blue Bayou, at iyong isang
kontestant na nagsasabi-sabe!
“Akala ko,
iniwan mo na ako, eh…” sabi nito, mukhang lumipas na ang tampo.
Anong
pinagsasasabi nito… Iniwan? Di naman kami magkasama, paano ko siya
iiwan?
“Paano kita
iiwan diyan, eh…”
“I
sucked… kita mo naman iyong performance ko…
nakakahiya, kakaunti lang ang pumalakpak… parang napipilitan pa…”
sabi ni Carlo, hindi pa ako pinatatapos sa sinasabi ko.
Nakaramdam tuloy ako ng habag sa
kaibigan.
Nagpalinga-linga
muna ako, at nang makitang malayo ang ibang mga nakikipagkumpetisyon,
binulungan ko ito, “Ako hindi ako napipilitan nang pumalakpak.
Tsaka, mas mabuti na iyon, at least, experience para sa iyo.
Sa susunod, may idea ka na kung ano ang dapat at hindi dapat
na gagawin. Sabi nga nila, ‘what doesn’t kill you only makes
you stronger.’ Besides, mas maraming malalala ang
performance sa iyo. Kungdi sila naghakot ng mga kaibigan, wala
namang magchi-cheer sa kanila.”
Nakita kong
ngumiti si Carlo, tumayo at saka umangkla sa braso ko. Inaya na akong
umuwi. Pinuntahan namin si Kuya at saka magkakasabay na naming
tinahak ang daan pauwi. Hindi na namin hinintay ang announcement
ng winners. Magsasayang lang naman kami ng oras… and
I think, alam na niya iyon! Sana, maging lesson na sa
kaniya na walang mabuting naidudulot ang sobrang pride at
habit na pagwo-walk out – gayundin, na mayroong
limitasyon sa pagkukulot ng kanta!